"Ang ama mo, ang pinaka mabuting taong nakilala ko, Amara." Hinahayaan niya lamang magkwento ang ina niya. Nakatingin ito sa kawalan na tila binabalik tanaw ang nakaraan. "Kaya mahal na mahal ko ang Ama mo. Hangang ngayon." "Sayang at hindi ko na siya naabutan pa, " malungkot niyang sabi. Apat na taon na pala itong wala. "Kahit na hindi mo na siya naabutan, alam kong masaya siya ngayon, anak." Napangit siya sa ina. "P-paano po ako napahiwalay sa inyo?" Napabuntong hininga ang kanyang ina at mapait na napangiti. "Dahil sa pinsan ko." Lubos niyang ikinagulat ang sinabi nito. "Unang niligawan ng ama mo ang pinsan ko. That time, I am just your father's friend. My close cousin and your father did not end together. They had been together for almost two years.. " "....after 3 years and

