XLIV. Pagka-alis na pagka-alis ng kotse ni Gael ay nagmamadali na agad akong umakyat sa kwarto ko. Naligo, nagbihis at nagpabango. Nangako ako kay Kyle kanina na pupuntahan ko siya, lumingon ako sa wall clock at nakitang alas onse na ng gabi. Hindi ko maiwasan na malungkot, we're at it again. Tago na naman ang pagkikita namin dalawa tulad nung nagpapanggap pa ako, pero mas nakakatakot ngayon kapag nahuli kami. Maaaring mapahamak si Kyle at hindi ko kakayanin iyon. Pagkabukas ko pa lang ng pinto ng bahay ay sinalubong na ako ng yakap ni Kyle, mabuti na lang talaga ay nagpaligo ako ng pabango! Hinalikan niya ako ng isang beses sa labi at hinawakan ang magkabilang pisnge ko habang nakaharap sa kanya. "What took you so long?" Nakakunot ang noo na tanong niya kaya ngumuso ako. Kinagat niya

