Kahit pa lalaki si Jexel, hindi niya mapigilan ang pagluha. Binilisan pa niya ang pagpapatakbo. Wala na siyang pakialam sa mga na-o-overtake niya, ang mahala lang ay makarating siya agad sa mansion ng mga Brooklyn. Hindi nga alam ng binata na nasa likuran ang mga kaibigan at sinusundan ang mabilis na pagpapatakbo nito. Patuloy ang panlalabo ng mga mata niya dahil sa mga luha na namumuo at pumapatak. Halos nanlalabo ng ang tingin niya sa daan, in-overtake niya ang isang sasakyan at halos manlaki ang mga mata niya dahil sa lane na pinuntahan niya ay may kasalubong siyang isang pick up. Kaya upang maiwasan iyon, muli ay mabilis niyang iniwasan iyon. Nagtagumpay siyang iwasan iyon, ngunit hindi ang poste ng kuryente na nasa gilid. Ang huling natandaan ng binata ay ang tila nakakabinging langi

