Amara the Dreamer Episode 2

1315 Words
" SAAN mo kinuha ang perang ito?" Takang tanong ng kanyang ina ng e-abot niya rito ang pera, nang makauwi siya sa kanila. “ Hindi na mahalaga nay, kung saan iyan galing ang importante may pang bili na tayo ng gamot para kay Junjun." Tugon niya. Hindi na niya hinintay ang ina mag sasalita, nagpaalam na siya rito matulog na. Mag alas-dos na nang madaling araw. Papasok pa siya bukas nang maaga kina Edward. ANTOK na antok pa siya kinabukasan, ng magising siya ilang oras lang ang tulog niya. Pinilit niya ang katawan bumangon para magtrabaho. Agad niyang tinungo ang kanilang maliit na kusina para mag sipelyo at maghilamos nang makaalis na. Inisip niya doon nalang siya maligo sa bahay nang amo. “ Inumaga ng uwi si sir Edward? Grabeng partehan na iyan.” bulong niya sa sarili nang matanaw ito mula sa di-kalayuan, nagbukas nang gate para ipasok ang sasakyan nito. Mabibilis ang kanyang mga hakbang na lumapit rito.“ Good morning sir.” bati niya nang tuluyan siyang makalapit. Ngumiti lang ito sa kanya at pumasok narin ito sasakyan para ipasok sa loob nang gate. “ Kahit ngiti lang solve na talaga ako.” aa kaloob-looban niya, nakatayo sa gilid nang gate hinintay makapasok ang sasakyan nito. Agad niya sinara ang gate ng makapasok na ang sasakyan ng amo. “ Amara, pwedi mo ba akong ipagtempla nang kape?” pakiusap ni Edward nang makababa mula sasakyan. “ Sure!” mabilis niyang tugon at tumalima papunta sa kusina. Kinuha niya ang tasa at ang kutsarita mula sa loob ng kabinet. “ Hmm...isang kutsarita nang pagmamahal.” sa isipan niyang sinalok ang kape, gamit ang kutsarita. “ At isa pang kutsarita matamis na pagmamahal.” nakangiti niyang sabi sa sarili. “ Madiabites ka talaga sa akin pag ako ang mamahalin mo dahil puro mamatamis na halik at yakap ang ibibigay ko sa iyo.” hindi na niya mapigil ang kilig. “ Ayos ka lang ba riyan Amara?" “ Ay kabayo!” tili niya nang bigla mag salita si Edward mula sa kanyang likuran. Muntikan pa niya mabitawan ang hawak niyang garapon nang kape. “ Sir Edward, naman nagugulat po ako sa'yo eh!” nakangiti niyang sabi rito. Napangiti rin ito sa nakikita reaction sa hitsura niya.” Did I make you jumped?” “ Bakit ba parang musica sa taenga ko ang boses niya?” “ Oo, muntikan ko pa tong mabitawan tong tasa.” nakangiti pa!rin niyang sabi. “ I’m sorry” sabi nito saka ngumiti itong muli na nagpapalitaw sa mapuputi at pantay nitong ngipin. Pakiramdam niya natutunaw na siya sa mga ngiti nito, kunti nalang hindi na niya mapigilan ang sarili kiligin sa harapan nito. “ Ito na ang kape mo, puno iyan nang pagmamahal ko.” sabi niyang inabot ang tasa rito “ Ano ang sabi mo?” ulit nito nang hindi masyadong marinig ang sinasabi niya. “ Heto na ang kape mo, hawakan mo ng maigi, puno pa naman iyan nang pagmamahal ng mommy mo iyang tasa na iyan.” alibi niya tinuro ang hawak ng binata tasa. Nginitian siya nito, bago siya tinalikuran. Gusto niyang magtitili sa subrang kilig ng mga sandaling iyon dahil sa tuwa kinakausap siya nito ng matagal at ngumingiti pa ito sa kanya. “ Hays! Ang guwapo talaga sarap, magpalunod ng halik at magpakulong sa malapad nitong dibdib” Ngumuso siya na animo’y hahalikan ang binata nakaupo sa sofa, nakatalikod sa kanya. Pinag ekis niya ang kanyang mga braso sa dibdib. “ Hanggang yakap at halik sa hangin nalang ako sayo, sir Edward!" bulalas niya sa sarili at sinundan niya nang pagbuntong hininga. " SAAN niyo nakuha yong babae sumasayaw pare?" tanong ni Edward kay Steve ng puntahan siya nito sa kanila. Nakaupo silang magkaibigan sa metal na swing sa labas nang kanilang bahay. " Kakilala 'yon ng kaibigan ko, bakit mo naitanong?" ani Steve na pinagalaw ang swing. " Pare ang ganda ng katawan, subrang sexy, gusto ko siyang makilala." masigla niyang sabi. Simula nang makita ang babaeng iyon, hindi na nawala sa isipan niya ang magandang hubog nitong katawan.” Kay sarap yapusin ng yakap.” hiyaw ni Edward sa sarili “ Gusto mo iyon?” “ Gustong gusto! Parang ayaw na nga niya akong hiwalayan sa isipan eh! Siya nalang ang laman.” nakangiti niyang sabi. Nakatingin lang siya sa babaeng nagsasayaw pero pinukaw nito ang pagka lalaki niya. " Sa Birthday mo kukunin natin iyon." Nakangisi tugon ni Steve Tumahimik sila nang makita si Amara, naglakad palapit sa kanilang kinaroonan. Bitbit nito ang tray na may nakapatong na dalawang baso may laman juice. " Amara ang magandang babae!” natatawang bati ni Steve ng tuluyan lumapit ang dalaga sa kanila. “ Hi! Steve.” bati ni Amara rito. “ Salamat, Amara.” aniya sa dalaga at kinuha ang baso nang juice mula rito. Iyon lang ay tumalikod narin ito sa kanila. “ Pare, bakit hindi mo nililigawan si Amara?” tanong ni Steve sa kanya, ng makalayo ang dalaga sa kanila. “ Luko ka talaga, pag diskitahan muna nanaman niyan si Amara.” saway niya rito. “ Hindi naman pangit si Amara ah, maganda naman siya.”giit ni Steve. Maganda naman talaga si Amara, kaya lang lagi itong nakasout nang mga loose na damit at minsan paulit-ulit ang mga sout nito. Na to-turn off siya sa mga ganong ayos. Kung sa pagandahan, panalo naman si Amara kulang lang talaga ito sa ayos. “Pinag-isipan talaga!” natatawang tukso sa kanya ni Steve nang matahimik siya. “ Sira ulo ka talaga! Lubayan na nga natin yan si Amara.” natatawa niyang saway sa kaibigan. “Diba sexy naman si Amara? Tignan mo kung maglakad parang sasali sa miss universe.” ani Steve, nakatingin kay Amara naglakad papunta sa gate. “Baka marinig ka niyan.” saway niya rito nakatingin pa rin kay Amara. “ Kaya lang 'yong ka soutan niya lang ang problema.” dagdag nito ininom ang juice na tenimpla ni Amara. “Baka inlove ka kay Amara, kaya siguro napadalas yang pagpunta mo rito sa bahay, para makita mo si Amara.” balik niyang tukso rito. “ Wag muna inumin yang juice itago mo iyan, bilang survenir. Gawa pa naman 'yan nang mahal mo.” natatawa niyang sabi kay Steve. Ibinaling niya ang paningin kay Amara, na no'y inayos ang basura sa tabi nang gate. HINDI sadyang napatingin si Amara, sa gawi nina Edward, nagsalubong ang kanilang paningin ng binata. Bahagya siyang ngumiti rito, pero agad din nitong binaling ang paningin sa kaibigan nakaupo sa harap nito. Lalo siyang humanga, sa amo kahit simple lang ang sout nitong puting sando at itim na shorts lalo itong gumuwapo. “ Hay, naku Amara, tigilin muna ang kaka-illussion kay Edward. Hindi ka makuhang mahalin niyan dahil sa katulong ka lang.” saway niya sa sarili Naglakad siya palapit sa dalawa para kunin ang baso. “ Hindi na ako makapaghintay na makilala ang babaeng iyon.” narinig niyang sabi ni Edward, bago pa siya nakalapit rito. “ Hintayin mo nga sa birthday mo, gusto mo e advance natin yang birthday mo?” natatawang sabi ni Steve “ Ahem!” Tumikhim siya nang makalapit siya sa dalawa.“ kukunin ko lang ang baso.” nahihiya niyang sabi “ Salamat, Amara!” halos magka sabay na bigkas nang dalawa lalaki. Nginitian niya lang ito at tumalikod na siya. “Ang galing niya talaga gumiling eh, napapahanga niya ako ng husto, gustong gusto ko talaga siyang yakapin.” Muntikan niyang mabitawan ang hawak niyang baso sa narinig mula kay Edward. “ Hindi na talaga ako makapaghintay sa birthday ko." excited pa nitong sabi. “ Ano ulit iyon, kukunin nila ako sa birthday ni sir Edward?” ulit niyang tanong sa sarili. “ Paano kaya pagnalaman niya ako 'yong nagsasayaw? Magugustuhan pa kaya niya ako? Ano kaya ang magiging reaction niya?” sunod-sunod niyang tanong sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD