Dumating kami , sa malaking Bahay walang katao tao , kaya napaisip nadin ako at nagtanong
" S-sir , ano po gagawin ko dito sir , diko naman po sinasadya yung ngyari , kung may gasgas po yung sasakyan nyo wala po akonh ibabayad sa ngayon , pero pwede kopo pagtrabahuhan sa inyo "
Bigla syang huminto , Kaya napahinto din ako
" Diba sabi ko gagamutin muna natin yang sugat mo? di kita pwede iwan don kanina na ganyang may mga sugat ka "
Napatahimik nalang ako at Sumunod ,
Pumasok kame sa isang kwarto , nung una ay nag aalangan pako , hangang sa inabutan nya ko ng damit .
" Mag bihis ka , Damit ko to bago yan wag ka mag alala , Sumunod ka saken may Mga Underwear sa kwarto ng Kapatid ko mukha naman kayong magkasukat "
Namula ang mukha ko sa sinabi nya .Kaya sumunod nalang ako , inabutan nya ko ng mga bagong under wear at may mga tag pa , Napanganga ko sa presyo ng nakita ko , 2,800 Bra palang?
" Sir! nako po bago po ito ang mahal po , jusko 2,800 halos isang buwan na paghuhugas kona ng pinggan sa karendirya to "
Nakita kong natawa sya , at kumabog dibdib ko , Napaka gwapo para kong kukunin na ni lord sa sobrang kabog ng dibdib ko
" Ano gusto mo ? di kana mag underwear ?? damit ko nalang tsaka shorts ? "
napaisip ako dahil may kalakihan ang hinaharap ako masyadong babakat kapag wala akong bra
" Sige Po sir tatangapin konapo ito , pagtatrabahuhan ko nalang po "
Nagbihis na nga ako at lumabas ng kwarto .
Nakita ko sya sa Kusina na nag luluto .
"S-sir ,pag natuyo napo yunh damit ko aalis napo ako "
tahimik lang sya kaya tumalikod nako
pero bigla siyang nagsalita
" You need work right??"
kaya napaharap ako sa kanya ulit
" P-po ? Opo sir naghahanap po ako ng trabho para po makapag padala sa mga anak ko "
nakita ko yung gulat sa mukha nya habang nag pupunas ng kamay
" May asawa kana? bakit di siya ang magtrabaho para sa inyo "
" Aaa, Sir wala po ,Single mother po ako , dalawang beses nainlove dalawang beses din iniwan " Natatawang sabi ko
" And still nakukuha mong ngumiti "
Sabi nya
" e Sir , wala naman po magagawa kung magmukmok ako , di naman po makakain ng mga anak ko yung luha ko "
" Ok , Hired kana "
" P-po?" gulat na tanong ko
"magtatrabaho kana saken , i need a Personal Secretary para sa mga gigs namin , and dimo ba ko nakikila ?"
" yun nga sir , iniisip ko kung san kita nakita ....
ahh Tama!! Autumn Serenity Yung Boy group na sikat na sikat ngayon."
Nakita kong nakangiti sya , at as Usual para nanaman akong hihimatayin .
" Halika na maupo ka kumain kana , Bukas magsisimula ka na ng trabaho , Stay in kana din don sa Kwarto ng kapatid ko "
" Hala sir baka magalit po kapatid nyo "
" She Died Last year "
napatahimik ako dahil sa sinabi ni sir.
" S-sorry po sir"
"its ok , kumain kana at magpahinga bukas madaming trabaho "
" Ok po sir , maraming salamat po , gagawin ko lahat para po masuklian kabaitan nyo " Masayang sabi ko .
Pagkatapos namin ay ako nadin ang naghugas ng pinag kainan namin at umakyat na sa kwarto para magpahinga
" akala ko malas nako , muntik nako masagasaan pero buti nalang at mabuting tao sya, "
Napatahimik ako ng inalala ko na nakangiti si Sir Jae . Kinilig ako , inaamin ko sa srili ko .
" Hay nako Samantha , kaya ka iniiwan e konting smile kilig ka agad e "
hanggang sa dinalaw nako ng antok at tuluyan ng nakatulog .