Iniwanan ako ni Blake ng isang malamig at walang emosyon na sulyap bago siya tahimik at walang paalam na tumalikod patungo sa pintuan. Umismid ako habang hinatid ng tingin ang papalayo niyang bulto. Narinig ko ang pag-click ng lock nang tuluyang sumara ang pintuang nilabasan niya, sa wakas ay naiwan akong mag-isa sa malawak at napakatahimik na kuwarto. Ilang sandali pa muna akong nakipagtitigan sa kisame bago dahan-dahang sinubukang maupo. Nilagyan ko ng unan ang likod ko upang maging komportable ako. Bumaba ang tingin ko sa aking kaliwang binti na nakapatong sa dalawang unan at nababalot ng breathable splint. Kumikirot pa rin ito, isang tuluy-tuloy at malamig na kirot na pumupunit sa konsentrasyon ko sa tuwing susubukan kong igalaw kahit ang mga daliri ko sa paa. Subalit gaano man ka

