Geraldin POV Ang bilis lumipas ng mga araw. Isang buwan na kami halos dito sa Hotel at masasabi kong nag eenjoy ako, ewan ko lang kay Betty na puro reklamo ang laging hatid kapag uwian namin sa hapon. Hindi niya kasi kasundo yung isang kasama niyang waiter na lalake. Lagi daw siyang inaasar. Natawa naman ako sa itsura niyang laging lugi pag hapon. Parang pinagkaitan ng kaligayahan sa maghapon. Basta ako ay masaya. Bukod sa minsang pagdalaw sa akin ni Brent pag tanghali, hatid sundo niya lagi ako pag umaga at hapon. Diba? Parang gusto ko tuloy palitan at agawin mga trabaho nila dito sa sobrang inspired ko. Ganun siya kalala sa akin pag araw araw ko siyang nakikita. Bukas na 1st monthsary namin at kailangan may gawin din ako. Lagi nalang kasi siya ang may surprise kaya ako naman ngayon.

