Chapter 22

1174 Words
“Hoy! Okay ka lang? Kanina ka pa nakatago diyan.” Mahinag sabi ni Ariel sa akin. Nakatago pa rin ako sa likod niya. “Nakikita niya ba ako?” Tanong ko sa kanya. “Ha? Sino ang tinutukoy mo?” “‘Yung amo ng boyfriend mo at pinsan niya,” sabi ko para hindi siya magdududa. “Paano ka makikita nil? Eh panay dikit ka sa likod ko? Tsaka, mukhang nagmamadali, hindi nga tayo tinapunan ng tingin. Mukhang masungit! O baka hindi lang talaga mahilig sa babae.” Sabi nito. Hindi siya masungit. Gusto kong sabihin ang mga katagang ito sa kanya pero hindi ko masabi. Baka magtaka kung bakit ko alam at kung bakit, parang pinagtanggol ko na ang lalaking ‘yun. Dalangin ko na sana, hindi niya ako nakikita. Hindi ko alam ang gagawin kung sakaling nakikita niya man ako. Kung sakaling nakita niya man ako, hindi ako pwedeng magtagal dito. “Kailangan kong umuwi sa bahay mo.” Sabi ko sa kanya. Hindi ko rin pwedeng sabihin na nariyan ang asawa ko at baka ipagkalat pa niya sa iba. “Ha? Bakit? Naku! Baka mamaya pa kami makakauwi nito, Veronica.” “Mag-aabang na lang ako ng taxi sa labas.” Sabi ko na lang, kahit na natatakot talaga akong sumakay mag-isa. “Sure ka? Kaya mo ba?” Tanong nito. Tumango ako. “Oo, ako pa!” “S–Sige, ihahatid na kita sa labas.” Sabi niya. Umiling ako. “Huwag na! Kaya ko naman.” Sabi ko. Dali-dali akong umalis mula roon. Sa labas, pumunta ako roon sa medyo madilim na lugar at tinawagan si Spade. “What is it, Veronica?” “Tulungan mo ako… narito ako sa isang hotel. Narito na rin si Landon. Hindi ako sigurado kung nakikita niya ako. Pakiramdam ko ay hindi,” “The hotel was owned by my brother. How’d you get there?” “Dito kasi nagtatrabaho ang partner ng kaibigan ko. Basta, mahabang storya… tulungan mo muna akong makaalis mula rito.” Sabi ko. Narinig ko ang pag-buntong-hininga niya. “Okay. My friend Hiro is on his way to get you.” Sabi niya. “Wait until he gets out of the car, before you come out wherever you are right now. I need to hang up now, Maya's here.” Sabi nito at ibinaba ma ang tawag. Hindi man lang hinintay ang sasabihin ko. Hinayaan ko na lang. Maya-maya lang ay may pumaradang sasakyan sa harap ng hotel. Bumaba roon si Hiro, ang kaibigan ni Spade. Oo, kilalang-kilala ko siya. Sumandal ito sa sasakyan, mukhang hinihintay ang pagdating ko. Tinitignan ko muna ang paligid bago ako pumunta roon sa kinaroroonan niya. Sinisigurado ko rin na walang ibang taong nakakita sa akin. Napansin niya naman agad ako, kaya binuksan niya ang pinto ng sasakyan. Pumasok naman agad ako roon. “Hi,” bati nito nang makapasok na siya ng sasakyan. “Hi.” Matipid kong sabi. “I’m Hiro. Nice meeting you again, Veronica.” “Ako rin.” Sabi ko sa kanya. Tahimik lang ako buong biyahe. Hinihintay ko na magtanong siya kung saan ako uuwi pero hindi siya nagtanong. Sa halip, bigla na lang siyang huminto sa isang hindi pamilyar na bahay. Kanino to? “Dito ka na titira mula ngayon.” “Kaninong bahay ‘to?” Tanong ko sa kanya. “Sa akin.” Sabi niya. Nanlaki ang mga mata ko nang matanto ko kung ano ang ibig niyang sabihin. “Dito ako titira…” Tanong ko sa kanya. “kasama ka?” dagdag ko pa. Sinisigurado ko kung tama ba ang pagka intindi ko sa sinabi niya. “Yeah. You'll be living with me, as Spade said.” “Pero ang mga gamit na pinahiram ni Spade sa akin, nandoon sa bahay ng kaibigan ko.” “Ako ang bahalang kukuha no’n. Don't worry.” sabi niya. “Feel free here, Veron.” Sabi pa niya. Veron? Pinaikli niya lang ang pangalan ko. Napa buntong-hininga na lang ako pag-alis nito. Ano ang naisip ni Spade at pinaitira niya ako sa bahay ni Hiro? Baliw ba siya? Pero wala akong choice, kundi ang sumunod sa gusto niya. Ayaw ko na munang bumalik kay Landon. Tinampal ko ang aking noo. Kinabukasan, tinupad ni Hiro ang sinabi niya kagabi. Dinala niya ang mga gamit ko mula sa bahay Ariel. Sigurado akong nag-aalala na ang babaeng ‘yun kung nasaan ako. Ite-text ko na lang siya mamaya. Ngayon, nandito ako sa malaking sofa, nakaupo habang humihigop ng isang tasang gatas. “Bakit mo nilayuan si Landon?” biglang tanong ni Hiro. ‘Kasi may kahalikan siyang iba kahit kasal na siya sa akin!’ sigaw ko sa isipan ko. Chismoso rin pala ‘tong isang to. “May mga bagay na kailangan kong mabigyan muna ng linaw… mukhang hindi pa kasi siya sigurado sa ibang bagay, kaya kailangan muna niyang timbangin kung anong mas mahalaga sa kanya. Sa desisyon niya ngayon, mukhang nag padalos-dalos kasi siya.” Sabi ko. Totoo ang sinabi ko. Gusto ko lang din tulungan si Landon na mahanap kung ano ba ta ang mas mahalaga sa kanya. Ako ba o si Ingrid. Ayaw kong piliin niya ako dahil lang, ako ang nariyan para sa kanya. Gusto kong piliin niya ako dahil gusto niyang ako ang kanyang makasama. Guso ko ring malaman kung hanggang saan ang kaya kong gawin para sa kanya… kung hanggang kailan ko siya kayang ipaglaban. Mapapagod kaya ako? Kung masasaktan lang din ako sa huli, okay lang. Sanay naman akong laging nasasaktan. Ang importante ay magiging masaya siya sa desisyon na pipiliin niya. “Hindi naman natin siya mapipilit kung gusto niyang mag padalos-dalos. Nasaktan na siya kaya… naiintindihan ko rin siya na… ikaw ang pinili niya.” Sabi nito. Akala mo naman, alam talaga niya ang buong pangyayari. “Basta… pipiliin ko pa rin ang hindi magpakita sa kanya.” “Hanggang kailan ka hindi magpapakita sa kanya? Huwag kang maging duwag, Veron. Hindi ka makapagtago habambuhay. Darating ang araw na matatagpuan ka niya. Darating ang araw na kailangan mo siyang harapin.” Sabi niya. Natatakot ako. Sana hindi dumating ang araw na ‘yun. Kung may kapangyarihan lang ako, ginamit ko na ito para maglaho o di kaya ay kalimutan siya hanggang sa mawala ako dito sa mundo. “Kung kailangan mo ang tulong ko… sabihan mo lang ako. Pwede akong magpanggap bilang… ibang lalaki mo.” Seryoso niyang sabi. Halos mabilaukan ako sa pandesal na kinain ko ngayon. Ang bibig ng lalaking ito! Wala talagang ka preno-preno! Halos gusto ko siyang batuhin nitong hawak kong isang tasa ng gatas. Kung hindi lang talaga niya ako tinulungan kagabi, matagal ko na talaga siyang binato. Pero sa bagay, mukhang maganda ang suhestiyon niya. Napangiti ako. Mabuti na lang at siya mismo ang nag-suggest ng ideyang ‘yun. Mukhang magagamit ko ‘yun balang araw, kapag nagkikita kaming dalawa ni Landon. Kung may ibang babae siyang mahal… pwede rin naman akong magpanggap na may iba rin akong mahal. Tama!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD