Nagstay sa bahay si Heaven hanggang makauwi ulit sila tita. Isang linggo na ang lumipas simula nung nag umagahan dito sila tita Anna at si nanay naman hindi pa rin ako tinigilan sa pangungumbinsi sa akin na sa maynila na lang ako magkolehiyo.
"It would be better if you study in Manila Alecia Victoria. Kung iniisip mo yung titirhan mo doon, meron naman. Yung dating condo ng tatay mo, pwede ka dun." ipinipilit pa rin ni nanay kahit na noong una ayaw niya talaga.
Kung hindi lang siya kinausap ni tita Anna panigurado hindi niya ako kukulitin.
"Nay, wag na nga lang. Dito lang po ako! Sino ang magiging kasama niyo dito sa bahay pag nasa hospital si tatay? Wala na kayong katulong dito sa bahay pag umalis ako." sabi ko.
Tinutulungan ko si nanay na maglaba ngayon. Nagaanlaw siya at nagsasampay ako sa likod ng bahay namin at kinukulit na naman niya ako. Madalas dito si tita kaya tila sangayon na sangayon na si nanay sa pagaaral ko sa maynila. Talagang naalala niya pa yung tinirhan ni tatay dati sa maynila.
"Wala namang problema doon, kaya naman na namin dito ng tatay mo." tuluyan na talaga atang nalason ni tita Anna ang isap ni nanay.
Napabuntong hininga na lang ako at pinagpatuloy na lang ang pagsasampay. Hindi ko na pinansin ang mga pamimilit ni nanay. Natapos naman agad kami ni nanay sa paglalaba pero hindi niya pa rin ako tinitigilan.
"Nay, ako na lang maghahatid ng pagkain ni tatay sa hospital." pagpiprisinta ko ng matapos kaming kumain.
Gusto ko lang takasan si nanay, pupunta daw ngayong tanghali si tita Anna dito sa bahay eh. Panigurado pagtutulungan lang ako nung dalawa at kahit anong pag ayaw ko ay ipipilit pa rin nila.
"Diretso ka ba pauwi o tutugtog kayo sa bistro?" nakakunot noong tanong ni nanay.
Isang linggo na kong bahay at school lang. Kaya ngayon pinapayagan na ulit akong lumabas ng bahay.
"Tutugtog po kami kaya didiretso na lang po ako sa bistro." sabi ko habang tumatango-tango pa.
"Hala, sige umalis ka na!" pagtataboy sakin ni nanay.
Kinuha ko na yung paper bag na pinaglalagyan ng pagkain ni tatay. Dumiretso ako sa sakayan ng tricycle nang makasabay ko si Miguel.
"Tori, saan punta? Pinayagan ka na ulit lumabas?" tanong ni Miguel sakin.
"Sa hospital maghahatid ng pagkain." tinaas ko yung dala ko at saka ngumisi. "Hindi na galit si nanay kaya pinapayagan na ko."
"Teka, samahan na kita sa hospital." sabi nya kaya tumango lang ako.
Sumakay kami sa tricycle. Pareho kaming nasa likod sa may tabi ng driver.
"Edi, kasama ka mamaya?" tanong niya sakin kaya napatingin ako sa kanya.
"Oo naman. Diretso na tayo sa bistro niyo pagkahatid ko nitong pagkain ni tatay."
Malapit lang naman yung hospital sa bahay namin. Kaya nakadating kami agad. Nauna akong bumaba bago si Miguel. Nagtitigan muna kaming dalawa bago sabay na natawa.
"Ako na." sabi nya at nag-abot ng bayad dun sa driver.
"Salamat po." sabay na sabi namin bago pumasok sa hospital.
Kilala naman na ako dito kasi madalas ako dito. Lalo na nung bata pa ako. Binati ko yung guard bago kami tuluyang pumasok. At ganun din sa lahat ng nurses na nakasalubong ko.
"Hi nurse Marie, si tatay po?" tanong ko sa nurse na nasa front desk.
"Isang linggo kitang hindi nakita ah. Sino kasama mo?"
Sinulyapan ko si Miguel na nakatayo medyo malayo sa may likuran ko at may katext ata.
"Napagalitan ako po ni nanay nung isang linggo eh. Si Miguel po yung kasama ko."
Halos magkakakila ang mga tao dito samin, maliit lang naman kasi itong probinsiya namin. Kilala din kami dahil may banda kami kay medyo sikat lalo na dahil may banda kami. Hindi ko rin naman ikakaila na may itsura yung mga kaibigan ko.
"Nasa operating pa ata si Doc. kaya antayin mo na lang sa opisina niya."
"Sige, nurse marie. Salamat po." paalam ko bago lapitan si Miguel.
"Sasama ka pa ba sa taas? O magaantay ka na lang dito?" tanong ko sa kay Miguel.
"Sasama ako, tara na." sabi niya at naunang maglakad sakin kaya sumunod lang ako.
Pinindot ko yung elevator at inantay itong magbukas. Inakbayan ako ni Miguel kaya napabaling ako sa kanya.
"May lalaking na naghahanap sayo sa bistro kahapon." naghahanap sakin? Sino kaya yun...
"Sino daw?" kunot noong tanong ko sa kanya.
"Ewan din namin eh, matanda na. Baka sugar daddy mo?" nagulat ako sa sinabi niya kaya nahampas ko siya sa dibdib nya humagalpak naman siya ng tawa.
"Baliw to! Sugar daddy ka dyan! Ano ba daw pangalan baka kakilala ni tatay?" bumukas na yung elevator at hindi pa rin humuhupa yung tawa ni Miguel kaya sinimaan ko siya ng tingin.
"Tawa, ang saya mo ah." sabi ko at inirapan siya.
May isa pa kaming kasama sa loob ng elevator. Si Miguel tawa pa rin ng tawa at nakahawak pa sa tiyan niya at nakahawak sa braso ko para hindi siya tuluyang matumba. Umirap lang ako at napatingin sa taong nasa tabi ko, bagong nurse siguro siya. Pinindot niya kung saang floor siya at parehas lang namin pala kami ng patutunguhan.
Nagsarado yung elevator at tumigil sa pagtawa si Miguel. Pinunasan niya pa ang luha sa gilid ng mata niya dahil sa kakatawa.
"Ano okay ka na?" tanong ko sa kanya habang nakataas ang isang kilay.
"Oo naman. Walang sinabing pangalan eh. Basta tinanong ka lang." sabi niya at medyo natatawa pa rin kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Ikaw yung anak ni Doctor Saavedra, right?" pareho kaming nagulat ni Miguel nung magsalita yung katabi ko.
Napatingin ko sa kanya at kumunot ang noo. How did he knew me?
"Ah nakita ko yung picture mo sa office niya. I'm Sander, by the way." nakangiting sabi niya at naglahad ng kamay.
Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba o hindi. I'm to mesmerize with his handsomeness. The dimple on his cheeks looks cute but he's not, he's handsome, bruh.
"A-ah... T-tori po." nahihiya kong pagpapakilala ng hindi naaalis ang tingin sa mukha niya. Nihihiya ko ring tinanggap ang nakalahad na kamay niya.
Saktong tumunog naman ang elevator at bumukas ito. Hinila ako palabas ni Miguel pero naiwan ang tingin ko kay nurse Sander. Ewan ko kung nurse ba siya pero nakauniform siya na pang nurse eh. Nginitian ko lang siya at bahagyang tumango tapos ay nagpadala na sa paghila ni Miguel.
Binitawan niya ako nung nasa tapat na kami ng opisina ni tatay. Medyo ginulo nya ang buhok ko at nginisian ako.
"Crush mo na?" tanong niya sa mapangasar na tono.
"Hindi ah, nagwapuhan lang." sabi ko kasi iyon naman talaga ang totoo.
Binuksan ko ang pintuan ng opisina ni tatay at bahagyang nagulat ng makitang may tao don.
"Aminin mo na. Secret lang natin, crush mo na?" pangungulit niya sakin.
"Good afternoon po." nakangiting bati ko sa tao sa loob. Napatigil naman si Miguel sa pangaasar sakin.
"Ikaw po yung sa bistro kahapon, di ba po?" tanong ni Miguel dun sa matandang lalaki sa opisina ni tatay kaya kumunot ang noo ko.
"Yes, it's me. You remember me?" napatingin ako kay Miguel tapos doon sa matanda.
"Ah opo. Ano pong ginagawa niyo dito?" tanong ni Miguel.
Nagpabalik-balik ang tingin ko kay Miguel at dun sa matanda. Pumasok kami sa opisina at isasarado na dapat ni Miguel yung pinto, pero pareho kami nagulat nung biglang padarag na bumukas iyon at iniluwa non si tatay.
"T-tay, anong meron?" gulat na tanong ko.
Seryosong bumaling si tatay dun sa matanda at lumambot ang ekspresyon ng mukha niya nung tumingin sakin.
"Bakit ikaw yung nagdala ng tanghalian ko?" malambing na tanong sakin ni tatay bago lumapit sakin at hinalikan ako sa noo.
"Nagprisinta lang po ako tas pumayag si nanay. Pumayag na po siya tumugtog ako ulit sa bistro nila Miguel." masayang sabi ko at bahagyang itinuro si Miguel sa may gilid.
"Hi tito, good afternoon po." bati ni Miguel at lumapit kay tatay upang magmano.
"Crisostomo, it's been a long time since we last saw each other." sabi nung matanda kaya napabaling si tatay sa kanya.
Tingin ko dapat umalis na kami kasi mukhang may seryoso sila paguusapan. Napatingin ako kay Miguel at nagsenyasan pa kami na umalis na.
"Ah, tay, alis na po kami." sabi ko at inilapag ang paper bag sa lamesa.
"Sige, magiingat kayong dalawa." pagkasabi nun ni tatay ay nagmamadali kaming umalis ni Miguel.
"Ramdam mo ba yun?" tanong siya sakin nung medyo makalayo kami sa tapat ng opisina ni tatay.
"Alin?" huminto siya sa paglalakad kaya huminto rin ako.
"Yung aura dun sa opisina ni tito kanina, ang bigat. Tapos bakit kaya ikaw ang hinanap kahapon? Kung si tito naman pala ang sadya niya? Di ba?" kunot noo ko siyang binalingan.
May point siya, ramdam ko din yun kanina eh.
"Ewan." sabi ko at nagkibit-balikat.
"Bakit ewan mo?" napaismid ako sa tanong ni Miguel kaya binatukan ko siya.
"Paano ko masasagot yung tanong mo eh hindi naman ako yun? Malay ko ba sa iniisip nung matanda. Hayaan mo mamaya tatanungin ko si tatay baka alam niya." sabi ko at nagpatiuna na sa elevator.