Chapter 3

838 Words
---------------------------------------------------------------------------- Xavier's POV "Mas mabuti ng ikaw mismo ang makaalam sa sarili mo kung ano ang ibig naming sabihin." sagot ni Ezekiel sakin. "At sinisiguro ko sayo na kakampi mo kami." Seryosong sabi nya sakin habang nakatitig sa mga mata ko. Nakakailang ang ginagawa nya kaya hindi ko sya magtignan ng derecho. "Pero anong reason nyo bakit nyo ako tinutulungan?" Matagal na nakatingin ang mga ito sa akin at tila naghihintayan kung sino sa kanila ang sasagot. "Kailangan ba ng dahilan para lang tumulong?" Tanong ni Ezekiel sakin. "Hindi, pero sa ganitong sitwasyon ay alam ko na may dahilan kayo." Sagot ko naman sa kanya. Sa sinabi kong ito ay napabuntong-hininga na lamang sya.  "Kami ang mga ilan sa mga demonyong gustong pumigil sa nalalapit na digmaan. May sarili kaming pananaw." Seryosong pagsasabi ni Ezekiel sa akin.  "Hindi tayo pwedeng manatili ng matagal sa lugar na ito." Putol ni Aera sa pag-uusap namin ni Ezekiel. Kahit na nagugluhan ako ay tumango na lamang ako sa sinabi nito at alam ko din naman sa sarili ko na delikado nga talaga.  "Eh san na tayo pupunta pagtapos dito?" Takang tanong ko sa kanila. Tumayo na din ako sa pagkakahiga ko sa kama at nakatinging mabuti sa kanilang lahat. "Hahanapin natin ang mga lagusan." Naramdaman ko ang pagbulong ni Ezekiel sa aking tenga kaya naman agad akong lumayo sa kanya.  "Anong lagusan?" Tanong ko sa kanya. At ang loko lalapit pa yata talaga sa akin. "Sandali wag ka ng lumapit. Dyan mo na lang sabihin." Pigil ko sa kanya. "Huh? Hindi naman ako lalapit sayo." Naka-kunot nong sagot ni Ezekiel sakin. Sus, hindi daw. sapakin ko to eh. Ewan bakit ako biglang kinabahan.  "Anong lagusan ba sinasabi mo?" tanong ko ulit kay Ezekiel "Lahat ng mga alagad ng dilim, mula sa pinakamababang antas hanggang sa mga pinakamatataas na antas ay mga naghihintay na lang sa pagsalakay dito sa mundo nyo. At ang isa sa magagawa natin ay isara ang mga lagusan na pwede nilang daanan." mahabang sagot ni Ezekiel sakin. Napaisip ako ng malalim sa mga sinabi nya, pinakamababa hanggang sa pinakamatataas na anta? Ano ibig sabihin nun? Naputol ang pag-iisip ko ng magsalita si Jericho. "Kailangan na nating umalis at kung handa ka na, kainin mo na yang pagkain at magpalit ka na ng damit." sabi nito habang sa akin nakatingin. "Ah o..oo handa na a..ako." Kandautal kong sagot. "Sige lalabas na kami." pagpapaalam nila sa akin at lumabas na ng kwarto. Habang si Ezekiel naman ay naiwan at nanatiling nakatayo lamang sa harapan ko. "Ba..bakit?" kinakabahan kong tanong sa kanya. Pero nakatitig lang ito sa akin at hindi gumagalaw. "Tss." asar na tugon nito sa akin at bigla na lang akong tinalikuran at lumabas na ng kwarto. Naiwan naman akong tulala sa inakto nya, anong problema nung kumag na yon? "Magpapaiwan dito para lang magsungit? Ayos ah." Asar na sabi ko sa sarili ko at tumuloy na sa banyo para maligo. Nakatapos na akong maligo at nakakain na din ako kaya naman minabuti ko ng lumabas ng kwarto. Naabutan ko naman si Aera at Jonathan na nag-uusap habang si Jericho at Ezekiel ay nakaupo lamang. "Handa na ko." Sabi ko sa kanila at sabay-sabay naman silang napalingon sa akin.  "Kung ganun aalis na tayo." sagot ni Aera sa akin. "San ang una nating pupuntahan?" Tanong ko naman sa kanila. "Pag-uusapan natin yan pag nakaalis na tayo dito." Si Ezekiel ang sumagot sa akin. Kaya naman lumabas na kami ng tinutuluyan namin na bahay, kung sino man ang may-ari nun. At laking gulat ko ng makita ko na nasa dalampasigan kami. "Rest house yung tinuluyan namin kun ganun." Sabi ko sa isip ko. Naglalakad na kami at medyo may kalayuan na din ang nararating namin. Bigla na lang akong napatigil sa naisip ko. "Teka teka nga. Maglalakad lang ba tayo o commute? Di ba mga demonyo kayo? Pwede bang--" hindi ko na natapos ang mga sasabihin ko dahil bigla na lang nagsalita si Gregory. "Kapag ginamit namin ang mga kapangyarihan namin sa palagay mo ba makakatagal ang katulad mong mortal?"  "Ah ok fine." Sagot ko nalang at nagpatloy na sa paglalakad. "Bakit napapagod ka na ba?" Bigla na laman nagtanong si Ezekiel sakin habang patuloy sa aming paglalakad. "Hindi naman, kaya ko pa naman eh." Nakangiti kong sagot sa kanya. "Sya nga pala Ezekiel may itatanong ako sayo." pahabol kng sabi sa kanya. "Ano yun?" Tanong nito. "Bakit ka nga pala pumasok sa school eh hindi mo naman kailangan?" tanong ko habang nakatingin sa kanya. "Ah yun ba, ano kasi, ahm eh.. Tss." Sagot nito. "Huh?" Naguguluhang tanong, ewan ko kung guni-guni ko lang ba na nakita ko sya na nalilito sa isasagot at parang namula.  Hindi ko na lamang sya tinanong ulit at nagpatuloy na kami sa paglalakad. Medyo malayo na ang nararating namin pero hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam kng saan parte na ba ng pilipinas kami ngayon naroroon o baka mas magandang sabihin eh kung saang parte ng mundo ba kami pupunta. ------------------------------------------------ itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD