XVIII. Hindi mapakali na nakatayo ako dito sa labas ng sine-han. Dito ko kasi sinuggest kay Kyle na magpunta kahit hindi niya naman ako tinatanong. Nung una, mukhang ayaw niya dahil sa tingin ko ay may plano na siya. But, gusto kong maranasan 'yung pangkaraniwang date na ginagawa ng ibang tao. Yeah. Believe it or not, may date kami. Hindi ako makapaniwala na niyaya niya ako at pumayag ako! Hindi ko naman naintindihan nung una 'yung sinabi niya dahil sa nangyari kahapon kaya um-oo na lang ako. Hindi kaya isipin niya na easy to get ako? Habang nag-iisip ay hindi ko namalayan na nakarating na pala si Kyle, sa malayo pa lang ay kitang-kita ko na siya. Sa dinami-dami ng tao dito sa mall ay mapapansin agad siya dahil sa tindig at itsura niya. Blonde pa 'yung buhok niya. Parang magnet 'yun

