Shinoeh Weanne Cueva's P.O.V. "Anong nakakatawa?" tanong ko na. Lumipat na ang dalawa sa pwesto namin. Tumabi si Dyon sa akin at si Hanz naman ay pinausog si Flairx para magkatabi sila. "Si Brent," sabay-sabay na sagot nila. Napatitig na lang ako sa kanila. Seryoso ba sila? Nang dumating na ang uwian ay nag-ready na ako para makauwi na. I am not sure kung tototohanin ba ni Flairx ang sinabi niya kanina. Sinuklay ko muna ang buhok ko at itinago na ang suklay sa aking bag. Sinuot ko na ang bag ko at lumabas na. Nakita ko na naman si Brent na nakasandal sa pader. Kung kahapon ay umasa ako na ako ang hinihintay niya. Ngayon ay hindi na. Si Precy rin ay parang naging mailap sa akin. Ni hindi nga siya tumabi sa akin sa klase. Lumipat siya roon sa may bandang bintana. Gusto niya raw kasin

