Sa wakas.... katahimikan. Na-survive ko ang ilang oras kasama ang buong angkan ng mga Carson. Pero aaminin ko na nag-enjoy naman ako kahit papaano. Kahit sobrang guarded ko habang kasama sila, ay natatagpuan ko ang sariling kusang natawa, napangiti at napa-cheer sa mga kumakanta na akala mo nag-concert gayong wala naman sa tono. Kung tutuusin ay parang karaniwang pamilya lang ang mga Carson. Natural ang kilos ng bawat isa, at kitang-kita kong masaya at nagkakaisa sila. Kung umasta nga sila ay parang mga ordinaryong tao lang na walang limpak-limpak na pera, lalo na iyong mga kababaihang umibig sa mga Carson. Sila iyong puso ng pamilya. Maliban doon sa iillan ay tila nasa genetics na ng mga lalaking Carson ang pagiging nonchalant, kawalan ng pakialam sa paligid, at malamig ang awra per

