"Tori, sama ka?" pangdedemonyo ni Miguel sa akin kaya sinamaan ko lang sya ng tingin.
"Sama ka na, ipagpapaalam ka namin. Dyan lang naman sa may resort namin." si Ramram.
"Sana kasi payagan ako diba!" pagtataray ko sa kanila.
Nakatambay sila dito sa amin, na naman. Dinedemonyo ako na sumama sa kanila baka may plano na namang magsurf ang mga ito.
"Kung hindi ka papayagan, edi itatakas ka namin." sabi ni Roni kaya mas lalong sumama ang tingin ko sa tatlo.
"Nako, tigilan niyo na nga si Tori. Mapapagalitan siya ni tita ng dahil sa inyo eh." saway ni Heaven sa tatlo.
Hindi pa rin nila ako tinitigilan pero hindi ko na lang pinansin. Baka mademonyo lang ako.
Nandito sila sa bahay namin dahil mag-aaral 'kuno' daw kami, nag-aaral naman talaga kaming dalawa ni Heaven, pero yung tatlo nangdedemonyo na naman. Malapit na ang finals at graduating students na kami sa high school kaya kailangan namin magsipag. Pero yung tatlo wala atang plano.
Hilig namin magpuntan sa resort nila Ram para magsurf. Hindi ako masyadong pinapayagan ni nanay na magpunta doon kasi ayaw niya sa ideya na nagsusurf ako. Nagaalala siya na baka daw tangayin ako ng alon. Maalam naman akong lumangoy pero ewan ko ba kay nanay.
Lumabas si nanay galing kusina na may dalang meryenda para samin. Naglalaba si nanay kaya nasa likod ng bahay siya kanina, pero tapos na ata siya maglaba.
"Hi tita." bati ni Ramram kay nanay.
"Wazzup tita?" si Ronie.
"Tita, ang ganda mo po ngayon." si Miguel.
Napa-angat ang kilay ni Heaven at nanay habang nakatingin sa tatlo. Ako naman sinamaan lang sila ng tingin. Bawal ako lumabas ng bahay ngayon. Hindi daw kasi nagpaalam kahapon, kahit nagpaalam talaga ako, para tumugtog sa bistro nila Miguel, kaya napagalitan ako. At kung aalis ako ngayon baka lalo lang akong hindi palabasin ng bahay ni nanay.
"Anong kailangan nyo?" mataray na tanong ni nanay pagkalagay ng meryenda namin sa lamesa.
"Ano po... Kasi... Ano... Si Tori... Ano po ahhh. Tol, ikaw na magsabi." hindi malaman ni Ronie ang sasabihin kaya humingi na ng tulong kay Ramram.
"Anong meron kay Victoria?" bumaling sakin si nanay at sinamaan ng tingin. Agad naman akong umiling.
"Isasama po namin-" hindi natatapos ang sasabihin ni Ramram ay inunahan na si ni nanay.
"Hindi pwede!" sabi ni nanay at umalis na sa harap namin.
"Ano ba yan!" parang bata sabi ni Ramram.
"Hindi pa kayo nasanay kay tita." sabi ni Heaven at umiiling lang ako at bahagyang natatawa.
Strikto si nanay at tatay, ayaw nilang naglalalabas ako ng bahay. Nagiisa daw kasi akong anak tapos babae pa kaya kung gusto kong makipagkita sa kaibigan ko, sila na lang dapat ang pumunta dito sa bahay. Kaya araw-araw din sila Heaven dito. Pumapayag naman sila nanay na lumabas ako, pagnagpapaalam ako ng ayos. Yun nga lang may mga kaibigan akong demonyo na lagi akong dinedemonyo. Pagka hindi ako pinapagayan kinukumbinsi nila akong tumakas, ako naman si tanga sumasama sa kanila. Kahit si Heaven hindi na pipigilan minsan yung tatlo o minsan pati siya dinedemonyo din ako, gaya kahapon.
"Tori, friday ngayon ah. Tara tutugtog sa bistro." pagaaya ni Ronie.
"Hindi pwede. Umuwi daw ako agad sabi ni nanay eh." pagtanggi ko.
"Itext mo na lang kaya si tita." si Heaven.
Napaisip ako. Hmm, pwede naman sigurong itext ko na lang si nanay. Kaso baka magalit yun.
"Dali na, hindi magagalit si tita. Kami naman kasama mo." sabi ni Miguel.
"Kaya nga, pati kakanta lang tayo. Isang kanta lang naman." si Ronie.
Pumayag ako at dumiretso kami sa bistro. May banda kasi kami nila Ronie, at minsan nagpeperform kami sa school tuwing may event pero madalas sa bistro nila Miguel. Nabuo yung banda namin nung grade 7. Tinuruan ako maggitara ni tatay tapos nakigaya yung apat pero hindi matuto-tuto si Heaven. Kaya sabi namin magtry kaya kami ng iba pang instrumento, hanggang sa nakahiligan na namin. Pero si Heaven hindi nya nakahiligan, kasi kahit anong pilit nya matuto hindi talaga eh, sabi namin sya na lang yung vocalist namin kaso sintunado sya. Magaling lang talaga siya sumayaw pero walang talento sa pagtutog at pagkanta. Pero siya ang no. 1 fan namin. Dati kasama namin yung nakakatandang kapatid ni Heaven, si kuya Taniel, pero dahil nagcollege na sya. Hindi na sya nakakasali samin. Two Roses Between the Torns or TRBT yung pangalan ng banda namin.
Sa electric guitar dati si kuya Taniel pero ngayon wala na. Ako sa drums, sa keyboard si Miguel, sa bass si Ronie at sa acoustic guitar si Ramram. Lahat kami vocalist. Bawat kanta na kinakanta namin nagpapalit-palit kami ng tutugtugin na instrumento.
Tuwing friday to sunday kami tumugtog sa bistro. Pag friday, 5:30 pm to 7:00 pm tapos pag saturday and sunday 1:00 pm to 6:30 pm.
Ang usapan namin hanggang 6:00 lang kami kasi baka pagalitan ako. Nagtext naman ako kay nanay.
Ako:
Nay, tutugtog kami sa bistro. Hanggang 6:00 lang po.
Hindi nagreply si nanay kaya akala ko pumayag siya. Pero wala pang 6:00 eh dumating na sya sa bistro at pinapauwi na ako. Buti tapos na yung kinakanta namin. Hindi naman eskandalosa si nanay kaya hindi naman nya ako pinagalitan sa bistro, sa bahay lang.
"Buong linggo ulit tayo na dito lang sa inyo?" tanong ni Miguel.
Nagkibit lang ako. "Bahala kayo. Heaven sleep over ka dito." sabi at bumaling kay Heaven.
"Ay bet ko yan! One week na sleep over, you want ba?" sabi nya. Palibhasa madalas magisa lang siya sa kanila dahil nasa manila ang mga magulang nya at ang kapatid nya.
Gusto lagi dito samin.
"Gaga! Uuwi sina tita ah, sabi mo."
Nagtatrabaho sa manila ang mga magulang niya tapos ang nakatatanda nyang kapatid doon nagaaral. Kaya siya lang ang naiwan dito sa probinsya kasama ang maid nila sa bahay.
"Ay, oo nga. Edi hanggang bukas lang?" medyo malungkot na sabi nya.
"Okay lang yan. Parang di tayo araw-araw magkasama ah." nagtawanan kaming dalawa.
"Eh, paano kami?" tanong ni Ronie kaya tinaasan ko sila ng kilay.
"Anong 'paano kami'?" tanong ko.
"Saan kami magisleep over?" madramang tanong nya kaya humagalpak kami ng tawa ni Heaven. Nakanguso yung tatlo, kaya nagmukha silang tatlong bibe.
"Bakla nyo talaga. Kila Ramram kayo, dito kaming dalawa ni Tori." sabi ni Heaven at niyakap ako. Niyakap ko siya pabalik at tumango-tango.
Nagpatuloy sa pagtatantrums yung tatlo. Kesyo gusto daw nila magkakasama kami. Hindi daw dapat kami magkahiwa-hiwalay. Jusme, ang babaw talaga ng mga to.
Simula pagkabata magkakaibigan na kami at lagi na kaming magkakasama. Lagi din kaming magkakaklase. Ewan ko ba, ayaw kaming paghiwa-hiwalayin ng tadhana. Dati kasama pa naman ang mga nakakatandang kapatid nila kaso nagpunta ng maynila eh. Si ate Yrina, nakatatandang kapatid ni Ramram, at si kuya Taniel, yung nakatatandang kapatid ni Heaven, nasa maynila para doon na magkolehiyo, matanda sila saamin ng limang taon. Yung nakatatandang kapatid naman ni Ronie may pamilya na at nasa ibang bansa na nakatira. Kaya kami na lang ang naiwan dito.
Si Heaven at Ramram, ang mga pamilya nila ay isa sa pinakamayaman dito sa lugar namin. May kompanya ang pamilya nila sa maynila. Kami naman nila Ronie at Miguel ay simple lang, may kaya sa buhay. Si tatay isang surgeon sa district hospital dito saamin. Ang tatay ni Ronie nagtatrabaho bilang engineer sa kompanya nila Ramram, ang nanay nya ay simpleng may bahay lang. Maagang namatay ang tatay ni Miguel kaya ang nanay niya na lang ang nagtataguyod sa kanya, may negosyo sila, yun nga yung bistro nila.
Si Heaven ay may bilugan at mahabang mga pilik mata, mukha siyang barbie kung tutuusin. Balingkinitan ang katawan at medyo matangkad siya sakin, medyo kayumanggi ang kulay ng balat niya. Wavy ang buhok nya na hanggang balikat.
Ramisez also have that round eyes, thick eyebrows and his jawline na nakakahiwa, charr. Sobrang tangkad niya like lagi akong nakatingala sa kanya. He looks mature when we were performing in stage but looks like a giant baby in normal days.
Ronie is also a giant. Ewan ko ba kung bakit ang tangkad ng mga kaibigan ko. Siya yung pinaka matured tignan samin kapag seryoso pero when he smiles, he looks so cute.
Matangkad din si Miguel pero mas matangkad sa kanya si Ram at Ronie. He has that bad boy looks pero he's really soft. Hanggang leeg niya yung buhok niya and that makes him more attractive. Medyo singkit ang mga mata niya at mahihiya ang model ng close up kapag ngumiti siya.
Nang malapit ng maggabi ay umuwi na yung boys sa kanila. May damit na si Heaven dito samin kasi nga madalas siya rito, nabobored daw sya sa kanila. Wala daw kasing tao, may tao naman yung mga maid nila dun.
"Nay, dito daw po matutulog si Heaven." sabi ko, nagluluto na si nanay ng ulam namin ngayong hapunan.
"Sige, ayos lang ba sa kanya na ginataang talbos ng kamoteng gabi ang ulam? Itanong mo nga." sabi ni nanay.
Si nanay talaga may pagka judgmental minsan.
"Oo naman, nay. Nakain siya nan." sabi ko at lumabas na ng kusina.
Nasa kwarto ko si Heaven, kaya tumaas din ako para puntahan siya roon.
Bago umuwi kanina yung boys ay nagkasundo sila na kila Ramram matulog ngayong gabi. Magi'sleep over' din daw sila. Mga bakla talaga. Tsk.