Episode 3

1114 Words
Napalingon si Natalie sa nakabuntot sa kanya.Kahit ilang beses ko na siyang sinabihan na huwag susunod sa akin lalo kapag uwian pero hindi naman sumusunod. Mas ahead siya sa amin ni Sherry pero iisang school lang kami.   Hinarap ko siya.   “Hindi ba sinabi ko na sa iyo na huwag mo na akong sundan kapag uwian? Kapag nakita ka ni Kuya Axel or ni Tatay pagagalitan ako!” inis na sabi ko.   “Bakit ano naman masama kung ihahatid kita?” inirapan ko siya. Wala pa talaga sa isipan ko ang magpaligaw. May mga crushes ako pero hanggang doon lang. Bata pa ako tsaka magagalit si kuya at tatay.   " Huwag ka ng sumunod sa amin puwede ba? Kahit ano pang sabihin mo ayoko nga!" naiiritang sabi ko. Nakakainis siya.   " Ihahatid na kita sa inyo Natie. Please?" pagmamakaawa niya. Ang kulit niya talaga. Nangamot ako ng ulo wala naman akong magawa ang kulit kasi.   “Okay sige na nga! Pero huwag mo akong sisisihin kapag nakita ka ni Kuya Axel hindi kita ipagtatanggol!” sabi ko ng may pagbabanta. Napangiti si Daniel.   “Promise!” Pumayag na lang ako. Kasama ko naman si Sherry.   " Pinapaalalahanan kita huwag kang magsasabi kila kuya or kay tatay na nililigawan mo ako. Sabihin mo na sumabay ka lang sa amin. Magagalit sila sa iyo baka ipapulis ka pa nila!" pananakot na sabi ko.   "Okay, promise wala akong sasabihin." tinaas pa ang kanang palad na nagpa-promise.   " Daniel bakit ba nanliligaw ka na kay Natie. Ang bata-bata pa natin para sa ganyan. Hello, elementary pa lang tayo." binelatan ni Sherry si Daniel.   " Bakit ano naman pakialam mo? Bakit ikaw ba nililigawan ko.?" masungit nitong sagot kay Sherry. Sumama ang mukha ni Sherry sa inasal ni Daniel.   " Isusumbong kita sa kuya ni Natie. Tingnan lang natin kung saan ang tapang mo" inirapan niya ito. Napapailing na lang ako sa dalawa.   Inaya ko ng maglakad si Sherry habang si Daniel nakasunod lang sa amin. Bahala siya kapag nakita siya ni tatay at lalo ni kuya.   *** "Anak nariyan na ba si Natie? Aba'y wala pa? Dapat alas-singko narito na iyon?"sabi ni nanay habang nagluluto na ng hapunan namin. Lumapit ako sa tabi ni nanay habang pinapanood siyang magluto. Ang bango naman ang adobong baboy. Favorite ko ito mapaparami ang kain ko nito.   Sumandal ako sa lamesa.   " Baka po naglaro pa iyon Nay. Alam mo naman ang dalawang iyon. Aabangan ko na lang po sa labas." sabi ko.   “Mabuti pa nga.” sabi ni Nanay. Lumabas na ako para pumunta sa labasan. Baka parating na ang mga iyon. Tinanaw ko ang kalsada. Nangunot ang noo ko ng makita ko sila Natie at Sherry na may kasamang batang lalaki.. Ayokong isipin na nanliligaw ang batang lalake na ito.   " Natie bakit ngayon ka lang umuwi? Uwian pa ba ‘yan ng matinong bata?" sabi ko. Medyo pagalit pa nga ang pagkakasabi ko.   " Kuya alas singko pa lang naman, ah? Tsaka naglinis pa kasi kami ng room, eh. Cleaners kami hindi ba Sherry?" Kinalabit niya si Sherry at tumango ito. " Hoy bata sino ka?" tanong ko sa batang lalaki nasa likuran nila. Lumapit ako. Yumuko ako para tingnan ang bata Hanggang kili kili ko lang siya. Tiningala niya ako. Para tuloy akong higante. Ako si Goliath siya naman si David.   " A-ako p-po si Daniel school mate p-po nila Natie. Na-nakisabay lang po ako sa kanila" nauutal na sabi ng batang lalaki. Namutla ang hitsura niya dahil sa takot. I smirked . Mukhang natakot yata sa akin. Dapat lang hindi pa puwedeng ligawan ang kapatid ko.   "Umuwi ka na at ayoko malalaman na nililigawan mo itong kapatid ko kung hindi patay ka sa akin" pagbabanta ko sa kanya. Mukhang natakot naman ang mokong namula ang mukha nito. Biglang nagsalita si Sherry.   "Alam mo kuya nanlili...." naputol ang sinasabi niya ng tinakpan ni Natie ang bibig ni Sherry.   " Umuwi na nga kayo!" pagtataboy sa kaibigan niya.   " Sherry ano ang sinasabi mo? Natie huwag mong takpan ang bibig ni Sherry. May inililihim ka ba?" tanong ko sa kapatid ko.   "Kuya wala naman iyon, eh" ngumuso ang kapatid. Cute talaga ng kapatid ko. Kaya hindi ako magtataka kahit nasa elementary pa lang marami ng nagkaka crush sa kanya.   "Kasi kuya siya po oh?" tinuro ni Sherry ang batang lalaki na nasa harap ko. "Nililigawan niya po si Natie. Eh ayaw naman ni Natie sa kanya. Pero mapilit pa rin siya." pagsusumbong ni Sherry. Maganda rin si Sherry hindi sila nagkakalayo ng ganda ni Natie. Makulit lang at super daldal na bata.   "Totoo ba ang sinasabi ni Sherry, Natie?"galit na sabi ko. Nakakunot na ang noo ko. Biglang tumakbo ang batang lalaki. Natakot sa akin.   " Takot naman pala akala mo ang tapang tapang kanina" natatawang sabi ni Sherry sabay turo sa batang si Daniel. Sumimangot si Natie at pumasok na sa bahay namin. Ayaw na ayaw niya kasing pinapagalitan siya sa harap ni Sherry. Isang kahihiyan raw para sa kanya iyon.   " Sherry bantayan mong maigi ang batang lalaki na iyon. Ha? Huwag mong palalapitin kay Natie. At sabihin mo na lagot siya sa akin kapag nalaman ko na nanliligaw pa siya kay Natie." sabi ko kay Sherry.   "Opo kuya dont worry akong bahala sa kanya. Sige kuya uuwi na ako baka hinahanap na ako ni Mama eh." paalam nito.   “Okay.” lumaway siya at gayon rin ako.   Napasilip si Natie sa bintana. Inis na inis siya sa Kuya Axel niya. Napahiya siya dahil pinagalitan siya sa harapan ni Sherry.   Pumasok sa loob ang Kuya Axel niya.   “Oh, bakit ganyan ang nguso mo parang aabot na hanggang sahig sa haba” sabi ng Kuya Axel niya.   “Isusumobong kita kay Tatay! Pinapagalitan mo ako sa labas. Hindi naman nanliligaw sa akin iyon! Sumabay lang siya sa akin!” inis na sabi ko.   “ Sa palagay mo maniniwala ako sa alibi mo Natalie? Lalaki ako kaya alam kong may gusto sa iyo ang batang iyon. Napaka bata mo pa para magpaligaw. Sampong taong gulang ka palang Natalie. Okay sana kung 18 years old ka na. Puwede ka ng magpaligaw. Pero sa ngayon bawal muna kahit crush.” mas lalong sumama ang mukha ko sa sinabi niya. Paano na si Kuya Cliff crush ko pa naman iyon.   “Bakit pati crush bawal?” reklamo ko.   “Dahil bata ka pa. Dahil ang crush mapupunta iyan sa love kaya bawal. Kapag nalaman kong may crush ka humanda sa akin kung sino man iyon!” tinalikuran niya ako.   “Kuya naman!” inis na wika ko. Grabe naman pati crush bawal? Paano na siya?Copyright © 2021 by coalchamber13                
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD