XXV. "So, ayun nga. Grabe lang! Hirap na hirap ako do'n sa question na 'yon, bakit ba hindi mo ako kasing talino Ynna?" Naririnig ko 'yung boses ni Monique na nagsasalita pero hindi lahat iyon pumapasok sa utak ko, sobrang okupado 'yung utak ko. "Hey, Ynna Castro!" Mabilis akong napalingon nang pitikin ako ni Monique sa noo, nakataas ang kilay nilang dalawa ni Chloe habang naka-cross arms na pinagmamasdan ako. "Ano ulit 'yon?" I asked innocently. Their mouth formed an 'O' shape, throwing their both hands in the air. I just shrugged it off, uminom ako sa strawberry shake na iniinom ko. "Paano kung 'yung taong mahalaga sayo ay may masamang past? I mean, they did something very bad dati pa. Anong gagawin niyo?" "Sino 'yan?" Tanong ni Chloe kaya umirap ako sa hangin. "Nice. Sinagot ng

