AFTER ONE MONTH AND A HALF.... Nanginginig ang kamay ni Amara, habang nakatingin sa hawak niyang pregnancy test. Hindi siya makapaniwala sa nakikita, pero at the same time ang saya saya niya. Kakaibang pakiramdam ang nadarama niya. "OMG! Na bulls eye ka ni Jexel! Napaka galing!" Impit tili ni Kyla sa kanyang tabi. Nasa quarter sila nun at day off nito. Wala si Sally dahil umuwi sa kanila. "Sari saring emosyon ang nararamdaman ko Kyla," aniya na naluluha. Ito 'yun eh, ang pangarap nila ni Jexel. Bigla niyang naalala ang mga nakaraang pag uusap nila. "Wala pa bang laman ito?" Nakangiting tanong ni Jexel sa dalaga habang hinahaplos nito ang impis niyang tiyan. Natawa siya. Masyado itong sabik magka anak, hindi na nga sila nakapag hintay matapos ang kasal. Nauna na ang honeymoon. "Wala p

