Leo POV "Saan ka galing?" Tanong ko kay Mika na kararating lang. "Sa CR." Sagot niya pero namukhaan kong galing siya sa pag iyak. "Umiyak ka ba?" tanong ko. "No!" tanggi niya. "Baka namalik mata ka lang , tsaka madilim, paano mo nasabing umiyak ako?" sabi niya. Haaayy, kahit ilang tanggi niya na hindi siya umiyak ay alam ko parin na galing siya sa pag iyak. Nagkasama kami ng 16 years, since na magkakatabi halos mga bahay naming magkakamag anak. Alam ko nang ugali nito kapag hindi maganda ang pakiramdam o may sama ng loob nino man sa amin na pinsan niya. Well, tatlo lang naman kasi kaming magpipinsan, panganay ako, sumunod si Mika at bunso si Brent. Mas unang nawalay sa amin si Brent, 10 years old palang siya nang idala na sa Australia dahil don nakabase ang work ng Daddy niya na half

