"Gusto mo bang subukang mag-bartender?" biro ko kay Nurse Sarah para kahit papano ay maibsan ang panginginig ng mga kamay niya. "Mukhang mas kailangan mo ng isang shot ng scotch." Isang kinakabahang tawa ang pinakawalan ng nurse bago humugot ng malalim na hininga. Nginitian ko siya upang kahit papaano ay mapanatag ang loob niya. "P-pasensya na po talaga kayo," muli niyang paumanhin. "Huwag kang mag-alala, hindi naman ako ang boss mo sa pamamahay na ito," balewala kong sagot habang ikinumpas ang kanang kamay. "Bisita lang naman ako rito kaya pwede mo akong ituring na kaibigan. Isa pa ay magkababayan tayo." Kinindatan ko pa siya pagkatapos magsalita. "Naku, Miss Kylie, nakakahiya naman po—" "Huwag kang mahiya kapag ako ang kaharap mo," maagap kong putol sa kanya. "Medyo makapal din k

