Shinoeh Weanne Cueva's P.O.V. "Ha? Huwag na," agad kong pag-tanggi. Nakakahiya naman. Saka parang mali naman iyon. Tutulungan niya akong mag-cr? Babae ako tapos lalaki siya. "Hmm bakit kaya?" Saka pa siya tumingin sa itaas. "May magagalit ba kapag tinulungan kita?" Saka pa siya napanguso. Napakamot ako sa aking ulo. "Wala naman. Pero sa cr kasi ako pupunta hehe." Napatango siya. "Oww." "So, ahm, ano punta na ako roon." Saka ako kumaway sa kanya. "Sayang may gagalitin sana ako ulit eh," bulong niya. "Ha?" Pumiling siya. "Wala. Sige na. Bye." Tapos ay kumaway siya sa akin. Nagpatuloy na nga ako sa paglakad papunta sa cr. Malapit iyon sa may cafeteria kaya naman natakam pa ako sa turon na nakikita ko. Ano ba iyan? Sa comfort room ako pupunta hindi sa cafeteria 'no. Mabuti nalang

