Maligayang iniligay ni Alfa ang garapon, kung nasaan ang alaga niya na si Fifi, sa may bakuran. Binuksan niya iyon upang makalanghap ng sariwang hangin ang ipis. Gumapang ang insekto sa kanyang palad at nagtatalon na parang aso dahil sa excitement na makalaro ang pinakamamahal na amo.
Kakaibang tuwa ang nararamdaman ng dalaga.
Hindi na kasi niya kailangan pang itago ang pet cockroach niya kay Uno. Maging ang pagkatao niya ay hindi na rin lihim. Tila ba nabunutan siya ng tinik sa dibdib at magaan na ang kanyang pakiramdam dahil tanggap siya nito kahit alien pa.
"Fifi, fetch!" Inihagis niya ang isang maliit na dahon upang kunin nito. Tumakbo ito pababa sa kanyang kamay at sumunod sa utos. Babalik na sana ito kay Alfa ngunit laging gulat niya nang dambahin ito ng isang pusa na matagal na palang nakatambay sa itaas ng punong mangga. Nakita kasi nito na malusog at mukhang crunchy ang ipis kapag kinain niya.
"Bitawan mo siya!" pagtili ni Alfa.
Tumakbo ang pusa palayo habang bitbit ang kaawa-awang si Fifi na stressed na stressed na sa mga happenings.
"Hoy! Kung anong hayop ka man, bitiwan mo ang baby ko!" pagtawag niya sa pusa na hindi niya alam na pusa dahil walang ganoong nilalang sa planeta nila.
Umikot-ikot sila sa may hardin hanggang sa makarating sila sa may tabi ng pool. Nahuli niya ang hayop sa may buntot ngunit nanlaban ito at pinagkakalmot ang kanyang kamay. Tiniis niya ang hapdi upang mabawi si Fifi.
Sa wakas ay binitiwan na rin ng pusa ang insekto. Dahil shookt na shookt ang ipis sa pangyayari ay tumakbo ito palayo at aksidenteng nahulog sa pool. Nang makita ang nangyari sa alaga, pinalaya na ni Alfa ang pusa na labis na nanghihinayang dahil nawala ang juicy at tasty meal sana. Sa kadahilanang naramdaman din nito ang kakaibang lakas ng kalaban, pinili nito na huwag ng magbuwis-buhay. Umakyat na lamang ito muli sa puno at nag-abang ng ibang makakain.
"Fifi!" pagpa-panic niya. Nais man niyang iligtas iyon ay hindi niya magawa dahil hindi pala siya marunong lumangoy. "Kapit lang!"
Nagmamadaling nagtungo siya sa bodega at kinuha ang net na ginagamit ni Uno upang linisin ang pool. Gamit iyon ay sinikap niyang maabot si Fifi pero dahil sa medyo overweight ito, tuluyan nang lumubog sa pool. Mas nataranta si Alfa kaya kahit hindi siya marunong lumangoy ay naglakas-loob na siya. Kinuha niya ang mahabang hose na pandilig at itinali iyon sa puno. Mahigpit niyang hinawakan ang kabilang dulo at walang pagdadalawang-isip na tumalon sa tubig.
Habang nagkakagulo na pala sa labas, sakto naman na kalalabas lamang ni Uno mula sa banyo. Kaliligo lamang niya at nakaburlesk king mode pa. Hinila niya mula sa balikat ang maliit na tuwalya at pinunasan ang buhok na basang-basa pa. Nagtungo siya sa higaan kung saan nakalatag ang isusuot sana na damit. Kahahawak pa lamang niya sa t-shirt ay narinig na niya ang pagtili ni Alfa.
"Si Alfa ba iyon?" pagtataka niya. Pagdungaw sa bintana ay nasaksihan niya ang pagtalon ng dalaga sa pool.
Mga ilang milliseconds din siya na nag-isip nang malalim.
Para sa kanya ay it's a major life decision!
Magdadamit daw ba siya?
O, ililigtas si Alfa?
Subalit, nag-alinlangan din siya dahil mari-reveal naman sa dalaga ang kanyang abs at makamandag na alaga!
Pero kapag nagdamit pa siya, maaaring malunod ang newly-found BFF* niya!
(Best friend forever)
"Bahala na!" hiyaw ng kanyang isipan. Kaagad siyang lumabas ng silid na ang tanging hawak ay ang pang-itaas. Nabangga pa siya sa dingding dahil sa pagsusumikap na pagsabayin ang pagsusuot niyon at pagtakbo.
"Ouch! Darn it!" pagrereklamo niya habang hinihimas ang noo. "Magkakabukol pa ako!"
Naabutan niya si Alfa na humahangos na sa tubig. Tumalon na rin siya sa pool upang sagipin si alien girl na hindi marunong lumangoy. Hinawakan niya ito sa may baywang upang maiahon mula sa tubig.
"Si Fifi!" hinihingal na sinambit nito, kasabay ng pagtangis. "Bitiwan mo ako! Malulunod si Fifi kapag hindi ako kumilos!"
"Nasaan siya?" pagtatanong ng binata habang s*******n na niyang hinihila ang kausap sa ligtas na parte ng pool.
"Nasa ilalim..."
"Ako nang bahala!"
Muli ay bumalik si Uno sa tubig at sumisid upang mahanap si Fifi. Natagpuan niya ang kawawang insekto na wala ng malay. Diring-diri man siya to the highest level ay dinampot pa rin niya iyon. Ramdam niya ang gaspang ng mga paa nito na nagdulot ng matinding pangingilabot sa kanyang kaluluwa.
"Eeew" at "yucky" man daw ay handa niyang tiisin ang lahat para lamang kay Alfa!
"Heto na siya," may pagkabahalang sinabi niya habang iniaabot ang ipis kay Alfa. "Sana ay hindi pa huli ang lahat."
"Fifi!" pagtawag niya sa alaga habang sunud-sunod na pumapatak ang kanyang mga luha. "Gising na! Huwag mo akong iiwan!"
Hinaplos niya ang tiyan nito na tila ba binibigyan ng first aid. Maya't-maya ay nilapat ni Alfa ang bibig sa may ulo ng ipis.
Halos mahimatay si Uno dahil sa nasaksihang kahindik-hindik at nakakadiri!
Hindi niya matanggap na mina-mouth-to-mouth resuscitation ng dalaga si Fifi!
"A-Alfa..." Napalunok pa ng malapot si Uno habang sinusubukang awatin ang kausap dahil hindi niya matanggap na parang hinalikan pa nito ang isang ipis. "Baka naman...oras na talaga ni Fifi...let her go!"
"Hindi! Hindi ko isusuko si baby ko!" Muli't-muli ay binugahan nito ng hangin ang insekto. "Wake up!"
Napakamot siya ng ulo dahil batid niya na tunay na nagmamahalan nga ang mag-amo. Bahagya rin siyang nakaramdam ng selos dahil tila ba mas importante pa ang ipis kaysa sa kanya.
Alam niya na jealous din si Fifi sa pakikipagkaibigan sa "mommy" nito. Kapag nakatitig ito sa kanya ay halatadong nanlilisik ang mga mata at iniirapan siya. Tinatalikuran pa siya nito kapag sinusubukan niyang kausapin.
Gayunpaman ay wala naman hard feelings si Uno sa ipis. Nakapagdesisyon na rin kasi siya na kung paano ang buong-pusong pagtanggap niya kay Alfa ay ganoon din dapat ang kay Fifi. Kung baby pet ito ng dalaga, para sa kanya ay ganoon na rin.
Sumipa-sipa na ang mga paa ni Fifi nang magkamalay ito. Napatili sa tuwa si Alfa dahil success ang CPR* na ginawa. Hinang-hina man ay binaligtad nito ang katawan mula sa pagkakatihaya. Gumalaw-gumalaw ang mga antenna nito nang marinig ang boses ng amo.
(Cardio-pulmonary resuscitation)
"Baby!" Hinalikan ng dalaga ito at hinaplos-haplos ang mga pakpak. Nagsitaasan ang mga balahibo ni Uno, maging ang nasa singit at **** niya sapagkat sobra-sobra na ang ka-weirduhang tinataglay ng alien na tinanggap niya sa kanyang tahanan.
"Sige, babalik na ako sa loob," pagpapaalam muna niya. Nais na rin kasi niyang tumakas bago pa man ma-realize ng kausap na wala siyang suot na pang-ibaba. Kahit na may katawan siyang kaakit-akit, hindi naman niya nais na ilantad iyon sa harap ni Alfa na parang p**n star lalo na at wala pa silang "label".
"Next time, huwag na kayong magtatangkang tumalon pa sa pool," pagbibilin pa niya bago tumalikod at naglakad.
"Uno!" pagtawag nito sa kanya bago pa man nakaalis. Paglingon niya ay labis niyang ikinagulat ang pagyakap si Miss Alien. "Salamat! Maraming salamat!"
Hindi kaagad nakatugon ang binata dahil sobra siyang na-touch. Napuno ng kaligayahan ang kanyang puso dahil sa sweetness na pinaramdam ni Alfa. Nais man niyang yumakap din ay hindi naman maaaring gawin dahil may iniiwasan siyang kababalaghan na maganap.
Isa sa mga kahinaan ng mga lalaking Semira ay ang mabilis na pagka-excite ng kanilang mga alaga kapag sobra silang natutuwa. Sa sukat nila na kinababaliwan ng mga babae sa romance novels, siguradong mahahalata iyon kapag umumbok. Iyon ang rason kung bakit madalas na mahahaba ang suot nilang mga pang-itaas o kaya naman ay makakapal ang underwear upang hindi masyadong mahalata ang pagkabakat.
Napapikit pa siya at mapakagat ng labi dahil kailangan niyang kontrolin ang sarili. Kung hindi ay ma-big reveal ang kanyang sikreto lalo na at tanging puting t-shirt na manipis lamang ang kanyang suot.
"U-Uno..." nahihiyang naitanong ni Alfa sa kayakap nang maramdaman na tila ba may flashlight sa pagitan nila. "Naka-shirt...ka lang ba?"
Lumakas ang kabog sa dibdib niya. Hindi niya alam kung nararapat ba na ipagtapat sa kaharap na wala nga siyang suot na boxers o brief.
Nais man niyang mag-deny ay nagdesisyon na siyang maging tapat kahit kahiya-hiya man iyon.
"Oo," pag-amin na niya. "Kaya sa taas ka lang tumingin at baka makita mo ang kaluluwa ko."
"Ay!" Nang marinig ang rebelasyon ay kaagad naman itong kumalas mula sa pagkakayapos sa kanya. Gaya nang inaasahan, tama nga ang hinala nito na wala nga siyang underwear.
"Pasensya na," paghingi naman niya ng paumanhin. "Narinig kasi kita na sumisigaw kaya ayan, hindi na ako nakapagbihis nang maayos. Mabuti nga at nahablot ko pa ang t-shirt na ito."
"OMG! Kung hindi, mapapatakbo ka na all out!"
"Parang ganoon na nga." Hinagod niya ang basang buhok palayo sa kanyang mukha kaya naloka na naman si alien girl dahil umaapaw talaga ang ka-sexyhan nito lalo na at may pa-wet look. "Ang nasa isip ko lang kasi e iligtas ka. Wala ng kiyeme-kiyeme, lumabas na ako para isalba kayo ni Fifi."
Hindi na narinig ni Alfa ang mga paliwanag. Natulala na kasi siya sa kakisigan ng tagapagligtas na walang kaide-ideya na takam na takam na pala ang kasama.
"OMG..." wala sa wisyong nasambit na lang niya.
Bakat na bakat kasi ang mala-pandesal na tiyan nito sa t-shirt na basang-basa pa dahil sa paglangoy nito sa pool. Sumisilip pa ang dibdib nito na sa paningin niya ay firm kapag kinapa. Mas lumakas pa ang appeal nito dahil sa pumapatak na tubig mula sa buhok, paibaba sa mukha at katawan.
"G-Grabe, nakapapogi naman e!" may kapilyahang naisip pa niya habang pinagmamasdan ang binata.
Pababa na sana ang paningin niya sa ibaba ng baywang ng hinahangaan ngunit bahagya na siyang kinagat ni Fifi sa daliri.
Iniligtas siya ng ipis mula sa pagkakasala!
Ganoon pa man ay nadismaya pa rin siya dahil nasa may v-line na sana ang eyeballs niya pero naudlot pa!
Nakaramdam na rin si Uno na para bang hinihila ng gravity ang paningin ni Alfa kaya may tono ng pagbibiro na sinita na niya ito.
"Hey, look up!" Marahan pa niyang tinakpan ang mga mata nito upang huwag siyang silipan. "Magkakuliti ka niyan!"
"Ay! Sa t-shirt mo kaya ako nakatingin, ano ka ba?" todo sa pagtanggi naman ng dalaga nang matauhan. Nagpanggap na lang siya na walang nakitang kakatwa upang hindi na isipin ng kausap na namboboso siya. "A-Anyway, sorry pala at naistorbo pa kita. Hindi ko talaga sinasadya..."
"Inistorbo niyo talaga akong mag-amo!" pagsusuplado kunwari ni Uno upang mabawasan na ang awkwardness na nararamdaman nila. "Akala ko, may sumabog na missile nang magkagulo kayo sa loob! Sa susunod, mag-iingat kayo!"
"OK, sinabi mo e," paglalambing naman ng pinagsasabihan. "E kasi naman, may hayop na pasaway, tinangay si Fifi. Matitiis mo ba na mawala siya?"
Sumimangot ang binata bilang tugon at umiling-iling. Napatawa na lang si Alfa dahil kabisado na niya ang ugali nito na hobby ang magpakipot.
Sa tipo nito, alam niya na kaunting lambing pa ay pagbibigyan na siya.
"Sige na, huwag ka nang magalit," pang-aamo pa rin niya. Humawak siya sa braso nito at inaya nang pumasok sa bahay. "Ipangluluto kita ng lomi para hindi ka na ginawin."
"Lomi lang?" pagmamaktol pa rin nito. "Wala man lang bang tinapay?"
"Atsaka napakasarap na pan de coco!" panunuhol pa niya upang gumaan na ang pakiramdam nito.
Gumuhit na ang ngiti sa labi ng pakipot na si Uno. Enjoy na enjoy talaga siya kapag pinagtutuunan siya ng atensyon ni Alfa. Medyo kinulang kasi siya sa pansin lalo na noong bata pa kaya sabik din siya sa tender loving care. Hindi rin kasi siya nakaramdam ng ganoong klaseng lambing at adventure mula sa mga dating karelasyon kaya bago ang lahat ng experience sa kanya.
"Sige na nga, hindi na ako galit," pagsuko na niya sa panunuyo nito. "Pero tutulungan kitang ihanda ang mga sangkap sa lomi at pan de coco, at sasabayan mo ako at ni Fifi na kumain."
"Oo naman!" pagpayag naman nito. "Mas masaya kapag sabay-sabay tayong kumakain!"
Humawak na rin si Uno sa kamay ni Alfa biglang akto ng paglalambing. Subalit, paglapat ng kanyang palad ay napansin na niya kaagad ang mga galos na natamo nito mula sa pusa na muntikan nang kumain kay Fifi.
"Anong nangyari sa iyo?" may pagkabahalang naitanong niya habang pinagmamasdan ang mga sugat.
"Ano e...'yun hayop na may buntot na mahaba at kulay orange, kinalmot ako noong hinuli ko para mabawi si Fifi!" paglalahad nito. "Gasgas lang naman. Malayo sa bituka."
"Ganoon ba? Kahit na. Alam kong mahapdi pa rin 'yan lalo na kapag nabasa. Bago pala ang lahat, linisin muna natin ang mga sugat mo."
Ang kanina lamang na pagsusungit ay napalitan na ng panunuyo sa kausap. Lumawak pa ang ngiti ni Alfa nang magtagpo ang kanilang mga mata kaya mas lalong nag-melt ang kanyang heart.
Habang nakatitig siya sa maamong mukha nito na maihahalintulad sa mga ipininta ng mga henyo sa larangan ng sining, naamin na niya sa sarili na higit na nga sa kaibigan ang pagtingin niya rito.
"Pagkatapos ay magbihis ka na at baka nilalamig ka na. Ayaw kong sipunin ka," puno ng pag-aalala na pinahayag niya sa babaeng unti-unti nang nakakahuli sa mailap niyang puso.