ONE WEEK LATER.. Titig na titig si Amara sa hawak niyang mga susi, ibinigay ito sa kanya ni Jelly kahapon, susi iyon ng bahay na ipinatayo ni Jexel para sana sa kanila pagkatapos ng kasal. Ayon kay Jelly, inilipad pa US si Jexel, dahil mas malaki ang porsyento na magtagumpay ang operasyon nito doon. Napaluha siya, at muling tinignan ang note na kasama sa mga susi. True love, find it's way again.. Until then, Mimosa.... Inilagay niya sa tapat ng puso niya ang note na iyon na mula sa binata. Panghahawakan ko ito, Jexel. Sa ngayon, ito muna ang panghahawakan ko. "Are you ready?" Nabigla pa siya kay Kyla na bigla na lang lumusot sa likod niya. "Yes. Nagulat naman ako sa'yo," sabi niya sa kaibigan. 3 months from now, ikakasal na ito at ang kuya niya. "Tara na, girl. Para hindi tayo ga

