Pagkatapos ng summer break, simula na ulit ang mga estudyante para sa pagpasok sa eskwela.
Group Chat
Angel: Guys, nag enroll naba kayo?
Angel: Ay walang nagreply mga famous na. hahaa
Sophia: kakaonline ko lang, wala pa ako, kayo ba?
Nicole: Pumunta ako kahapkn kaso hindi pa din ako tapos mag enroll, babalik ako bukas. Sino pupunta School ? sabay nalang tayo.
Angel: Ako bukas, chat nalang din, mga anong oras?
Nicole: mga 9am or 10am.
Angel: Sure yan ha? baka naliligo ka pa sa mga oras na yon, baka na naman yong OTW mo, On The Water pala yan. hahhaa
Nicole: Hahaha Oo nga, maghintayan nalang tayo sa gate. Kayo Dhalia, Jerico,Nathan at Sophia hindi pa ba kayo mag eenroll?
Sophia: Sige, try ko din pumunta bukas.
Dhalia: Ako rin try, message nalang ako pag pupunta na, wait nyo ako sa gate din.
Natapos na ang lahat makapag enroll para sa 2nd year College at mga ilang araw nalang pasukan na.
Group chat
Nathan: Kailan kayo papasok? Pare-pareho ba Sched natin? sabay send ng sched.
Jerico: Same din sa akin, magkakasection di yata tayo.
Sophia: Kayo kailan kayo papasok.
Angel: Monday na ako, alanganin na ngayon Biyernes na naman na,haha.
Jerico: @Dhalia pumasok kana ba?
Nathan: Sana all hinahanap. ayyiiee
Sophia: Kinikilig na naman ako dito.
Angel: @Dhalia namimiss kana daw ni Jerico,pumasok kana.
Makalipas ang ilang oras.
Dhalia: Kakaonline ko lang, sa Monday na ako papasok. Grabe talaga kayo ha, porket hindi ako online ako na topic. hehehe
Dumating na ang araw ng Lunes.
Group chat
Angel: San na kayo? Room na ba? Dito ako sa gate wait ko sana kayo.
Sophia: Otw palang ako.
Dhalia: Same ,hintayin nyo ako.
Nang uwian na hinatid ni Jerico si Dhalia.
"Hatid na kita, nasa parking lang motor ko, Sige na please hayaan mo akong gawin to, di ba sinabi ko naman sayo na liligaqan kita hanggang sa maging pwede na."ani ni Jerico kay Dhalia
"Pumayag kana Dhalia, ayyiiee." sabi naman ni Sophia na agad naman sinang-ayonan ng buong barkada
"Sige na nga" tugon naman ni Dhalia
Mamumula sa kilig si Jerico sapagkat pumayag si Dhalia na ihatid nito.
" Grabe par ngayon ko lang nalaman na pinalihi ka pala sa kamatis." pabirong sabi ni Nathan.
" Gage,hahah, mauna na kami sa inyo."tugon naman ni Jerico
"Sige bye, ingat kayo." kinikilig na tugon ni Sophia
Huminto sila sa isang kainan.
"Bat tayo nandito?"tanong ni Dhalia.
"Baba na po, edi kakain tayo, libre kita para hindi kana magsaing sa boarding house mo."saad naman ni Jerico kay Dhalia.
"Tara na pasok na tayo" sunod na sabi ni Jerico kay Dhalia sabay hawak sa kamay papasok.
"Wait lang baka mahal dito." tugon naman ni Dhalia ng pabulong.
"No worries, minsan na kami kumain dito ni Nathan, mura lang at masarap ang food na."saad naman ni Jerico
Umupo na sila at nag order.
"Anong order mo?"tanong naman ni Jerico
"Lasagna nalang." sagot naman ni Dhalia
"Anong Drinks po? sunod na tanong ni Jerico
"Tubig nalang." Sagot naman nito
" Anong tubig, Mango shake nalang." dagdag naman ni Jerico.
Pagkatapos nilang kumain,nagpasya na si Jerico na ihatid na si Dhalia sa Boarding house nito.
"Thank you sa paghatid at sa libre, ingat ka sa pag uwi."saad ni Dhalia habang bumababa na inaalalayan ni Jerico
"Bukas sunduin kita sabay na tayong pumasok." ani naman ni Jerico
" Wag na, magtatricycle nalang ako bukas." Sagot naman ni Dhalia.
"Basta susunduin kita bukas, sige na pasok kana bago ako umalis."sunod na sabi ni Jerico