Bago ko pa mapagsabihan si Fhel ay biglang nag-angat ng mukha si Chaily na karga-karga ko. "Is that doll for me, Mommy?" nagningning ang mga matang tanong nito habang nakatingin sa malaking barbie doll na ipinatong ni Fhel sa bakanteng upuan. "Yes, baby girl, this is for you," si Fhel ang sumagot at magiliw pang inangat ang manika upang malinaw na makita ng bata. "Your mommy bought this personally," dugtong pa ng lukaret gayong pareho naman naming alam na siya ang pumili at bumili niyon. "Wow! Thank you, Mommy!" masayang pasasalamat sa'kin ng bata. "You look like my doll!" namimilog ang mga matang baling nito kay Fhel at nagpalipat-lipat pa ng tingin sa dalawa. Bahagyang bumuway ang pagkakangiti ng pinsan ko, hindi alam kung matutuwa ba siya o ano dahil sa pahayag ng bata. Ang ginawa

