A beautiful you episode 3

997 Words
Hindi siya na late ng makarating siya ng kanilang opisina may dalawang minuto pa natitira. Hindi pa siya naka upo sa table ng pumasok si Christian. " Good morning sir Christian." bati niya rito. Tinanguan lang siya nito bilang pag tugon at nagtuloy-tuloy na itong umupo sa ergo chair. Sinundan niya ito ng tingin mataas ito sa height na 5'6 naka sout ng puting longsleeved na naka tuck in sa sout nitong faded jeans na tinirnohan ng sneakers. Maya maya dumating ang kanyang mga kasamahan sina Marnila at Sandra. Ginugol nila ang oras sa pagtatrabaho hanggang sa sumapit ang 11:30 nag sabit si Marnila ng sign na" Breaktime." Sinilip niya si Christian sa inuupoan nito bago inayos ang kanyang mga gamit. Nakita niyang naka patong ang mga paa nito sa desk na pinag cross at nakasandal sa ergo chair. " Tulog siguro yan, kanina pa yan hindi gumagalaw." puna ni Marnila habang nakatingin sa boss na si Christian. " Sarap magpa kalong kay sir tapos pugpugin ng halik ang mapupulang labi at sabihin, sayo na ako sir." Nangingiting biro ni Sandra sa kanila na no’y nag aayos ng mga gamit para bumaba ng opisina. “ Hindi ka ma mroblema sa mamanugangin mo dahil hindi pihikan sa babae." Natatawa sabi ni Sandra sa kanya. “ Si——“ Naputol ang kanyang sasabihin ng biglang bumukas ang pintuan ng opisina. Sabay sabay silang napalingon roon at pumasok ang inang si Martha Madison. " Anong oras na bakit nandiyan pa kayo?" tanong nito sa kanila. “ Alis na kayo, maiwan ka Aryana." Nakangiti nitong sabi. Agad na lumabas ng office ang dalawa niyang kasama at tulad ng sabi ng ginang nagpaiwan siya. " Sinasabi kuna nga ba tulog kana nanaman." anang ginang ng lapitan nito si Christian at hinila nito ang taenga. " Ano pang nagagawa mong trabaho kung tulog tulogan ka lang diyan?" inis na tanong ng ina. " Hindi naman ako na tutulog pumikit lang ako." pangatwiran nito. " Wag mo akong paglulukuhin hindi kana nahihiya kay Aryana. " Umayos kana diyan at kakain na dinalhan ko kayo ng pagkain dalawa. Halika na hija." Baling nito sa kanya. Alanganin siyang lumapit sa mesa ni Christian. Nahihiya siya sa ginang lalo na ipagparis nanaman sila nitong dalawa ngayon. " Dito kana ma upo."ani Christian ng makalapit siya saka ito tumayo. " Wag na, dito nalang ako ang mama mo nalang ang pa upuin mo diyan." tanggi niya sa alok nito. Kinumpas ng ginang ang mga kamay. " Wag muna akong alalahanin tapos na akong kumain. Saka hindi din naman ako mag tatagal." tugon nitong pinaglipat ang tingin sa kanya at sa anak nito. Agad niyang tinikman ang dala nitong kare kare. " Ito po ang pinaka masarap na kare kare ang natikman ko." puri niya sa ginang. Abot taenga ang ngiti ng ginang sa kanyang sinabi " Mabuti naman hija at nagustuhan mo. Hayaan mo pagkasal na kayo ni Christian, ibibigay ko sa iyo ang recipe." Natatawa nitong sabi sa kanya. Muntikan siyang mabilaokan sa sinabi nito. “ kailan kaya kami lulubayan nito?” sa isip niya. " Dapat mag pakasal na kayo lalagpas na yan si Christian sa calendario. Gusto ko ng makakita ng apo ko.” sabi nito na para bang kinikilig sa kanilang dalawa. Ramdam niya ang pamumula ng kanyang pisngi sa sinabi nito. Nahihiya siya sa kanyang amo si Christian. " Ma, cut if off." agad na saway ni Christian sa ina. " Ah basta! Hindi ako papayag na hindi si Aryana ang papakasalan mo." pagdiinan nito. Hindi niya malunok lunok ang kanyang kinain kare kare, pakiwari'y niya sumabit sa kanyang lalamunan ang kinakain niya. " Bueno, maiwan kuna kayong dalawa." pagpaalam ng ginang at naglakad papuntang pintuan. Agad siyang tumayo ng tuluyan makalabas ang ginang sa opisina. " Where are you going?" Agad na tanong ni Christian sa kanya. Tumigil siya sa paglakad at nilingon ito. " Naka-alis na ang mama mo pwedi na ako bumalik sa table ko." tugon niya at muling naglakad pabalik sa kanyang desk " You can go back to your table but you have to finish your food first." sabi nito sa mautoridad na boses. Wala siyang nagawa kundi bumalik sa kanyang inu-upan at pinagpatuloy ang pagkain. " Hindi ka naman na babother sa mama ko diba?" tanong ni Christian na tinignan siya nito. " Hindi naman." sinabayan niya iyon ng pag-iling. " Alam mong pinag pair niya tayo diba?And you know naman that can never happen?" saglit itong huminto sa pagkain at nakikipag titigan sa kanya. " Oo, naman!" tanging tugon niya. " Alam mo kung paano matigil ang mama ko sa pang bubuyo sa atin?" tanong nito. Umiling-iling siya." Wala akong idea, kung ano ang gagawin eh!" Ngumiti ito ng malapad." Titigilan tayo ni mama kapag isa sa atin ay makasal na. Dapat mag asawa kana." serysuso sabi nito. Napa ubo siya sa sinabi nito “ Paano ako magpapakasal eh wala naman nag kakagusto sa akin." Gusto niyang sabihin dito pero nahihiya siya baka pagtatawanan siya nito. " Bakit hindi nalang ikaw ang mag pakasal sir?" Natawa ito " Wala pa sa bukabularyo ko ang magpakasal." tugon nitong sumubo ng kanin. " Yeah! kasi hindi kapa sawang paglaruan ang mga babae."Gusto niyang isagot dito, pero nagpigil na lamang siya wala siya sa katayuan para sabihin niya iyon. Kaya ni minsan hindi na sagi sa isipan niyang magustuhan ang binata dahil sa pagiging playboy nito. Baka isa lang siya sa mga babae nitong luluha. " Bakit ka natahimik?" Untag nito ng mapansin natahimik siya. “ Pwedi naman natin deadmahin ang pang bubuyo ng mama mo, wala naman akong problema dun." sabi na lamang niya. " I can do that. Yaan nalang natin siya." Pag sang ayon nito sa kanya. Tinapos niya ang kanyang pagkain saka niligpit niya ang pinagkainan nila ng binata. Tinignan niya ang orasan naka sabit sa ding-ding may natitira pa siyang oras, kaya agad niyang pinuntahan ang kaibigan na hindi malayo sa kanyang pinapasukan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD