CHAPTER 39 Nilingon ko ang dalawang nagkakasayahang kaibigan ko. Kailangan ko bang sumunod kay Vince? Saan ba talaga siya pupunta? Sino ang tutulungan namin? Paano ako maniniwala sa isang... Oh God! Ang gumugulo sa akin ay kung kaluluwa kaya siya o totoong buhay pa. Ano itong pinagdadaanan ko ngayon. Patuloy lang siyang naglakad palayo, papunta sa lugar na sinabi niya sa akin. Kailangan ko nang magdesisyon bago siya tuluyang lamunin ng masukal na gubat at mahihirapan na akong sundan siya. Bumalik ako sa pinag-iwanan namin ng aming mga gamit ngunit naabutan ko na si Cedrick doon at may kausap na siya sa cellphone. Naguguluhan na ako kung ano nga ba ang dapat kong gawin. Paikot-ikot ako. Nagkakatinginan kami sa kapatid ni Vince. "Ano ba

