Allianna Galye
Days has passed the first time Luis and his friends come to the house.
Okay naman sila pero hindi parin ako mapakali dahil sa mga pinanggagawa nya sa akin, pilit ko ilayo ang sarili ko sa kanya pero sya itong lapit ng lapit kahit kasama nya ang jowa nya.
~Flashback~
Nang makarating ako ng bahay ay ako na mismo ang nagdala ng pinamili ko sa loob ng kwarto, wala sina kuya dito sa loob ng bahay siguro nasa court sila sa likod ng bahay.
Pumunta na lang ako ng kwarto para ayusin lahat ng pinamili ko, nanood na ako ng movie pagkatapos dun lang talaga ako sa loob ng kwarto tumambay dahil nga ayaw ko silang makita lalo na si Luis hindi ko parin makakalimutan ang ginawa nyang paghalik ulo.
Nang mabored ako ay bumaba ako para nakaluto ng pancake dahil nagugutom ako, wala pa sila nang makababa ako dahilan para makahinga ako ng maayos.
"Ate! Nasaan yung isang box ng pancake?"tanong ko sa kanya dahil hindi ko mahanap yun.
"Nasa stocks room inalagay ko yun kanina dahil nagpadala ng stocks ang mommy mo."paliwanag nya.
"Okay! Ate paki-prepare naman po yung pan gagawa po ako ng pancake."sabi ko sa kanya at masayang tumango naman sya.
Si ate Rina ang kakwentuhan ko habang wala sina mommy sya rin ang pinakabata sa mga katulong namin dito sa bahay, matanda lang sa akin si ate Rina ng limang taon.
Kinuha ko ang isang box ng pancake sa loob ng stock room at nilabas yun kinuha ko na rin ang chocolate syrup para sinama sa pancake.
Kaming dalawa ni ate Rina ang nagluto nun habang nagkwentuhan kami ng kung ano-ano, tawa ako ng tawa sa kanya dahil palagi sya nagjo-joke minsan sya rin ang kasama ko kapag may problema at wala dito sina mommy't daddy.
"Ate! Hala may gusto ka sa kanya?"gulat na tanong ko sa kanya, sinabi nya kasi na may gusto raw sya sa isang bodyguard na naka-bantay sa amin nina kuya.
"Oo! pero wag ka maingay nahihiya ako sa kanya at masungit pa."napangiwi sya habang sinabi ang huling salita.
"Sino pa ang gusto mo?"tanong ko sa kanya sa dami ng bodyguard dito hindi ko alam kung sino dun.
"Marvin! Sya ang gusto ko pero sobrang sungit nya talaga at sobrang seryoso."sabi nya at napasimangot kaya naman natawa ako.
"Hay nako ate! aminin mo kaya sa kanya na gusto mo sya base kasi ang tingin nya sayo parang may something."sabi ko sa kanya.
Palagi ko kasi nakikita ang tingin sa kanya ni kuya Marvin parang iba kasi, tapos sa tuwing magkasama kami ni ate Rina ay sobrang titig nya kay ate at kapag tumatawa o ngumingiti si ate napapangiti sya pero palihim lang.
"Hindi naman siguro ganun."pagtanggi nya.
"Eh? Sabihin mo torpe lang sya kaya naman hindi nya ma-amin na gusto ka nya."natatawang sabi ko sa kanya.
"Ikaw ba? Diba sabi mo may gusto ka isa sa mga kaibigan ng kuya mo sino nga ulit pangalan nun?"tanong nya sa akin.
"Huh? Ate? A-anong may gusto? Wala no!"defensive ko sabi ko sa kanya pero tinawanan nya lang ako.
"Oh! nautal ka, kilala kita kapag nauutal ka totoo ang sinabi ko."sabi nya sa akin.
"Sino nga ulit yun? Si Luis?"nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nya agad kong tinakpan ang bibig nya.
"Yes! I heard my name."napatingin ako sa gawi nang marinig ko ng boses ni Luis.
Agad akong nag-iwas ng tumingin sya sa akin, siniko ko si ate Rina ng palihim dahil sa lakas ng boses nya.
"Kapag ba Luis ikaw agad?"tanong sa kanya ni ate Rina gusto ko matawa sa uri ng boses nya.
"No!"cold na sagot ni Luis.
"Yun naman pala eh. Malay mo ibang Luis ang tinutukoy namin."sagot ni ate sa kanya, grabe naman ang pagpigil ko ng tawa.
"Bakit sino bang Luis ang tinutukoy nyo?"sarkastikong tanong nya.
"Luis Thyron!"ako na ang sumagot dahil tamang-tama naman na bestfriend ko si Thyron.
"Yun! sya kasi yung tinutukoy namin na nanliligaw kay Allianna."nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ni ate Rina
Saan nya nakuha yun? alam naman ni ate Rina na bestfriend ko si Thyron at wala naman syang gusto sa akin kundi kay Eunice na kaibigan rin namin.
"Tsk!"tanging sabi nya na lang at narinig ko ang paglalakad ng paalis.
Hindi na lang namin pinansin at nag-patuloy sa pagluluto, nang matapos kami ay kumain lang kami ni ate Rina bago ako bumalik ng kwarto ko habang si ate Rina naman ay may gagawin pa.
Paakyat pa lang ako may naririnig na akong boses mula sa taas dahan-dahan akong naglakad hanggang marating ko ang hallway dito sa taas, kunot ang noo ko dahil wala namang tao.
Napailing na lang ako at naglakad papunta ng kwarto ko, bubuksan ko na sana ang pinto ng kwarto ko ng napatalon ako ng gulat ng biglang may yumakap sa akin mula sa likuran sa amoy pa lang ng pabango nya alam ko na kaagad kung sino.
"A-anong ginagawa mo? Luis! A-ano ba bitiwan mo ko?"pilit kong kinukuha ang kamay nya sa bewang ko pero hindi ko nagawa dahil sobrang higpit ng yakap nya sa akin.
Nagsitayuan ang mga balahibo ko noong ina-amoy-amoy nya ang buhok ko at hinalikan nya na naman ang ulo.
"Baby? I'm jealous!"sabi nya dahilan para bumilis ang t***k ng puso ko.
Damn! Anong pang ginagawa nya? Baka makita kami nina kuya, at anong sabi nya? Baby?
"Let me go! Hindi moko jowa para tawagin mo kong baby. Nasa baba jowa mo kaya pwede pa bitiwan mo ko."inis na sabi ko, kapag hindi ko pa ginawa yun ay baka marinig nya ang lakas ng t***k ng puso ko dahil sobrang tahimik.
Dahan-dahan naman lumuwag ang pagkakayakap nya sa akin kaya naman nakahinga na ako ng maluwag, hindi ko tumingin sa kanya dahil baka makita nya ang pagpula ng buong mukha ko dahil sa ginawa nya.
"Bumaba kana baka hinanap kana ng girlfriend mo."sinadyang pinalamig ko ang boses ko.
"At wag mo nang uulitin yun dahil hindi maganda tignan ang basta-basta ka na lang yumakap at sabing I'm jealous."dagdag ko pa bago ako pumasok ng kwarto ko at ni-lock ang pinto.
Dun ko rin sinapo ang dibdib ko na sobrang lakas ng t***k gusto kong sumigaw pero hindi ko nagawa kaya naka-ngiti na lang ako na parang tanga.
~End of flashback~
Hindi ko na sya makita ng matapos kong sabihin yun dahil sa kwarto ako nag-stay buong maghapon pero hindi ko parin mapigilan ang kiligin sa tuwing naalala ko yun pati na rin ang pagtawag nyang baby sa akin kahit sabihin na lang natin joke nya yun pero yung yakap nya.
"Hoy! Allianna Galye para kang tanga dyan kanina kapa pangiti-ngiti dyan."napabalik ako ng ulirat ng sikuhin ako ni Eunice.
Hindi ko na pansin na sobrang isip ko sa mga nangyayari noong sabado ay nasa canteen na pala kami and worst lunch break na parang wala naman pumasok sa isip ko ng tungkol sa mga topic namin kanina.
Lutang akong buong umaga kaya hindi ko alam kung ano ang pinagsasagot ko dun sa quiz namin pero buti na lang wala pa isang teacher ang nagreklamo sa akin.
Mamaya pa naman ang arts na subject namin kaya naman ayos na sa akin yun, nasa locker ko pa ang mga gamit mamaya pagkatapos ay kukunin ko na yun.
"May na isip na kayo ipe-paint mamaya?"tanong ni Thyron katabi ko sa kanya habang nasa harap namin sina Eunice at Leah.
"Meron na ako!"sagot ni Eunice.
"Me too!"si Leah.
"Ikaw? Anong concept mo mamaya?"tanong sa akin ni Thyron hindi kasi ako nakapili dahil ang daming pumapasok sa isip ko.
"Ewan, marami kasing pumapasok sa isip ko at hindi ko makapili."sagot ko sa kanila.
Bahala na kung ano na ang nasa utak ko mamaya yun na lang ang gagawin ko, hindi ko talaga kasi alam kung saan sa mga gusto ko ang pi-paint ko.
"Ikaw ba? Anong sa'yo?"tanong ko kay Thyron.
"Basta malalaman nyo mamaya."sabi nya kaya naman tumango na lang kami.
Nagpatuloy lang kami sa pagkain nasa iisang school kami nina kuya pero hindi kami nagsasabay sa pagkain, siguro pa umuwi dahil hinahatid at sinusundo kami pero kanina ako lang mag-isa dahil nagdala daw ng kotse ang kambal.
Yes! Kuya Allen and kuya Alvin are twins, sabi ni mommy unang lumabas si kuya Allen at minutes after that kuya Alvin naman.
Nagkwentuhan lang kami habang naglalakad papunta ng lockers dahil kukunin namin ang mga gamit dahil ilang minuto na lang ay masisimula na ang arts subject namin.
It's all about painting ang lesson namin for this week kaya ngayong araw kami gagawa ng output at dagdag na yun sa grades namin kapag nakapasa na kami.
Napapasok na sana kami ng napahinto ako dahil sa nakikita ko.
"Oh? Anong problema mo?"tanong ni Thyron dahil bigla na lang ako napahinto.
Tinignan nila kung ano ang tinitignan ko at kita ko kung paano nanlaki ang mga mata nila.
"Tsk! Akala ko pa naman kung ano na. Tara?"yaya ni Thyron sa amin, inakbayan nya pa ako at wala sa sarili akong napatingin kay Luis na ngayon umiigting na ang mga panga at sobrang seryoso habang nakatingin sa braso ni Thyron na nasa balikat ko.
Umiwas na lang ako ng tingin sa kanya at umupo sa mga upuan na nasa harapan, nasa likuran kasi sina kuya at ang ibang mga classmate nila.
Hindi ko naman alam na andito pala sila pero hindi naman impossibleng mangyari yun dahil adviser nina kuya ang art teacher namin.
"Good afternoon everyone!"bati ni Ms. Jean sa amin.
"Good afternoon miss!"bati naming lahat.
"Okay class, don't mind my students here at the back hindi nila kayo iisturbuhin."sabi nya at sabay-sabay naman kaming nag-yes sa kanya.
Inexplain nya sa amin ang mga instructions para sa gagawin naming arts nag-focus na lang ako sa mga sinasabi nya at binabawela ang presensya nya nasa likuran namin kasama ang mga kuya ko.
"Class, you may start your work I'll give you two hours to finish your work and present here in front and explain your work to us."sabi nya kaya naman hindi na ako nagdalawang isip na simulan ang pag-pepaint.
Sunset ang napili kong art dahil mahilig ako sa sunset, I just paint a couple how watch a sunset, nasa dagat silang dalawa habang ang boy pini-picturan ang girl habang nakatingin sa sunset.
Sa dami ng naiisip ko kahapon ito na lang talaga ang ginawa ko dahil maliban sa mahilig ako sa sunset ay parang feel na feel ko na ako yung girl tapos kasama ko ang future boyfriend ko.
"Class! last 30 minutes."sabi ni miss Jean, wala na akong problema dahil tapos na ako sa ginawa ko.
Nag-aayos na ako ng gamit habang ang iba ay tinatapos na ang mga gawa.
"Hm! Are you done Miss Montimayor?"tanong sa akin ni miss dahil nagiikot sya at sakto pagpunta nya sa gawi ko ay inaayos ko na ang mga gamit ko.
"Yes miss!"tugon ko sa kanya at tinignan ang paint ko at ngumiti sa akin.
"Good job!"sabi nya at ngumiti naman ako sa kanya.
Napatingin ako sa gawi ng mga kuya ko at naka-ngiti na silang dalawa sa akin at naka-thumbs up pa kaya ngumiti ako pabalik sa kanila.
"Times up. Everyone please ready your explanation."sabi ni miss at isa-isa kaming tinawag ng mga classmate ko.
Naghintay lang kami na ang pangalan namin ang tatwagin at hindi nga ako nagkamali dahil huling tinawag ang pangalan ko ni miss Jean palagi naman eh kapag ganito.
Ewan ko pa kung bakit palagi akong huling natatawag pero ayos lang sa akin dahil marami akong time para makapag-isip.
"Good afternoon everyone! This my art, the reason why I paint this is because i love the view of sunset at the reflection of the river, I added this two persons here they are not just a person but they're a couple. A guy is taking a picture of his girl while the girl is focus on the view."sabi ko sa kanila lahat at nagpalakpakan naman sila.
"Follow up question. The girl in your painting is that you?"tanong sa akin ni miss Jean.
"Uhm. No! because what I've said earlier they're couple and it's not me because I have no boyfriend."nahihiyang sabi ko.
"Pre! pwede pa palang manligaw dahil walang boyfriend."napatingin ako sa nagsalita, isa yun sa mga classmate nina kuya.
"Walang pwedeng manligaw sa kanya dahil may naka-reserve na."napatingin naman ako sa mga kaibigan ni kuya ng sabihin nya yun.
Reserve? Pinagsasabi nito? Hindi kaya ako bagay para ipa-reserve kung kanino lang. At sa ganda kong to pinangre-reserve lang.
"Keep quiet! Okay again thank you miss Montimayor."sabi ni miss kaya tumango na lang ako dahil naiilang rin ako sa mga titig ng mga classmate nina kuya pati na rin ang tingin sa akin ni Luis.
Umupo ako sa upuan ko at nag-thumbs up naman ang mga kaibigan ko na katabi ko na lang napatingin ulit kami sa harapan dahil sasabihin na ni miss Jean kung sino ang naka-kuha ng may pinakamataas na grades sa ginawa namin.
"I must said ang gaganda lahat ng gawa ninyo pero dahil ang sabi ko kanina ng lima kung sino ang may pinakamaganda and the fifth place is Miss Alvarez please come in front."sabi ni miss Jean ang painting ni Joy ay isang garden na may mga ibon.
"Fourth place is Miss Perez!"sabi ni miss kaya napatingin kami kay Leah na nanlaki ang mata pero kalaunan ay tumayo na rin at pumunta sa harapan.
"Third place is Miss Gonzaga!"napatingin kami kay Eunice dahil sya ang third place maganda naman talaga kasi ang gawa nila.
Si Leah ay isang girl na nasa swing habang pinapanood ang view ng garden habang si Eunice naman ay nasa dagat at nakaupo lang dun ang babae habang hinahangin ang buhok.
"Second place is Mr. Gonzales!"si Thyron ang tinawag ni miss, nag-congrats lang ako sa kanya at ngumiti sa akin bago tumayo ang painting nya naman ay may lalaking nakaupo sa isang bench habang nasa harapan nya ang building at may sunrise.
"And lastly the one that got a higher grade again!"nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ni miss.
Alam ko na kaagad kung sino dahil sinabi nyang again, ako kasi ang last na higher grade sa painting namin noong last week.
"Yes! you heard it right the one of got the higher grade again is no other than Miss Montimayor! Congratulations!"naka-ngiti sabi ni miss, agad naman nagpalakpakan ang mga taong andito sa loob at napasipol pa ang dalawang kapatid ko.
Nagtuloy lang kami marami ang nag-congrats sa amin lalo na sa akin, matapos kami sa arts subject ay bumalik kami ng classroom namin dahil may last subject pa kami.
Hinintay lang namin dumating ang next teacher namin at naglakbay na naman ang utak ko dahil sa sinabi nila sa akin pero hindi ko na lang pinansin yun.