Chapter 14: Not cute

1973 Words

Shinoeh Weanne Cueva's P.O.V "Ate, sinong kinakawayan mo?" mapag-usisang sambit ng aking kapatid na kanina lang ay busy na busy sa paglantak ng kanyang fried chicken. Nilapit ko ang bibig ko sa kanyang tenga. "Nakita ko si Brent. Pero huwag mong sasabihin kina Mama ha," babala ko sa kanya. Agad na napakunot ang kanyang noo. "Bakit naman? E 'di ba gusto naman ni Mama na makilala at makita siya?" usisa niya pa. Pumiling ako. "Oo, pero hindi pwede ngayon. May kanya-kanyang family bonding," sagot ko. Kasama rin kasi ni Brent ang sa tingin ko ay mga magulang niya. Mula sa itsura ng lalaki na kahugis ng kanyang mukha at ang ilong ng mestisang babae na kaalintulad ng sa kanya. Halatang ito nga ang mga parents niya. Bago umalis doon ay bumaling ulit ako sa kanya. Sakto ay nakatingin naman si

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD