Chapter 20

1231 Words
Kinaumagahan, nakapagdesisyon akong hindi pa rin umuwi. Ini-on ko ang cellphone ko at sinubukang tawagan si Maya para humingi ng tulong. Ngunit unang bumungad sa akin ang napakaraming missed calls at texts mula kay Landon. 120 missed calls. Lahat ng ito ay galing kay Landon. Hinahanap niya ako mula pa kagabi… hanggang kaninang madaling araw. Iyon ang oras na nakatatak sa huling mensahe na pinapadala niya. Landon: Where are you? It's already eight in the evening. Landon: I tried calling you, but you cannot be reached. Nasaan ka? Landon: Hinalughog ko na ang buong bahay, pero wala ka. Where are you now? Do you want me to fetch you? Landon: Sa bahay ka ba kakain? I cooked food for us. Saka na ako kakain kapag dumating ka. I’ll wait for you. Landon: Veronica, this is not a good joke anymore. Gabi na… saan ka ba nagpunta? Please answer my calls. Landon: I’m really taking this seriously. Kung hindi ka pa magpapakita sa akin, ipapahanap na talaga kita sa mga pulis. Landon: Look, if this is about what happened last night. I’m sorry. I am. It wasn't my intention, Veronica. I promise you that. Landon: If you won't answer my call, I'll have to look for you. Landon: Tell me, what do you want me to do? Please go home now. Landon: I’m starting to feel bad. No one knows where you are. Bakit hindi ka man lang nagpaalam? If you don't want to talk to me, it's fine. But don't leave like this. I’m still here waiting. Landon: Answer my goddamn call! I'm f*****g worried right now! Landon: Where the hell are you, Veronica? Isa ‘yun sa mga mensahe niya kagabi. Binasa ko naman ang apat na huling mensahe na pinadala niya. Landon: Please tell me what I should do so that you will forgive me for what happened between me and Ingrid. Landon: Until now, I couldn't sleep. I'm waiting for you to call back. Or at least, beep me up. Landon: If something bad happens to you, know I’ll never forgive myself. Landon: Please just tell me that you're fine. Nakokonsensya tuloy ako sa ginawa ko. Parang nahimasmasan na ako at aaminin kong, kasalanan ko dahil hindi ako nagpaalam. Pero sa kabilang banda, iniisip ko rin… paano kung hindi na lang kaya ako uuwi? Paano kung papalabasin ko na lang na na-kidnap ako at patay na? Pwede kaya ‘yun? Hinahanap ko ang numero ni Maya at tatawagan na sana ito pero baka sasabihin niya kay Landon na tumatawag ako. Sino ba ang pwede kong tawagan sa ngayon? At… naalala ko si Spade Xandros Ruston, ang asawa nito. Naalala ko kung paano niya suntukin si Landon dati dahil lang itinago nito si Maya mula sa kanya. Napangiti ako nang maisip ko ‘yun. Tama! Si Xandros ang tatawagan ko. Agad kong hinahanap ang kanyang numero saka ko siya tinawagan. Sana lang ay pumayag siya sa gusto ko. “Veronica, what's up?” Nakilala niya ako. “Spade, nasaan si Maya?” Tanong ko. “She's upstairs. I’m currently in the living room. Why? You wanna talk to her? “Huwag!” Mabilis kong sabi. “Ikaw talaga ang sadya ko kaya kita tinawagan.” Sabi ko sa kanya. “Why is that?” “Nagpunta ba si Landon diyan?” “Yeah. Kakaalis lang niya. Why?” Shit! Mabuti na lang pala at hindi ako tumawag agad kanina. Tumikhim muna ako bago nagsasalita. “Tulungan mo ako. Gusto kong magtago mula sa kanya.” “For what reason?” Mabilis na sagot nito. Agad kong ibinahagi sa kanya ang mga nangyari sa pagitan namin ni Landon. Wala akong narinig na kahit na anong reaksyon mula sa kanya. Hindi ko alam kung papayag siya sa pakiusap ko pero sana nga. Si Spade na lang ang tangi kong pag-asa. Siya na lang ang makakatulong sa akin. “What do you want me to do?” “Ayaw kong huminto sa pag-aaral pero gusto kong magtago. Ikaw lang ang nag-iisang taong naisip kong takbuhan. Maaari bang, tulungan mo ako para ipadala kay Ariel ang mga school activities na kailangan kong gawin o sagutan? Dito ko sasagutan sa bahay niya.” Sabi ko. “Are you sure about this? You know, I don't want to lie with my wife.” Sabi niya. Hindi naman siya magsisinungaling, itatago niya lang naman ako. “Oo. Huwag kang mag-alala dahil tatawagan ko rin naman siya para ipaalam sa kanya ang tungkol dito, pero hindi pa ngayon. Hindi mo naman kailangan na magsinungaling, itatago mo lang naman ako.” sabi ko. Narinig ko ang pagtawa niya. “Hmm, this is a good thing, I’ll finally get back at him for what he did. Okay, I’ll help you.” “Thank you, Spade. Thank you talaga.” Sabi ko. “Tell me if you need a lot of money.” A lot? Grabe naman! Naalala ko ang mga ari-arian na binenta ni Landon sa kanya. “Hindi ko kailangan ng pera, pero pwede bang ibalik mo kay Landon ang mga ari-arian na binenta niya sa’yo?” tanong ko. “Kapag ginawa ko ‘yan, magdududa siya. For now, magtago ka na lang muna. If you need anything, just tell me.” “Thank you, Spade! Thank you, talaga!” Sabi ko sa kanya. “You’re still gonna work. But you’ll work for me, online. Same with your studies.” Nakahinga ako ng maluwag. Pero naalala kong wala nga pala akong gamit para roon. “Wala kasi akong gamit—” “Don’t worry, ako ang bahala. I’ll have it delivered through your friend this evening.” “Thank you, Spade.” “Enjoy your long vacation, Mrs. Ruston.” Pagkasabi nun ay ibinaba na niya ang tawag. Hindi ko naman mapigilan ang magiging masaya dahil sa kaisipang nakaalis ako mula sa puder ni Landon. Siguro dahil sa kaisipang gusto ko talagang magtago mula sa kanya. Gusto kong magtago dahil ayaw kong harapin ang katotohanan. Pero tama ba na umalis akong hindi man lang inayos ang lahat sa pagitan naming dalawa? Tama ba na takbuhan ko ang katotohanan? Tama ba na takbuhan ko ang asawa ko? “Ang lalim naman ng iniisip mo. Heto,” si Ariel. May dala itong dalawang tasa ng kape. Ang isa ay inabot niya sa akin na agad ko naman na tinanggap. “Hindi na muna ako uuwi ngayon.” Nanlaki ang kanyang mga mata. “Bakit?” “Hindi ko siyang kayang harapin. Hindi na muna sa ngayon.” Sabi ko. “Ang trabaho mo… ang pag-aaral mo—” “Nakausap ko na ang boss ko… siya ang tutulong sa akin.” Sinabi ko na rin kay Ariel ang napagkasunduan naming dalawa ni Spade. Gulat ang rumehistro sa kanyang mukha pero kalaunan, agad niya naman itong binawi. Alam kong padalos-dalos ako sa naging desisyon ko, pero wala na akong magawa pa. Nakapagdesisyon na ako. Hindi na muna ako babalik. At sana sa aking pagkawala, malalaman ni Landon kung ano ba talaga ang gusto niya. Sana ma-realize niya kung dapat nga ba siyang manatili sa piling ko, o kung ipaglaban niya ang pagmamahal niya para kay Ingrid. Kasi, aminin man natin o hindi, mahal pa rin niya ito. Habang ako, pinakasalan nga pero hindi ko naman pag-aari ang puso niya. Marriage for convenience. Magandang solusyon para sa kanya… pero paano naman ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD