Kinaumagahan, madaling araw pa lang ay gising na ako. Sinalubong ako ng katahimikan ng buo kong silid. Unang araw ko ngayon sa Carson Estate, at aaminin kong hindi ko alam kung paano simulan ang umaga ko. Ilang sandali pa muna akong nakipagtitigan sa kisame ng silid ko bago ko napagpasyahang bumangon at magbihis upang simulan ang nakasanayan kong pagtakbo tuwing umaga bilang pagpapapawis. Dapat ganitong oras ay sa shooting range agad ang punta ko upang magta-target shooting pero mukhang kailangan kong unahin ang pagtakbo. Hindi ko alam kung may shooting range ba rito sa estate ng mga Carson. Suot ang aking sports bra at running shorts ay lumabas na ako ng silid ko habang inaayos ang pagkakatali ng aking buhok sa isang mataas na ponytail. Tahimik ang buong hallway, kaya parang naririni

