"Kyla." Marahan niyang tawag sa kaibigan na abala sa paghuhugas ng plato. Sobra na siyang nahihiya dito dahil hindi na ito nakapasok muli sa Aroma Mocha dahil sa kanya. Marami na rin itong naisasakripisyo sa kanya. Nadadamay niya ang kaibigan sa kamirablehan ng buhay niya. Nilingon siya nito at ngumiti. "Bakit Amara?" "G-gusto kong humingi ng pabor," aniya na ngumiti ng marahan. Ito ata ang unang ngiti niya pagkatapos ng paghihirap niya. "Ano iyon?" "Ihatid mo ako sa Milagros, sa kumbento na kinalakhan ko. G-gusto ko ng bumalik doon, pansamantala." Nakita niya ang tila pagka lungkot nito. "Iyon ba ang gusto mo Amara?" Marahan siyang tumango. Niyakap siya ng kaibigan. "Ihahatid kita doon, kung mas magiging payapa ka doon at makakalimutan mo ang mga sinapit mo dito sa manila," anit

