Chapter 55 “KAILAN ang alis ninyo?” tanong ni Mang Badong. Halos magdagundong sa apat na sulok ng kubo ang kanyang boses. Matapos kasi nilang ihayag ni Allen sa mga kasamahan nila ang nangyari sa kanilang misyon kahapon. Naglakas loob siyang ipaalam ang dalaga kay Mang Badong. Sila na lamang dalawa ang naroon sa kubo. Nakaupo si Mang Badong sa kanyang puwesto habang si Paulo sa dulo ng lamesa ang napiling puwestuhan. “Kung papayag po kayo. Baka sa susunod na araw aalis kami,” mahinahong sagot ni Paulo sa biyenan. Tumayo si Mang Badong, naglakad papuntang bintana. Tinanaw ang malawak na firing range at mga nagtataasang punong kahoy sa paligid nito. Parang kailan lang kasa-kasama niya si Remedios at matiyagang tinuturuan sa lugar na ’yon at parang kailan lang din napadpad sa Nayon ni

