Tuluyan nang tumigil ang kabayo pero hindi ang malakas na kabog ng dibdib ko. Hindi pa tuluyang nakabawi ang katawan ko mula sa nakakapanginig na orgasmo. Mariin kong naikuyom ng palad ko, tila naubos ang lakas ko at hindi ko alam kung paanong itago ang kasalukuyang estado ng katawan mula sa ibang tao. Siguradong mapapansin ng kahit na sino ang kakaibang pamumula ng mukha ko. Maliban sa pawis ay nangangamba akong maaamoy nila ang totoong sanhi ng panlalagkit na nararamdaman ko. Habang pilit na pinapakalma ang sarili ay muling pinatakbo ni Blake ang kabayo. Bago pa ako makapagtanong kung saan kami pupunta ay napansin kong binabagtas na namin ang direksiyon ng East Wing. Bahagyang nabawasan ang pag-alala ko, nabigyan ako nga pag-asang mailigtas pa ang dignidad ko. Maliban sa iilang kasamb

