Kyle POV Nakakapagod ang buong araw na to. Ang daming papel na tatapusin. I need to relax at medyo stress na ako at ayaw kong lumabas dito sa opisina na mukhang mangangain ng tao. Baka biglang magtakbuhan ang mga empleyado ko, ayaw ko non, masisira kagwapuhan ko, baka hindi na ako makita ng prinsesa ko kapag sakaling magtagpo kami sa lugar na hindi ko inaasahan. Napahawak ako sa batok ko nang maramdaman ko ang pangangawit nito. Malapit na akong matapos sa ginagawa ko nang tumunog ang phone ko at si Leo ang nasa screen. Unang naisip ko na baka magtatawag itong gumimik kaya agad kong kinuha ang phone ko saka ko sinagot. "Join ako! " sabi ko agad na hindi ko na inantay ang sasabihin. "Ohh. Okey. Kita nalang tayu sa restaurant." Sabi niya sabay putol nito. Restaurant? Gutom ba siya? Tinin

