Pagkatapos ng tanghalian ay oras na para sa nap time ni Chailyn. Akala ko talaga ay madali lang ito patulugin—iyong tipong babasahan ko lang siya ng ilang pahina ng fairy tale book, pipikit ang mga mata niya, at makakatakas na ako para makapag-isip ng plano ko. Pero nagkamali ako. Dahil nga Carson ang batang ito, syempre may sarili siyang rules. "No books today, Mommy! I want to watch a movie!" masayang pangungulit sa akin ni Chailyn habang hinihila ang kamay ko. "Please..." Kanina niya pa ako pinipilit, at dahil wala ang magaling niyang ama kaya mukhang ako pa ang kailangang magpatulog sa kanya. Ang malala pa ay hindi lang basta sa kwarto niya kami manonood dahil gusto niya ay sa movie room kami pupunta. "May TV naman dito," saad ko. "Dito na lang kaya tayo manood," pangungumbinsi

