"Mommy..." Muntik na akong mahulog sa wheelchair ko nang biglang may bumulong sa likuran ko. Muntikan na ring mabali ang leeg ko sa biglaan kong paglingon dahil sa gulat. Nakangising mukha ni Chailyn ang bumungad sa'kin. "Are we eavesdropping?" pabulong niya pang tanong at sumilip-silip pa sa loob. Sa paningin yata ng batang ito ay may pagkatsismosa ako. Inaasahan kong kasama ni Cupid ang batang ito sa loob, kaya nagulat talaga ako sa biglaan nitong pagsulpot. Hindi pa nga ako nakapag-kape pero muntikan na akong mag-palpitate sa nerbyos. Mahina na lang akong pumalatak habang kinakalma ang pag-wawala ng dibdib ko. Hindi ko naman pwedeng pagsabihan itong bata dahil malay ba nito sa pinaggagawa ko. "Did I scare you?" namimilog ang mga matang usisa ni Chailyn. Umikot pa talaga it

