Chapter 4

1625 Words
DAWN: "THE board meeting will start soon." Dumating si Director Shu para i-announce ang tungkol sa board meeting. Nagbulong-bulungan na ang ibang mga empleyado dahil sa nalamang kasama si Mr. Sun sa meeting. Sandali akong nag paalam kay Nessy para magpunta sa comfort room. Napahinga ako ng malalim at nag ayos ng sarili. Inayos ko kwelyohan ng damit ko para matakpan ang bakas na 'yon. Hindi ako pwedeng magkamali lalo pa at alam ko ang bakas na ito. Umayos ako ng tindig at lumabas nang makasalubong ko si Nessy. "I've been looking for you." "Bakit?" Naguguluhang tanong ko. "Come with me." At hinila n'ya ako papunta ng elevator. "Saan tayo pupunta Nessy?" "Come." Hila n'ya muli sa 'kin pagbukas pa lang ng elevator. Sa lobby kami nag tungo at napakaraming mga tao. "Bakit ang daming tao? Working hours ngayon ah?" "Halika nang makita mo." Nagulat ako nang makita si Sean na kasama si Jian. "Tignan mo… s'ya si Mr. Sun! Tignan mo rin 'yung kasama n'yang bata. Kamukhang kamukha n'ya!" Bulong na sabi sa 'kin ni Nessy. Punong-puno s'ya ng excitement. Halos magkagulo na rin ang mga tao sa lobby nang makita ang mukha ni Jian pati na rin si Sean. Pero hindi ko iyon inisip. Mas nakatuon ang atensiyon ko kung bakit magkasama silang dalawa?! Hindi na ako nagdalawang isip pa at sinalubong ko sila. Wala na akong pakialam sa iisipin ng mga taong nanonood. Ang gusto kong malaman ay kung ano'ng ginagawa ni Sean dito. "Sean." Napahinto sila sa paglalakad. Nang laki naman ang mga mata ni Sean nang makita n'ya ako. "Ma." "Sean what are you doing here?" Kaagad kong hinawakan ang balikat nito. "Mr. Sun saved me from car accident." Napaangat naman ako ng tingin kay Jian. Tahimik lang itong nanonood sa amin ng anak ko habang nakapamulsa. Lumapit na rin si Nessy sa 'kin. "Anak mo s'ya?" Hindi makapaniwalang tanong n'ya. Tumango ako at tumayo. "Mr. Sun thank you for saving my son's life." Hinawakan ko ang ulo ni Sean para sabay kaming yumuko. Nagpaalam akong hindi makakadalo sa meeting dahil kailangan kong iuwi ang anak ko. NAGING laman kami ng bulong-bulungan na mag-ina. Lalo pa at kamukhang kamukha ni Sean ang may-ari ng Sun Group na si Jian. "Ma are you alright?" Tanong sa 'kin ni Sean habang ginagamot ko ang sugat n'ya sa tuhod. Balak n'ya pala akong dalawin sa trabaho nang kamuntikan na s'yang mahagip ng isang school bus. Mabuti na lang daw at iniligtas s'ya ni Jian sa kapahamakan. "I'm okay. Magpahinga ka muna anak." Hinawakan ko ang mukha n'ya at hinagkan sa noo. Iniligpit ko ang first aid kit at lumabas muna ang kanyang silid. Sakto namang wala si Auntie Celda at nag bayad ng kuryente. Si Manong Albert naman ay naka-leave at nasa hospital dahil sa kanyang misis. Hinilit ko ang sentido. Hindi ko alam kung bakit ako naaapektuhan nang makita kong magkasama ang anak kong si Sean at si Jian. Magkamukhang magkamukha sila. Maya-maya pa ay may nag doorbell na kaya't tumayo ako. Si Mei ang nasa labas na may dalang chocolate cake. "How's Sean? Okay lang ba s'ya?" Tinalo pa ako sa pag aalala. "He's fine. Nagpapahinga na sa itaas. Halika... tuloy ka." Inilapag ko naman ang isang box sa mesa rito sa kusina. Nakaupo naman si Mei habang nakatingin sa 'kin. Katatapos ko lang kasi ikuwento sa kanya ang nangyare kanina. "Ang malaking tanong ng mga tao diyan ay kung bakit parang pinagbiyak na bunga ang anak mo at si Mr. Sun." Natigilan ako sa pagsasalin ng juice sa baso at humarap dito. "Dawn…" Saglit s'yang natigilan. Ang lalim ng iniisip. "Mei?" "Posible kayang si Liu ay si Jian at nabura ang memorya nito?" Nabitiwan ko ang hawak na baso at nabasag. "Okay ka lang?!" Tinulungan n'ya akong maglinis ng mga bubog. Maya maya pa ay dumating na si Auntie Celda at naabutan kaming naglilinis ng basag na bubog. Kaagad naman itong nag presinta at kinuha ang panlinis. "Salamat Auntie." Sabi ni Mei at kaagad akong hinila malapit sa garden. "Posible kaya?" Tanong muli nito sa 'kin. Muling gumuhit sa 'king gunita ang mga katagang binitiwan sa 'kin ni Jian nang komprontahin ko ito. "Enough, you're mistaken for calling me your husband." Kaya naman mas lalo akong naguluhan. Maaari kayang tama si Mei? "Hindi ko alam Mei." Wala na akong masabi pa. "Hija ang mama mo nasa kabilang linya." Tawag sa 'kin ni Auntie. "Dawn hindi mo kailangang itago. Pamilya mo sila. They should know what's happening." "Hindi. Hindi nila maiintindihan Mei. Hindi ito normal na sekreto. Walang pwedeng makaalam bukod sa 'yo." Hindi nila pwedeng malaman ang totoong dahilan ng pagkawala ni Liu. We are all humans. Iba si Liu sa lahat. Malakas ang kutob kong si Ate Kiara ang nagsumbong kila mama dahil sa nangyare kahapon. Iniwan ko muna si Mei para tanggapin ang tawag. Kabisado ko ang mama. Alam kong mag-aalala ito dahil sa tagal na panahon kong nanahimik. At hindi nga ako nagkamali. Tinanong n'ya ako nang tinanong. Ibinaba ko ang telepono matapos kong magpaalam at walang sinagot sa mga tanong n'ya. Mahal ko ang mga magulang ko at malaki ang respeto ko sa kanila ngunit ito lang ang paraan para protektahan ang pamilya ko. Nagpaalam na rin si Mei at may trabaho pa ito. Umakyat na rin ako sa silid ni Sean para kamustahin ang lagay n'ya ngunit naabutan ko s'yang nakatitig sa tuhod n'ya. Natanggal na ang benda kaya't lumapit ako. "Sean bakit mo tinanggal? May suga-" I stopped. I frozed. Napaluhod ako para tignan ang tuhod nito ngunit walang bakas ng sugat ito. Nagkatinginan kaming dalawa at hinawakan n'ya ang kamay ko. "I know I'm different." Seryosong sabi nito. Napaurong ang dila ko. Hindi ko inaasahan na unti-unting mabubunyag ang lahat. Ang lihim ng kanyang ama na s'yang namana nito. SABADO ng umaga at huling araw ng pasok ko dahil bukas ang off ko. Maaga akong pumasok at naabutan si Nessy habang nagtitipa. Nakatambak ulit ang mga daily reports na ipapasa n'ya mamaya sa opisina ni Jian. Nang makita n'ya ako ay hindi na ako nagulat nang bigla s'yang lumapit ang na-intriga sa nangyare kahapon. Hindi naman kasi natuloy ang meeting at ipinahatid pa kami ni Jian sa kanyang driver. Alam ko ring ku-kwestyunin nito ang itsura ng anak ko. "Past lover ka ba ni Mr. Sun?" Bungad n'ya. Tahimik akong pumunta sa desk ko at inilapag ang mga gamit. Naningkit naman ang mga mata ni Nessy. "Saan mo naman nakuha 'yan?" Napakamot ako sa 'king ulo. "Wala hehe. Sige na mag trabaho na tayo." Napahinga naman ako ng maluwag nang tigilan n'ya ako. Alam kong hindi lang s'ya ang naiintriga sa anak ko dahil sa malaking pagkakahawig nito kay Mr. Sun. Ilang sandali lang at dumating si Director Shu at malaki ang pagkakangiti sa 'kin. "Dawn ang gwapo naman pala ng anak mo. Baka gusto mong isali sa project na ginagawa ko." Bukod sa tungkulin n'ya rito bilang Director, gumagawa rin ito ng mga pelikula at mga TV commercials. "Director Shu I'm sorry. Nag aaral pa kasi ang anak ko." Ilang mga talent scouts na ang tinanggihan ko dahil sa kagustuhang kunin si Sean bilang model. "Sayang naman ang hirap makahanap ng talent na kasing gwapo ng anak mo." Malungkot na sabi n'ya. "Pasensya na Director gusto ko kasing ang pag-aaral muna n'ya ang atupagin n'ya bago sumabak sa ganitong oportunidad." "I see. Naiintindihan ko naman Dawn. Basta kapag nagbago ang isip mo ito ang calling card ko." Inilapag n'ya iyon sa desk ko at umalis na. Tinawag naman ako ni Nessy. "Nako Dawn pagkakaguluhan talaga ang anak mo ng mga talent scout ngayon. Napakagwapo naman kasi." Napangiti na lang ako at bumalik na sa ginagawa. Pagsapit ng alas-tres ay pumasok naman si Nessy sa loob para maghatid ng kape ni Mr. Sun. Hindi ko nga ata nakikitang kumakain ito sa labas kahit na nagpakita na s'ya sa ibang mga tao dito. Katulad ni Liu kilala ang pangalan n'ya ngunit mailap sa tao kaya't hindi rin alam ng lahat ang kanyang itsura. Hay, bakit ko ba sila napagkukumpara? Napailing na lamang ako. Sumapit na ang gabi at nagliligpit na ako ng mga gamit. Maaga dapat akong makalabas at makapila ng agad sa taxi bay dahil maraming tao. Sakto namang paglabas ko at pag tungo sa waiting shed, walang katao tao ngunit matumal muli ang mga taxi. Umaambon pa naman at wala akong dalang payong. Paiba iba na talaga ang panahon ngayon dahil kaninang umaga lang ay tirik na tirik ang araw. Bumuhos na nga ang malakas na ulan. Nababasa na ang sapatos at  stockings ko dahil sa talsik ng tubig. Giniginaw na rin ako dahil lumalakas na rin ang hangin. Natanaw ko namang may paparating na taxi at pinara ko ito ngunit nilagpasan lang ako. "s**t! Ang hirap sumakay ngayon." Inis na sabi ko sa sarili. Kanina pa ako nakatayo sa waiting shed at magkakalahating oras na ngunit nilalagpasan lamang ako ng mga taxi na dumadaan. Nag hintay pa ako muli hanggang sa may malakas na ilaw na nakaagaw ng atensyon ko. Galing ito sa itim na sasakyan na huminto sa tapat ko. Bumaba ang driver na lalaking may dala ng malaking payong. "Mam ihahatid ko na kayo." "Sino ka? Hindi na kaya kong mag-isa." "Driver po ako ni Mr. Sun at ipinahahatid n'ya kayo." Natigilan ako. Bakit naman mag aabala pa s'yang ipahatid ako? "Nako hindi na. Pakisabi maraming salamat pero hindi na talaga." "Mam please. Mawawalan ako ng trabaho kapag hindi kayo sumakay." Napakunot noo ako. Mas lumakas pa ang ulan at nagsimula nang mag baha ang mga canal kaya't pumayag na ako. Inalalayan na n'ya akong sumakay at pinayungan hanggang sa makapasok sa loob. Nagpagpag naman ako dala ng ulan at inilugay ang basa basa kong buhok. Pagkasakay ng driver ay sinabi ko agad ang address ng villa kung saan ako nakatira. Nagsimula na itong mag maneho at saglit akong natigilan dahil parang may nakamasid sa 'kin kanina pa. Niyakap ko ang sarili at lumingon sa bandang kaliwa ko. Hindi kaagad ako nakagalaw nang makita si Jian doon habang naka dekwatro. Tahimik lang ito. Tahimik at nakatitig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD