CHAPTER 37 "I'm Carl, and you are?" "Vince. Just call me, Vince" "You're not from here, yeah?" tanong niya para maipagpatuloy namin ang gaming pag-uusap nang kapwa kami natahimik pagkatapos niyang sabihin sa akin ang kaniyang pangalan. "Actually, yes but this is not my first time here. Ikaw?" tanong ko. "Well, I am in fact stuck here." Huminga siya ng malalim at nakita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata. Naglakad siya palayo sa mga kasamahan namin at sumunod ako. "What do you mean you're stuck?" "Gusto kong umalis pero hindi ko pa magawa. I just can't move on." Nahiwagaan ako sa sagot niya. Umakyat siya sa mataas na bato at umupo doon. Nagdalawang isip ako kung susundan ko siya at tatabihan.

