Dahan-dahang sumikat ang araw at tuluyan nang nagliwanag ang kalangitan habang nasa himpapawid kami. Matapos ang ilang oras ay naramdaman ko ang banayad na pagbabago sa tunog ng makina ng private jet at ang dahan-dahang pagbaba ng altitude. Sa ibaba, sa ilalim ng sikat ng araw, ay unti-unting tumambad sa paningin ko ang isang napakalawak at napakaganda na tanawin— ang Austramica. Sa unang tingin, mukha lamang itong isang tahimik, maunlad, at eksklusibong self-governing na teritoryo na napapalibutan ng malapad na baybayin at kagubatan. Sa paningin ng mga taga-labas, ang Austramica ay isang simpleng estado na may sariling gobyerno, mauunlad na mamamayan, at maayos na ekonomiya. Ngunit bilang isang Garcia na bihasa sa larangan ng kapangyarihan at politika ay alam ko ang totoong kulay ng

