Biglang napabalikwas sa pagbangon si Amara kinabukasan, naitakip niya sa kanyang sarili ang blanket na nasa beywang niya. Hala? Katabi ko siyang natulog?! Magdamag?! Sigaw ng isipan ng dalaga, habang pinagmamasdan si Jexel na himbing na natutulog sa tabi niya. Pinakiramdaman niya ang sarili, kung may masakit ba siya sa kanya o mga tanda ng bagay na nakipagniig siya kagabi. Wala siyang nararamdamang kakaiba, chineck din niya ang suot niyang panloob kung naroon din. Naroon naman at ang gown niyang suot. Napangiti siya nang ma-realized na wala ngang ganap sa kanilang dalawa kagabi, muli siyang napatitig kay Jexel, nangunot pa ang noo niya nang makita ang dalawang unan na nasa pagitan nila. Mas lalo siyang napangiti. May pagka gentleman ka talaga ha.. Lubos siyang natuwa sa isipang, hind

