"B-bawiin mo ang sinabi mo, please..." Nauutal niyang sabi sa binata, habang patuloy sa pagbuhos ang kanyang mga luha. "Alam mo ba kung ano ang ginawa mo? Parang pinatay mo na rin ang buong pagkatao ko. Lalong lalo na ang puso ko, Amara." Nakikita niya ang pait sa mukha nito. Nanlumo siya nang bigkasin nito ang pangalan niya, masyado siyang nasanay na 'Mimosa' ang tawag nito sa kanya. Nasanay siya sa pagmamahal nito. Kaya ang sakit sakit ngayon na nakikita niyang kinamumuhian siya nito, ang masakit pa dahil sa kasalanang di niya ginawa. "M-makinig ka naman sa akin, please--" akma niya itong muling hahawakan pero tinabig nito ang kanyang kamay. Lalo siyang napahagulhol, napahawak siya sa kanyang tiyan na nagsisimula na namang sumakit. Kung sasabihin niya kay Jexel na buntis siya, hindi s

