"Ano? Pumapayapag ka ba diyan? Naku! Wag mo nang palampasin yan girl, kung sakali makaka-bingwit ka ng malaking isda!" Excited pang turan ni Kyla. Nakatitig lamang siya sa card na hawak, tsaka siya napailing kay Kyla.
"H-hindi maari, kapag ginawa ko iyon para na rin akong nagkasala sa sinumpa'an ko bilang nobisyada, " sabi niya at napa-buntong hininga.
"Pero---" -Kyla
"Kyla, tandaan mo isang nobisyada yang si Amara. Gusto mo ba yang magkasala ha?" Sabat ni Sally na nakahalukipkip sa tabi nila.
Napasimangot si Kyla.
"Eh, kasi sayang naman 'yun. Isipin mo, ide-date ka ng isang Jexel Mondragon, na isang kilalang Architect at CEO ng International Airlines! Sayang talaga Amara, sayang." Tsaka naglakad papasok sa sala si Kyla na sinundan naman nila.
"Kung gusto mo Kyla, ikaw na lang sumipot sa date namin?" Biro niya.
Umismid ito.
"Kung pwede lang, kung ako lang niyaya niyan. Jusko! Mabilis pa sa alas-kwatro kong tatangapin!" Eksaherado nanaman nitong sabi na ikinatawa niya.
"Kaso hindi ikaw eh," muli ay singit ni Sally.
"So, tine-turn down mo talaga ang alok na date ni Sir Jexel?" -kyla
Tumango siya at ngumiti.
"Yap. Hindi talaga pwede, oh s'ya at papasok na ako. Gusto ko ng matulog." Tumayo na siya mula sa sofa at naglakad patungo sa kwarto.
"Oy! Aga aga pa, day off naman natin bukas Amara!" Dinig pa niyang sigaw ni Kyla pero hindi na niya nilingon.
--------------------------------------
---------------------------------------------------------
"Good Morning!" Biglang napamulagat si Amara nang marinig ang matinis na tinig na iyon ni Kyla.
Nabigla siya nang may isang malaking boquet na bulaklak itong inilapag sa tabi niya. Hindi lang basta bulaklak! Mga mamahaling bulaklak na sa magazine lamang niya noon nakikita.
"B-bakit may ganito? Anong meron?" Sabi niya at nagtatakang umupo sa ibabaw ng kanyang kama.
Umupo din sa gilid ng kama si Kyla.
"Tignan mo kanino galing, dali!" Excited na turan ng dalaga. Kinuha niya ang card na nakapagkit doon.
Have a beautiful day a head, sleepy head :)
See you later, Mimosa.
-JD
Kinusot-kusot niya ang mga mata, para mapatunayang hindi siya nanaginip lamang.
"Bakit niya ako pinadalhan ng ganito?" Usisa niya sa kaharap.
"Hindi ba obvious? Siyempre type ka nun, Amara. Oy! In all fairness ang haba ng hair mo ha." Tsaka nito tinusok-tusok ang tagiliran niya. Napangiwi siya at napa-kamot sa kanyang ulo
"Anong pinag-uusapan niyo diyan?" Pupungas pungas na tanong ni Sally. Nanlaki pa ang mata nito nang makita ang bulaklak.
"Wow! Ang aga niyan Amara ha," sabi nito at umupo.
"Galing yan kay Sir Jex, haba ng hair diba? Ano na Amara dali, mag decide ka na! Sasama ka ba sa date niyo mamaya?" Nakangising tanong ni Kyla. Napangiwi siya ulit.
"Hindi talaga," sabi niya na nahihiya.
"Pa'no yan kung pinuntahan ka dito, aber?" Si kyla.
Napa-isip siya. Hindi pa naman niya kayang magpahiya ng tao.
"Aalis ako ngayon, Amara. Uuwi ako sa amin, baka gusto mong sumama? Para mataguan mo si Sir Jexel," aya ni Sally sa kanya.
Nagliwanag ang kanyang mukha.
"Sige. Sasama ako," masaya niyang sabi na ikinangiti ni Sally.
--------------------------------------
-----------------------------------------------------
"Pasensya ka na Amara, maliit lang ang bahay namin ha? Alam mo na." Tila nahihiyang sabi ni Sally nang nasa harapan na sila ng bahay ng mga ito.
Tinapik niya ito sa balikat.
"Ano ka ba? Okay lang. Napaka ganda nga ng bahay niyo kahit simple lang," nakangiti niyang sabi sa kaibigan na ikinangiti nito.
Totoo naman ang sinabi niya, ang ganda ng tahanan ng mga ito. Maraming halamang namumulaklak sa harap at paligid-ligid ng bahay kubo ng mga ito na nagbibigay ng preskong dating.
"Bolera ka, tayo na at pumasok." Nagpatiuna na itong pumasok sa kawayang bakod papasok sa solar ng mga ito.
"Mama?" Tawag ni Sally sa ina nito. Lumabas doon ang isang ginang na tuwang tuwa nang makita sila.
"O sally ikaw pala, naku may kasama ka pa pala. Hali kayo at pumasok. Sally, ikaw na muna ang bahala sa kaibigan mo ha? Naglalaba pa kasi ako." Sabi ng ina nito. Pumasok sila at umupo siya sa kawayang upuang naroon. Si sally naman ay dumiretso sa kusina.
Nang makabalik ito, may dalang pitsel na malamig na tubig at isang baso.
"Uminom ka muna Amara." Sabay abot sa kanya ng baso na ito na mismo ang naglagay ng tubig.
Maya maya pa ay may lumabas na isang dalagita mula sa isang maliit na silid doon.
"Amara, kapatid ko pala si Selena." Pakilala nito sa kapatid. Ngumiti siya,
"Hello, selena." - Amara.
Ngumiti ang dalagita. Pansin niya lang, maputla ito at payat.
"Dalawa lang kaming magkapatid," pagkaraan ay sabi ni Sally.
"Ikaw Amara? Wala ka ba talagang kapatid o kamag anak man lang?" Pagkaraan ay turan nito.
Umiling siya.
"Wala." Tipid niyang tugon.
"Hindi ka nalulungkot?" Usisa nito.
Muli siyang umiling.
"Hindi, dahil ang pagmamahal ng ina o mga kapatid ay nararanasan ko sa pamamagitan ng mga madreng nasa kumbento. Kuntento na ako doon, minsan napapaisip kung ano ang pakiramdam ng may sariling pamilya, pero agad ding nawawaglit sa isipan ko dahil nga hindi nagkulang sa pagmamahal sina mother superiora sa akin," mahaba niyang paliwanag sa kaharap na napangiti.
"Nakaka-hanga ka, halata ngang masaya ka na sa kung anong meron ka." Gagad nito.
"Halika sa kusina. May kakanin doon, baka gusto mong tikman?" Tsaka tumayo na ito. Tumayo na rin siya at masaya siyang sumunod sa kaibigan
Masaya siya at nararanasan niya ngayon ang mga ganitong bagay.
-------------------------------
------------------------------------------------------
Inayos ni Jexel ang kanyang buhok, habang nakatingin sa malaking salamin na nasa silid ni Ezrael. Naroon silang tatlo nina Evan at Ezrael. Wala si anthony, baka may date.
Binato siya ni Evan ng isang unan. Nakasalampak ito sa kama ni Ezrael. Habang ang huli ay nasa may gilid at busy sa laptop.
"Ano yan ha? Pa-pa gwapo ka? Parang first time mong makipag date ha?" Asar sa kanya nito.
"Shut up, fucker!" He hissed. Tiyak na hindi siya matatangihan ni Amara ngayon. Lalo kasi siyang kumisig tignan. Nagpagupit pa siya para sa date na ito.
"What happened to our Jexel Mondragon? Bakit tila ikaw pa ang nagkakandarapa sa nobisyadang iyon?" Muli ay buska nito sa kanya.
Nagpa meywang siya at hinarap ito.
"She's shy ofcourse, at hindi iyon mag pe-first move so I insist," tiwalang sabi niya sa kaibigan na tinawanan lang siya.
"So full of yourself, moron!" Biglang sabat ni Ezrael.
"Look." Tsaka nito hinarap sa kanya ang laptop.
"What's that?" - Evan
"About nun," sagot ni Ezrael, iyon pala ang pinagkaka busy-han nito. Nag-search tungkol sa pagma-madre.
"It says, na may vows ang mga balak mag madre. Mga vows na dapat nilang tuparin para maging isang ganap na madre. So, in shor Amara is forbidden to have an exclusive human relationship, romantic behavior or s****l acts. Mare-reject ka lang," nakangising turan ni Ezrael na tila inaasar pa siya. Lumapit siya dito at binasa iyon.
"Wala ba kayong tiwala sa akin?" He hissed.
"Tutuloy mo pa din?" Evan asked him while smirking. Pinulot niya ang unan na ibinato nito sa kanya kanina at ibinato ito pabalik sa kaibigan.
"Damn! You two leave my pillows!" Reklamo ni Ezrael.
"Ofcourse, date lang promise." Sabi niya habang naka ngisi.
Ang reaction ng mga kaibigan niya ay tila nagsasabing, hindi naniniwala ang mga ito na
simpleng date lang ang gusto niya kay Amara.
"Don't us. We know you better, fucker." Sabi ni Ezrael tsaka tumayo.
"Tara na at puntahan mo na si Amara, baka matakasan ka pa." Makahulugang turan ni Ezrael na tatawa tawa pa.
Sumunod na sila dito nang naglakad na ito palabas ng kwarto.
Dumiretso sila sa quarter nina Amara, siya ang kumatok.
"Are you nervous?" Buska ni Evan.
"Never," - Jexel
Naka-ilang katok pa siya nang bumukas ang pinto at bumungad ang isa sa mga kasama ni Amara sa Aroma Mocha Cafë.
"Kyla, nasaan si Amara." Natatawang tanong ni Ezrael. Kanina pa tumatawa ang kaibigan niya na parang nakakaloko.
"Si Amara po?" Napakamot sa ulo si Kyla at napapangiwi.
"Eh, wala po siya eh." Alanganin nitong sabi na tila nahihiya.
"Where is she?" Jexel asked.
"Sumama po kay Sally, sa bahay nila. Maaga pa lang po umalis na sila." Sagot ng babae.
Nangunot ang noo niya.
"But she knew that I invited her for a date," naiinis na sabi niya.
"E-h opo sir, at pinapasabi p-po niya na ano, na hindi po daw niya tinatangap 'yung alok niyong date." Nauutal na sabi ni Kyla na kinakabahan dahil kita niya ang inis sa mukha ni Jexel.
"One point for Amara," biro ni Evan. Tinapunan niya ito ng masamang tingin. Pagkatapos ay binalingan si Ezrael na pigil pigil ang pagtawa.
"Tell me, you moron. Alam mong wala si Mimosa?" Tanong niya kay Ezrael na tumawa na ng tuluyan.
"Oh sorry. Nawala sa isip ko eh, may next pa naman Jex. Sige na Kyla, magpahinga ka na ulit." - Ezrael.
Pagkasara ng pinto, binatukan niya si Ezrael.
"Damn you!" Kunwaring galit na sabi niya dito.
Tinawanan lang siya ng dalawa.
"Let's drink for Jexel's first turn down," si Evan na nagtatakbo nang makitang babatukan niya din ito.
Damn! Napakailap naman ng nobisyadang iyon!
Hindi siya sanay ma-reject. Lalo na sa mga babae pa, he's good in everything. Especially, sa mga babae. Pero ewan, tila mahihirapan siyang mapaamo si Amara at nagbigay iyon sa kanya ng challenge. Isa pa, ngayon lang siya na attract ng sobra sa isang babae. Gagawin niya ang lahat mapa-ibig lamang ito, kahit magmukha pa siyang cheap na CEO.
---------------------------------------
--------------------------------------------
Pauwi na sila ni Sally. Magtatakip silim na, sobra siyang nag-enjoy sa maghapon. Bagong karanasan sa kanya ang lahat ng iyon. Kahit papano napapawi ang pagka-miss niya sa kumbento.
Tawanan pa sila ni Sally habang nag uusap sa mga nakakatawang nangyari sa kanila sa maghapon, nang salubungin sila ni Kyla na tila nag aalala.
"Dali Amara!" Si Kyla at hinila sila papasok.
"Bakit?" Aniya.
"Hinahanap ka ni Sir Jexel. Mukha siyang nainis nang sinabi ko na wala ka at iyong mga pinasabi mo," balita nito sa kanya na naghatid ng kaba sa kanya. Baka pag initan na siya nito.
"B-baka, sisantehin ako ni Sir Ezrael na tinaguan ko ang kaibigan niya." Nababahala niyang sabi sa mga kaibigan.
"Siguro hindi naman aabot sa ganun?" Si Kyla.
"Wag ninyong isipin yan, para ganun lang idadamay ang trabaho mo? Tsaka si Senora Lourdes na ang makakalaban nila kapag ganun." Turan ni Sally na tila pagod na himilata sa Sofa.
Nakahinga siya ng maluwag sa sinabi nito.
"Oo nga, tsaka baka kapag lagi kong tinatanggihan si Sir Jexel, magsawa na iyon sa kakasuyo sa'kin hindi ba?"- Amara.
"Yes. Ganyan na lang gawin mo Amara, tangihan mo lang ng tangihan. Or better wag mo na lang pansinin kasi ibibilang ka lang sa mga babae nun, " mahabang sabi ni Sally na sinang ayunan na lamang niya.
"Pero sayang din naman kasi si Sir Jexel. Mayaman, gwapo, macho, malakas ang dating, Edukado---"
"Kyla! " Inis na putol ni Sally dito.
"Okay fine! Sige na Amara, tangihan mo na si Sir Jexel, babaero iyon." Biglang balimbing nito na ikinatawa nila. Joker talaga nila itong si Kyla.
"Kain na tayo, may dala kaming ulam ni Amara," si Sally.
"Tara," aya ni Kyla.
Naghanda na sila at niyaya niya munang manalangin ang mga ito. Pagkatapos ay nag salo-salo sa ulam na binili nila. Napaka payak pala ng pamumuhay sa labas ng kumbento. Ganito rin sa kumbento, sabay sabay at masaya nilang pinagsasaluhan ang mga pagkain. Kahit kaunti o simpling pagkain lamang iyon.
"Simula dumating itong si Amara, natuto na akong manalangin." Natatawang sabi ni Kyla na ikinangiti niya. Maganda at may naisasama siya sa mabuting gawain niyang iyon.
"Ako din nga eh, agad lamon na ako dati." - Sally.
"Mahalaga kasi iyon eh. Magpasalamat sa biyayang nasa hapag, sa kumbento bawal makalimutan iyon." Masaya niyang turan sa dalawang babaeng itinuturing na niyang mga kaibigan.
---------------------------------------
-----------------------------------------------------
"Hi kuya!" Humalik at yumakap sina Claudeth at Jelly sa kanya nang umuwi siya kinagabihan.
"Hello, two little pumpkins," he hugs them back.
Pabagsak niyang ibinagsak ang sarili sa kanilang sofa.
"Have you eaten?" His mom asked him, she holds her tea cup and sat beside him.
"Yeah, kina Ezrael ma. Where is papa?" - Jexel.
"Oh that old man? He's already asleep with marcus. Matakaw sa tulog ang mga iyon, "
Natawa siya sa sinabi ng ina.
"Kuya, tulungan mo naman kami sa assignment namin." Si Jelly at umupo sa kabilang side niya.
"Okay, let me rest first." He closed his eyes and the last thing he heard, ang pagrereklamo ni Jelly at Claudeth na tutulugan niya lang ang mga ito.
--------------------------------
--------------------------------
Pagbukas ng mga ni Jexel, naroon pa din siya sa Sofa kanyang hinigaan kagabi. Kaibahan nga lang, nakapatong na ang paa niya sa isang mini round sofa at wala na siyang mga sapatos. May kumot ding naka balot sa kanya.
Napangiti siya, tiyak na ang dalawang kapatid niyang babae ang may gawa nun. Napaka lambing talaga ng mga kapatid niya,
Tumayo siya at umakyat sa sarili niyang kwarto. Tinignan niya ang orasan na naroon. It's 7am in the morning, napagpasyahan na niyang maligo para makapasok na sa opisina. Marami siyang ka meeting ngayon at dapat pirmahang mga papeles.
Bago maligo kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang kanyang sekretarya.
"Magpadala ka ng bulaklak and chocolates sa address na binigay ko sa iyo kahapon. Tapos ganito ang ilagay mo sa card. "Have a beautiful and sweet day my Mimosa." Got it?" Mahigpit niyang bilin sa kausap.
"Yes sir." Tila kinikilig na sagot ng kanyang sektetarya. Lagi naman ganoon ang reaksyon nito sa tuwing uutusan niyang magpadala ng mga bulaklak sa mga babae niya.
"Good." Tsaka na niya pinatay ang tawag.