Shinoeh Weanne Cueva's P.O.V.
"Brent Jax Yarez," usal ko.
Ngumisi siya sa akin at tumayo. Namulsa siya at tinignan ako mula ibaba hanggang itaas.
"Ahm, saan si Miss Fernandez?" tanong ko.
Nararamdaman ko na kasi ang awkward surroundings. Hindi ko alam kung pati ba siya ay nararamdaman iyon o baka naman ako lang talaga.
He offered his hands to me. "Nice to see you again," he said.
Tumingin ako sa kamay niya. Ayaw ko naman maging bastos kaya tinanggap ko iyon. "Nice to see you," saad ko.
Inalalayan niya ako hanggang sa pag-upo.
"Actually, my manager can't come today. Kaya ako na lang ang pumunta para kausapin ka," he said as he sat in front of me.
Napatango ako ng mabagal. "So you are the one who will held a concert on the stadium near the Cuenco's Hotel?" I asked.
He nod his head. "Yup. May two weeks pa naman bago iyon maganap. Anyway, let's eat first before we talk about that." Pumalakpak siya at agad ngang may pumasok.
Iyong babae kanina ang pumasok. Kinuha na niya ang order naming dalawa.
Dahil medyo awkward ako ay iyong sa kanya na rin ang nasabi ko. Hindi ko na nakuhang pumili pa.
Hindi ko ba alam sa sarili ko kung bakit ganito ang reaksyon ko. Siguro dahil isang siyang sikat na artista?
O baka naman dahil ngayon lang ulit kami nagkasamang dalawa?
Maniniwala na lang ako roon sa una. Mas convincing iyon.
"You're quiet," pansin niya sa akin habang hinihintay namin ang pagkain.
Napakagat ako sa aking labi. Hindi pwede na hanggang mamaya ay ganito ang asta ko.
I need to be professional. Trabaho ang pinunta ko rito. Hindi iba.
Tumikhim ako at inayos ang aking postura. Ano nga ba dapat ang sabihin ko sa ganitong klaseng sitwasyon?
Naku, Shiwi. Natural about sa work ano. Alangan naman tungkol sa past niyo? Hmm... pwede rin?
Charot. Parang ang kapal ko naman. Ako nga itong nakipaghiwalay sa kanya eh.
Mabuti na lang ay dumating na ang pagkain. Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag dahil may iba na kaming kasama sa loob ng apat na sulok na kwarto na ito.
Pero syempre saglit lang iyon. Kailangan ding lumabas ng nag-se-serve sa amin. May iba pa siyang aasikasuhin.
Nagtama ulit ang paningin naming dalawa. Tuwing napapatitig ako sa mga mata niya ay hindi ko mapigilang hindi tumibok ng malakas ang aking puso.
Iba kasi ang dala nitong epekto sa akin. Para bang kapag natitigan ko ang mga mata niya ay nalulunod ako. Katulad noong kami pa. Katulad ng dati.
Tinaasan niya ako ng isang kilay. "Let's eat." Iminuwestra niya ang mga pagkain.
May iba't ibang uri ng sushi roon. May noodles din. Kumakain naman ako ng ganitong klase ng pagkain. Actually, I'm craving for it.
"Kain kana rin," pansin ko sa kanya.
Paano ba naman kasi ay naiilang ko. Nakatitig siya sa akin habang kumukuha ako ng sushi.
Ngumisi siya at napapiling. Pagkatapos ay nag-umpisa na rin siyang kumain.
Pasulyap sulyap ako sa kanya habang kumakain ako. Napapalunok na lang ako at napapaiwas ng tingin kapag nahuhuli niya ako.
Napanguso ako sa aking kaloob-looban. Gusto ko siyang kumustahin. Pero nag-uurong sulong ako. Para naman kasing wala akong karapatan na itanong sa kanya iyon.
We're not friends and we're not close.
"Bali sa pang labing dalawang palapag ka niyan. Doon kasi ang mga private suite. Madalas ay mga sikat na tao talaga ng umu-occupy," utas ko.
Ang tahimik naman kasing masyado. Tanging ang pagnguya at pagsubo ng noodles ang naririnig.
Nginuya niya muna ang nasa bibig niya at nilunok.
Tumingin siya ng diretso sa akin. "Really? Does Yuria stayed there?" he asked.
Bigla akong napatikhom ng bibig. Kumurap ang mga mata ko at nag-iwas ako ng tingin. "I can't tell you about that. Privacy matters," saad ko.
Napatingin ako ulit sa kanya nang marinig ko ang mahina niyang pagtawa.
Napataas ako ng kilay at tumitig sa kanya. Anong nakakatawa sa sinagot ko?
"Alright. I will just ask her then," he said and fished his mobile phone from his pocket.
I'm about to stop him, but instead, I stop myself. Bakit ba ganito ako maka-react?
Napapikit ako ng mariin at sumandal sa may upuan. Napabuga ako ng hangin at binuksan ulit ang aking mga mata.
Pagkabukas ng mga mata ko ay ang titig niya ang nakasalubong ko. Pinapanood niya pala ang aking reaksyon.
Kung kanina ay nakangisi siya, ngayon naman ay napakaseryoso ng kanyang mukha. Mataman niyang pinapanood ang aking galaw at reaksyon.
Dahil sa hiya ay iniba ko ang usapan. Nagsimula na akong mag-explain tungkol sa tutuluyan niya.
"We have a exclusive door for a celebrity like you. Mas sigurado kasi ang seguridad mo roon. Para walang makakita sa'yo sa pagpasok mo sa hotel."
"Did you ever assist a celebrity like me?"
Tumango ako.
"A boy?" pagtatanong niya ulit.
Tumingin ako sa may itaas at inisip kung meron nga ba.
Tumango ako. "Yup. Skyler-" napatigil ako. Hindi ko nga pala dapat ipagsabi iyon.
He poked his cheeks with his tongue. "You mean Skyler Klein?" tila nauuyam niyang tanong.
Oo nga pala at may nabalitaan ako na they are not in good terms and based on what I've heard, it is because of a girl.
Napangiti ako ng mapait. Sino pa nga ba kung hindi si Yuria.
Tumango ako. Nasabi ko naman na sa kanya. Hindi ko naman na mababawi pa.
"So you interacted with him?" wala sa mood niyang tanong.
Ganoon ba talaga kalala ang pag-iiringan nila? Wow ha, ang haba naman ng buhok talaga ni Yuria. Sabagay napakaganda naman kasi nito.
Kaya hindi talaga malabong hindi siya pag-agawan ng mga lalaki. Lalo na iyong mga gwapong lalaki katulad nina Brent Jax at Skyler.
"Of course. Just like what I am doing now. Talagang kailangan kong makipag-interact sa kanya," sagot ko. Totoo naman kasi.
Pero parang mas lalo ko yata siyang ginalit sa sinabi ko.
Kaya naman imbes na pag-usapan pa namin si Skyler ay niliko ko ulit ang usapan. Ibang topic ang binuksan ko.
Kumuha siya ng tissue at tumayo. Then he bent down. Napatigil ako nang lumapat sa gilid ng aking labi ang tissue na hawak niya. Naramdaman ko pa ang pagkaskas ng isa niyang daliri sa aking mukha. Libo-libong boltahe yata ang naramdaman ko.
Sinalubong ko ang tingin niya. Ang mukha naming dalawa ay ilang dipa na lang ang pagitan.
Just like in those movies, bumagal ang oras. Slow-motion as they called.
Magkatitigan lang kami. Tahimik na nakatingin sa bawat isa.
Sinundan ko ang mga mata niya. Bumaba ang tingin niya sa aking labi. Kaya naman napadila ako rito. Baka kasi may dumi.
Napadila din siya sa kanyang labi. Pagkatapos ay napakagat siya rito.
Biglang nag-init ang pakiramdam ko. Nanuyo ang aking lalamunan. Uhaw na uhaw na ako.
Natigil lang kami sa pagtitigan nang tumunog ang kanyang phone.
Naptikhim ako at uminom ng tubig. Woah, ano iyon?
"Yes?" he answered.
Napatingin ako sa aking wrist watch. Isa at kalahating oras na pala kaming magkasama rito.
Tapos naman na kami sa pag-uusap. Kaya naman tumayo na ako.
Pinapanood niya ang galaw ko habang may kausap pa rin siya sa kabilang linya.
Sino kaya iyon? Si Yuria kaya? Baka nga.
Kinuha ko ang wallet ko sa aking bag at kumuha ng cash.
Napakunot ang noo niya at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko. Pinipigilan na maglabas ng pera mula sa pitaka.
"I am paying for my food," I mouthed.
Dumiin ang hawak niya sa pulso ko at masamang tumingin sa akin. "No," he mouthed too.
Pinatay na niya ang tawag at sa akin na napunta ang kanyang atensyon.
"I will pay for this," mariin niyang sambit.
"Ha? Pero pareho naman tayong kumain. Kaya I am paying for what I ate," pagmamatigas ko pa.
Napaurong ako ng kaunti nang ilapit niya ang mukha niya sa akin.
"You are still stubborn huh," natatawa niyang sambit.
Napalunok ako. Muli na naman kasing magkalapit ang mukha naming dalawa.
"Brent..." bulong ko ng unti-unti nang lumapit sa aking mukha ang kanyang mukha.
Napakagat siya muli sa labi niya. Inilapit niya ang kanyang bibig sa isa kong tenga.
"I can't wait for you to be mine again, Baby," he whispered.
Napaawang ang aking bibig at napatitig sa kanya.
Ngumisi siya at nag-salute sa akin. Pagkatapos ay lumabas na siya.
Anong ibig niyang sabihin?
Kinuha ko na ang gamit ko at sinundan siya sa labas. Nakita ko siya may counter. Nagbabayad.
Hindi ko alam kung lalapitan ko pa ba siya o hindi para magpaalam na.
Pero sa lakas ng kabog ng puso ko ngayon at sa gulo ng utak ko ngayon, sa tingin ko ay hindi ko siya kayang harapin ulit.
Hanggang sa makasakay ako sa aking sasakyan ay lutang ako. Ano ba talagang ibig niyang sabihin sa kanyang sinabi?
O baka naman nalito lang siya? Hindi ba't para kay Yuria ang sinabi niya? Hindi para sa akin.
Ipinikit ko ang mga mata ko at huminga ng malalim.
"Relax, Shinoeh Weanne. Calm your heart," kausap ko sa aking sarili. Kailangan kong huminahon. Kailangan kong bumalik sa huwisyo.
Habang nagmamaneho pabalik sa hotel ay hindi ko pa rin maalis sa isipan ko iyon.
Hanggang sa byahe pauwi sa condo ko ay iyon pa rin ang laman ng aking utak.
Muntikan pa nga akong mauntog kanina sa pintuan sa hotel kaya naman sinermunan ako ni Chu.
Huminto ako saglit dahil sa stoplight. Tumingin ako sa may billboard at siya na naman ang nakapaskil doon.
Pero nagtataka ako kung bakit wala pa ring billboard para sa paparating niyang concert.
Napakibit balikat ako. Sabagay, ni hindi pa nga iyon na-nnounce sa internet.
"Pero hindi ba't agad silang nagbibigay ng notice pag mag co-concert?" tanong ko pa rin sa aking sarili.
Ay ewan ko.
Nang makarating na ako sa condo ko ay agad akong pasaldak na umupo sa may sofa. Tumingala ako sa may kisame at minasahe ang aking ulo.
Ano ba naman kasi iyan, Brent Jax? Mas lalong gumulo ang sistema ko dahil sa sinabi mo.
Nagtungo ako sa may kusina at kinuha ang malamig na tubig sa ref. Nagsalin ako sa baso at inisang lagok iyon.
Kinabukasan bago ako umalis ng condo ay nag-check muna ako kung wala na bang mga nakasaksak. Dahil wala naman ng laman ang ref ay pinatay ko muna iyon.
Mamaya siguro ay mag go-grocery ako para naman may makain ako.
Naglalakad na ako sa may parking papunta sa aking sasakyan nang maramdaman ko na para bang may sumusunod sa akin. Para kasing may nakatitig sa akin.
Tumaas tuloy ang mga balahibo ko kaya naman binilisan ko ang paglalakad.
Tumakbo na ako nang mapansin na may nakasunod nga sa akin.
Ano ba naman iyan. Ang aga-aga pa para may mangidnap 'no.
"Who the hell-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang may itakip na siyang panyo sa aking ilong. Nanlalaban pa ako pero nanghina rin ako.
Unti-unti nang pumikit ang mg mata ko.
Nagising ako sa madilim na kapaligiran.
Wala akong makita. May naaninag naman akong liwanag. Sigurado akong nakapiring ako.
Igagalaw ko na sana ang mga kamay ko nang maramdaman kong nakatali ang mga ito. Gayon din ang aking mga paa!
"Anong kailangan mo sa akin?" lakas loob kong sigaw sa kung sino man ang narito.
Sigurado akong may kasama ako dahil ramdam ko ang kanyang presensya.
Narinig ko ang kaluskos papalapit sa akin.
"You are the one I need," he seriously said with his deep voice.
Napaawang ang aking bibig. Hindi ako pwedeng magkamali. Kilalang-kilala ko ang kanyang boses.
"Bakit? Bakit ako narito?" mahina kong sambit.
Dahan-dahan niyang ibinaba ang aking piring. Nag-adjust ang mga mata ko mula sa dilim hanggang sa liwanag.
Hinaplos niya ang aking mukha kaya naman tumingin na ako sa kanya. Hindi nga ako nagkamali. Siya nga ito. Mataman na nakatitig sa akin.
"Saan tayo? Bakit mo ako dinala rito? Paano na ang trabaho ko?" sunod-sunod kong tanong.
Ngumisi siya habang hinahaplos pa rin ang aking mukha.
"I told you, Baby. I will make you mine again."
"Brent..." nanghihina kong sambit bago niya ilapat ang kanyang labi sa aking labi.