CHAPTER 35 Hindimadaling magparaya, ngunit may mga sandaling gusto mo na lang isuko dahil napapagod din ang utak at pusong ipaglaban ang nararamdaman. Lalo pa't nang mga sandaling iyon ay pareho silang mahalaga sa akin. Hindi ko na sila nilingon pa. Kahit anong pagtawag ni E-jay sa pangalan ko ay hindi na ako huminto. Bago ako sumakay ay may humawak sa aking braso. Si Francis. Akala ko hindi niya ako hahabulin. Akala ko hahayaan lang niya akong lumayo. Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa aking braso. "I'm sorry Francis kung binigyan kita ng pag-asang maayos pa natin ito. Pagod na pagod na ako. Magulo ang lahat. Dahil sa takot at pagkalito, wala nang nararamdaman pa ito." Itinuro ko ang puso ko. "Di ba kung nagmamahal ka, dapat alam mo at ramdam m

