Ilang sandali pa akong napatanga bago nahamig ang sarili at pinili na lang na magpatay-malisya sa huling pahayag ni Blake. Gano'n pa rin naman eh, kung magagalit ako ay aangasan lang ako ng hinayupak na 'to tapos sa bandang huli ay ako lang iyong maaasar. Hangga't hindi ko pa alam kung paano kontrolin ang emosyon ko pagdating sa bawat banat niya ay iiwas na muna ako. Baka kasi kapag mapuno ako ay muli na naman akong mamaril. "Sure," kalmado kong sagot kay Blake. Napansin kong bahagya siyang natigilan kaya lihim akong natuwa. Mukhang ibang reaksiyon yata ang inaasahan niya mula sa'kin. Masarap sa pakiramdam na na-disappoint ko siya. "Siguraduhin mo lang na kapag ginawa mo iyon ay wala akong dalang baril.. " makahulugan kong dugtong. Sinadya ko pang ibitin ang pagsasalita bago nagpatuloy

