Chapter Five

2072 Words
Halos isang buwan na saamin nakatira si kuya Sander. Mabait naman siya at masarap kasama. Mas lalong dumalas dito samin si Heaven kasi nga nandito yung crush niya. Nung malaman naman ni tita Anna na nandito siya samin nakatira ay agad siyang nagoffer na sa kanila na lang daw, kaso ayaw ni kuya Sander. Naglayas lang daw kasi siya sa kanila at baka malaman daw ng mama niya na nandito siya sa isang bayan sa Ilocos. "Bakit ka po naglayas sa inyo?" tanong ko kay kuya Sander. "May nagawa akong kasalanan." kumunot ang noo ko dahil sa sagot niya. "Ano pong kasalanan? Ganun po ba yun kabigat para lumayas kayo sa inyo?" kyuryosong tanong ko sa kanya. Nagkibit balikat lang siya at pinagpatuloy ang pagbabasa. Nandito kami sa sala, magkatabi kaming nakaupo sa mahabang sofa. Naka bukas ang tv, manonood sana ako ng paborito kong teleserye pero mas naging interesado ako sa buhay niya. Chismosa lang ang peg! "Alam mo kuya, kahit gaano pa kalaki ang kasalanan natin matatanggap at matatanggap pa rin tayo ng magulang natin." napatigil si kuya Sander sa pagbabasa at napabaling sakin. Wala naman siyang sinabi kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita. "Panigurado po hinahanap ka na ni Senator. Nakakatiis po ang anak sa magulang, pero hinding hindi po tayo matitiis ng magulang natin." nakangiting sabi ko. Nagkibit balikat lang ulit si kuya Sander at nagpatuloy muli sa pagbabasa. Dalawang araw na lang ay graduation na namin. Tuluyan na rin akong napapayag ni nanay na sa maynila na lang mag kolehiyo. Hindi pa nga lang alam kung nakapasa ba ako o hindi. Dalawang unibersidad lang ang kinuhanan ko ng entrance exam. Yung isa sa malapit lang daw sa condo ni tatay noon at yung isa ay yung school na papasukan nila Heaven, kung saan dun din nagaaral sila kuya Taniel at ate Yri. Napansin ko din na nagiging malapit na sa isa't isa si kuya Sander at Heaven. Mas madalas magkausap sila at feeling ko si kuya Sander na lang ang ipinupunta si Heaven dito samin at hindi na ako. Nandito kami ngayon sa may bakuran namin at nakaupo kami sa glider swing dito. "Wag niyo iduduyan." sabi ni Heaven nung pumasok siya at umupo sa tabi ko. Medyo tumunog ito dahil may kalumaan na pero matibay pa naman. Magdadrawing ulit kami ngayon. Pinayagan naman ako nila nanay at tatay. Pero hindi pa talaga sigurado kung makukulayan. "Sigurado na sa mansiyon niyo sa Vigan tayo tutuloy, Ram." sabi ni Ronie. "Oo, dun din ata sila ate tutuloy eh." si Ram. "Nasabi mo ba kay kuya Taniel na may trip tayo sa Vigan?" tanong ko. Nakahilig ang ulo ko sa balikat ni Heaven at nakayakap ako sa braso niya. Yung tatlong unggoy naman nasa harap naming dalawa. Kasya naman kaming lahat dito pero nagmukhang nagsisiksikan yung tatlo dahil mataba sila, hindi charot lang. Medyo may kalikihan kasi ang mga katawan nila kaya nagmumukhang maliit ang space na inuupuan nila. Maghahapon na kaya medyo nagiging orange na ang langit. "Oo, kaso busy daw siya. May pinapagawa sa kanya si papa." sabi ni Heaven. "Bat di lumipat ang isa sa inyo dito sa tabi namin?" tanong ko sa tatlong lalaki sa harap namin ni Heaven. "Lipat ka daw sa tabi niya Migz." tinaasan ko naman sila ng kilay, nag-uumpisa na naman sila. Lumipat naman si Miguel sa tabi ko kaya umayos kami ni Heaven ng upo. This is one of our usual afternoon if we don't have nothing to do. Mahina naming idinuduyan ang upuan. Nagtititigan lang kaming lima ng biglang tumawa si Heaven, kaya natawa din kami. "Anong nakakatawa?" tanong ko sa kanya. "Wala lang." sabi niya kaya lalo kaming nagtawanan. Umuwi na din naman sila nang dumilim na ang langit. Mabilis lumipas ang araw at dumating na ang graduation day namin. Mas excited ata kami na kulayan yung drawing namin kaysa grumaduate. Minsan lang kasi talaga namin makulayan yung mga drawing, lagi na lang kasing di natutuloy yung mga pinaplano namin. Nagmamadali si nanay, malalate na daw kami. Kahit hindi pa naman, aligagang aligaga siya habang kami ni tatay chill lang. "Jusmeyo kayong dalawa, oo. Bilisan niyo, ang kukupad niyo talaga magsi-kilos eh!" rinig kong sigaw ni nanay galing sa baba. Napatawa na lang ako dahil sa pagkataranta niya. Kinuha ko ang sablay na nakalatag sa kama ko bago lumabas ng kwarto at bumaba. Nandoon nga si nanay at nakatayo sa dulo ng hagdan habang masama ang tingin samin ni tatay. Sabay kasi kami lumabas ng kwarto ni tatay habang inaayos niya ang necktie niya. Isinuot ko na yung sablay baka mapagalitan pa ko. Si nanay ang nag-ayos sakin, simpleng make-up lang ang ginawa niya sa mukha ko. Tapos ako naman ang nag-ayos sa buhok ko, naka high ponytail ito at may naiwan na dalawang strand ng buhok sa mukha ko na ikinulot ko. Bumagay ito sa suot kong long-sleeved dress na hanggang ibabaw ng tuhod ko. Kulay asul ito na pinartneran ko ng kulay itim na flat shoes. 1 Sakto lang ang dating namin sa school. Hindi ko ka agad nakita ang mga kaibigan ko dahil sa dami ng tao. Pero dahil naka-alphabetical naman ang seating arrangement ay nakita ko din sila. Si Ronie lang ang napalayo samin dahil sa C nagsisimula ang apelyido niya. May isang pagitan lang kami ni Heaven dahil parehong sa S nagsisimula ang apelyido namin. Si Ram at Miguel magkatabi hindi kalayuan sa may likod na hanay namin. Ilang oras din bago natapos ang graduation. Halos lahat ata ng kaklase at schoolmates namin umiiyak. Kami lang ata yung hindi. Nagpustahan kasi kami, kung sino unang iiyak samin ngayong graduation manlilibre. Natapos ang programme at lumapit na samin ang mga magulang namin, umiiyak sila. Nagkaroon muna ng pictorial ang batch namin at kaming magkakaklase. Nilapitan kami ng mga naging teachers namin para i-congratulate. Nagpicture muna kaming magkakaibigan sa stage at sa school ground bago umalis. Dumiretso ang mga pamilya namin sa bistro nila Miguel dahil doon napagkasunduan na ganapin ang graduation party. "Congratulations!" bati nila samin. Naging masaya ang naging araw namin1 napuno ito ng tawanan at iyakan dahil sa paggugunita ng ilang mga alala naming magkakaibigan. "Alecia Victoria! Bilisan mo diyan, nandito na ang mga kaibigan mo." pagtawag sa akin ni nanay. Lumabas na ako ng kwarto at nakita ko naman agad sila sa may baba ng hagdan at inaabangan ako. May dala akong kulay blue na maliit na maleta na pinalalagyan ng gamit ko at isang shoulder bag na kulay black. "Tara na ang tagal mo eh." bungad ni Miguel at kinuha ang maleta ko. "Nay, alis na po kami. Itetext ko na lang po si tatay na nakaalis na kami." paalam ko kay nanay at saka nagmano at humalik sa pisngi nito ganun din naman ang ginawa ng mga kaibigan ko. "Magiingat kayo sa byahe." sabi ni nanay at hinatid kami palabas ng bahay. SUV nila Heaven ang gamit namin tapos si Ram may dalang sariling sasakyan. Nasa legal age naman na silang lahat ako na lang yun hindi kasi sa October paa ako mag 18. Naging mabilis ang byahe namin, feeling ko. Tulog ako buong byahe eh. Tanghali kami umalis saamin at gabi na nang makarating kami sa Vigan. Tumawag si Ram samin at sinabing mag dinner daw muna kami sa isang hotel. "Buti talaga may kaibigan tayong mayaman." biro ni Ronie kaya nagtawanan kami. Sa isang mamahaling hotel nag-aya kumain si Ram at sino ba namin kami para tumanggi, char. Ililibre niya talaga kami ng dinner kasi siya yung unang umiyak samin nung graduation day. Bilang lang ang mga taong kumakain dito. Pumuwesto kami sa may bungad kung saan meron ding grupo ng kabataan. Pero tingin ko mas matanda sila samin. "Tori, tulog na tulog kanina. Hindi mo nakita yung magandang tanawin." sabi ni Heaven. Magkatabi kaming dalawa at sa kabilang tabi ko si Miguel tapos si Ram at Ronie. "Masarap kaya matulog, pati makikita ko pa rin naman yun pag-uwi natin." sabi ko. "Tapos pag-uwi tulog ka ulit?" si Ronie. "Hindi syempre!" Dumating yung waiter kaya napatigil kami sa pagaasaran. "Anong gusto niyo?" tanong ni Ram. "Ano bang masarap dito?" tanong ko habang tinitignan ang menu. Ginto kaya ang lahok nito? Ang mamahal eh. "Ako, Tori, masarap ako." sabi ni Miguel. "Aba, higa na sa mesa kakainin na kita." biro ko. Nagulat ako nang tumayo si Miguel at akmang hihiga nga sa mesa. Nagtawanan naman kami dahil sa ginawa niya. Nakaramdam tuloy ako ng hiya kasi pakiramdam ko yung mga tao dito pinagtitinginan kami. Pati yung waiter medyo nakikitawa din samin. "Baliw, umayos ka nga! Nakakahiya ka!" hinila ko siya pabalik sa pagkakaupo niya sa tabi ko. "Sabi mo humiga na ko?" natatawang tanong niya sakin kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Gago, wag dito!" sabi ni Ram kaya sinamaan ko din siya ng tingin. "Ehem, may single dito!" pang-aasar ni Heaven samin. "Mamaya na lang tayo magkainan, love." sabi ni Miguel at inakbayan ako kaya kinurot ko siya sa tagliram niya. "Tigilan niyo na nga. Umorder na kayo, ang gugulo niyo eh." pagsaway ko sa kanila. "Sino bang nagsimula?" si Ronie. Tumigil din naman kami sa pag-aasaran at umorder na ng ayos. Kumalma din kami at umayos na. Nakakahiya talaga. Like, imagine we're in a fancy hotel restaurant then we acted like that. Kapag nalaman ito ni tita Anna at tita Nitha, makukurot nila kami sa singit namin. "Kailan ang dating nila ate Yri?" tanong ni Heaven nang magsimula na kaming kumain. "Bukas ata, wala namang sinabi si ate kung kailan eh." si Ram. Bigla akong naconscious kasi pakiramdam ko may nakatitig sakin. Lahat kami kumakain kaya hindi rin naman kami masyadong naguusap. Nilibot ko ang tingin ko at natagpuan ko ang mga matang nakatingin sakin. He's looking at me like he's going to eat me. Geez, ang creepy. Umiwas na lang ako ng tingin at kumain na lang ulit. "Hindi naman masarap yung soup pero ang mahal." reklamo ni Ronie. "Pero naubos mo." sabi ko at tinaasan siya ng kilay. Simula ng kumain kami hanggang ngayon feeling ko nakatingin pa rin sakin yung lalaki. Feelingera ang ateng nyo. Pero seryoso hanggang ngayon nakatingin pa din saking yung lalaki. Gwapo naman siya, mukha siyang model at halatang mas matanda siya samin. "Dito ulit tayo kain bukas, ang sarap pala ng pagkain nila dito." si Heaven. "Basta ba libre mo eh, okay lang." sabi ni Ram tumango lang si Heaven dahil inuubos niya pa yung juice niya. Paalis na sana kami pero may lumapit samin. Nagulat pa ko ng makita ko yung lalaking kanina pa nakatingin sakin. Nagtagpo na naman yung tingin namin kaya agad akong umiwas. "Hi, kayo yung TRBT diba?" sabi nung babaeng kasing tangkad ni Heaven na may kahawig nung lalaking nakatitig sakin. Magkapatid siguro sila. "Ah! Yes, kami nga." si Ronie. "Pwede kami magpapicture?" tanong nung babae. "Sure." nakangiting sabi ko. Pito silang magkakasama, tatlong babae at apat na lalaki. Lumapit samin yung tatlong mga babae at yung isang lalaki na mukha ring model. "Take a picture of us." sabi nung babaeng medyo singkit. Naglabas naman ng cellphone yung isa sa mga lalaki. Lahat naman sila mukhang mga model eh. Hindi kasali si Heaven kaya nakikuha din siya ng picture. He take a picture of us. Naka-tatlong take kami ng picture. "Thank you." sabi nung babaeng kahawig nung lalaking tumititig sakin. "Salamat po." sabi nung singkit na babae. "You're always welcome." sabay na sabi namin ni Miguel. Kaya nakatinginan kaming dalawa at bahagyang natawa "Sige, alis na kami." paalam namin sa kanila. Inakbayan ako ni Miguel at umalis na kami sa hotel at pumunta sa mansiyon nila Ramram. "Akalain niyo yun, may fans pala tayo." sabi ni Ronie. "Meron naman talaga eh, marami kaya!" si Heaven. Si Heaven kasi ang admin sa page na ginawa namin, ay mali, siya lang pala yung gumawa. Siya daw yung manager namin eh. "Ano magkakainan na ba tayo?" nakurot ko ulit sa tagliran si Miguel dahil sa binulong niya. "Baliw!" tawang tawa naman siya. "Hoy, ano yun?" panguusisa ni Heaven. "Wala, hahahahahaha." inirapan ko na lang si Miguel at nagpout naman sakin si Heaven. Dahil sa pagod namin sa byahe ay nagpahinga na din kami. Sa kwarto ni Ram matutulog yung boys tapos sa guest room naman kaming dalawa ni Heaven. Mabilis naman kaming nakatulog. Marami pa kaming gagawin bukas, kaya kailangan namin ng energy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD