CHAPTER 2

717 Words
ROSE P.O.V "Hala! Ang laki naman ng bahay Lolo! sigurado kabang ako talaga yung pipiliin mo?" gulat kong tanong habang nakamasid sa paligid. Narinig ko naman siyang tumawa ng malakas, "Oo naman Hija." "Eh bakit ako?" nagtataka kong tanong. Kasi naman diba? Pwede namang ibang babae ang piliin ni Lolo. Hindi naman kasi ako kagandahan eh, at sa yaman niyang 'yan for sure maraming magkakandarapa sa apo niya kahit na pangit pa 'yun. "Eh bakit hindi ikaw? Alam mo kasi Hija, maraming nagkakandarapa sa yaman ko. Maraming gustong maging asawa ng mga apo ko, mayayaman at magaganda pa nga yung iba. Kaso isang bagay naman ang wala sakanila na matagal ko ng hinahanap." seryosong sagot ni Lolo sa tanong ko. May sinenyasan siyang isang babae, maid 'ata dahil sa pang-maid ang uniform nito. "Tawagin mo si Lazaro, sabihin mong papuntahin sa office ko sa may library." utos ni Lolo atsaka ako iginaya papunta sa hagdanan nila na sobrang haba. May red carpet pa. "Eh ano namang hinahanap mo Lolo?" tanong ko ulit. "Ugali, ang hinahanap ko ay ugali Hija. Pasok ka," Saad nito sa'kin at pinapasok ako sa isang kwarto. Ito 'ata ang office ni Lolo Greg. Habang inililibot ko ang paningin ko sa paligid ay bigla nalang bumukas ang pintuan. May pumasok doong isang lalaki na sobrang gwapo. Don't tell me na siya na? Ang gwapo naman, pero nahahalata kong babaero 'to. "Oh Lethal apo, bakit ka napauwi rito sa manila?" tanong ni Lolo. Teka, Lethal? so hindi siya si Lazaro na mapapangasawa ko? "Boring na kasi sa hacienda Lolo, Kaya umuwi ako rito. You know me Lolo, I easily get bored. And oh Lolo, care to introduce me to the beautiful lady here?" papresko nitong saad sa'kin at kumindat pa. Gwapo na sana, kaso mahangin lang. "Siya si Rose, ang mapapangasawa ng kuya mo. Magiging ate mo siya kaya please take good care of her. And Rose, this is my second apo, Lethal Montagne. 'Yan ang pinakamakulit sa mga apo ko, at 'yan din ang palaging nagbibigay sa'min ng sakit sa ulo." Saad ni Lolo habang nakangiwi. I saw Lethal pouted. Awkward naman akong tumawa at akmang aabutin ko na ang kamay niya ng bigla nalang may lumipad na ipis papunta sa'kin kaya napatakbo ako sa pintuan. "Aahhhh!! ipis ipis!" sigaw ko. Narinig ko din si Lolo at Lethal na sumisigaw na kumalma ako pero hindi ko kaya. Takot kasi talaga ako sa ipis. Call me OA pero mamatay ako kapag nakalapit sa balat ko yung ipis. Pero talaga namang napaka-mapaglaro ni Tadhana. Palapit parin sa'kin yung ipis na lumilipad kaya agad kong binuksan ang pintuan. Timing naman na may pumasok kaya agad akong sumampa sa taong 'yun habang nanginginig. Wala na akong pakealam, ang gusto ko ay mailayo mula sa ipis na 'yun. "Lazaro Apo!" dinig kong sambit ni Lolo. Agad naman akong napasilip sa pintuan bago ko tinignan si Lolo. Wala naman akong ibang nakikita maliban sa... "Ahhhh! Hala, sorry po Sir. Sorry po. Hindi ko po sinasadya." hinging paumanhin ko sakaniya. "Tsk, I knew it." malalim ang boses nito. Kaya dahil sa curiosity ko ay sinilip ko ang mukha niya. At talaga namang napakagwapo. Makapal na kilay na perpektong perpekto, pulang labi, matangos na ilong. Basta perpekto! "Done staring?" tanong nito sa'kin. "Ay gwapo!" nasabi ko dahil sa gulat. "Apo, she's Rose. Siya ang mapapangasawa mo, Rose siya si Lazaro. Ang aking unang apo." Saad ni Lolo na nakangiti pa sa'kin. "Lo, why her? I know the likes of her. She's a gold digger." seryosong saad nito habang nakakunot ang noo niya. Nagpantig naman ang tenga ko sa sinabi niya. "Aba't hoy! Oo pumayag ako sa ganitong set-up pero wala kang karapatang insultohin ako dahil hindi mo'ko kilala. Gwapo ka sana kaso napaka-antipatiko mo. Kung gusto mo, mag-no ka! Hindi naman kita pipilitin bwesit na 'to." inis na inis kong saad. Aba, hindi porke't matalino siya ay gaganiyanin niya na ako. He doesn't have the rights to insult me because in the first place he is not in my place right now. Ay shet English. "Apo, please understand me. And look at Rose, she's pretty and smart. She fits to be your wife. And it's only for 1 year. The purpose of you getting married is for your own sake too Apo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD