CHAPTER FORTY-TWO

1577 Words

"Good. Lagi mong siguraduhin na hindi siya basta basta makakahanap ng trabaho," pagkasabi ni Amara sa mga salitang iyon ay pinatay na niya ang telepono. Mula sa pagkakatingin sa labas ng bintana ng kanyang kwarto, ay binalingan niya si Kyla na nakadapa sa ibabaw ng kanyang kama. "Samahan mo ako," aniya rito. Nangunot ang noo ni Kyla. "Saan naman?" Usisa nito. Inirapan niya ito at naglakad na patungo sa pintuan. "Basta samahan mo ako." Hindi na niya hinintay pang makasagot ang kaibigan at nauna na siyang lumabas ng kwarto. Nagkibit balikat ang kaibigan at sumunod na lamang sa kanya. Si Amara na ang nagmaneho, ilang sandali pa, naroon na sila sa destinasyong gusto niyang mapuntahan. "Hospital? Bakit hospital ang pinuntahan natin? Akala ko naman sa mall," sabi ni Kyla na humalukipkip.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD