Chapter 2: Emerald City

1500 Words
Xavier's POV "How about the Client that I assigned you? Siguraduhin mong makukuha mo yun Xavier, don't let me down on this malaki ka na ang tagal mo ng nagha handle ng company I'm expecting a lot from you. You better do this right." "Yes dad." "Haven't I told you!? Kapag nasa office tayo don't call me just dad, call me sir I'm still the overall CEO of these companies including yours!" "Yes, sir." Lumabas ako ng opisina ng "dad" ko na dala dala pa din ang bigat ng mga nangyayari! Dang it! Dapat kasi last week ko pa inasikaso yung project proposal for the client! "EVERYONE, GET BACK TO YOUR CUBICLES! HINDI KAYO NAGTATRABAHO AT SUMASAHOD PARA SA CHISMIS, KUMG GUSTO NYO PANG MATAWAG NA EMPLEYADO DITO, UMAYOS AYOS KAYO!" Ang stress na pinapasa sa akin ng daddy ko ay naipapasa ko sa mga employee ko pag balik ng office. I guess that's how you really are going to live your life kapag nasa iyo na lahat ng pasanin sa mundo. I can't believe na hindi na ako nakapag aral just because I had to be a freaking CEO! Mas mabuti pa sigurong mag palamig muna. I'm here sa favorite spot ko sa aking bahay. Yes umuwi ako, bakit? Kasi ako naman ang nagmamay-ari ng kumpanya na yun kaya kong gawin ang lahat ng gusto ko. Inilaan ko talaga ang kwartong ito para makapag relax ako ng hindi nakikita ng iba, ah oo nga pala wala naman makakakita dahil ako lang naman ang tao sa bahay. Yes wala akong kasama, pero plano kong kumuha ng bagong kasambahay, lahat kasi ng mga nauna dito hindi naman kayang sikmurain ang pagiging maarte ko, yes aware ako sa mga issues ko when it comes to socializing. It sucks to be seen as someone na wala naman akong choice kung hindi maging ako. Everyday at work drained ako, I can't keep up with my dad's standards, I can't talk to my mom for several reasons. What a life! Aida's POV Malapit na ang graduation namin! Excited na ako dahil sa wakas ay papasok na ako sa kolehiyo, sabi nila ay mahirap daw pero sa tingin ko naman ay kakayanin ko, ako na ata 'to oh! "Bonik! Tara na!" Ito na naman ako sa pag tawag sa kanya na para bang araw araw na lang! Huling linggo na ito ng pasok namin, lahat ng hindi pa nakakapagpasa ng kanilang requirements ay dapat ng mag asikaso, buti na lang kami ay tapos na. "Tara na Aida! Ready na ako, tapos mo na ba mga requirements mo?" "Oo naman, kahit na marami akong ginawa sa bahay di ko naman nakalimutan yun noh." "Mabuti naman, nasabi mo na ba sa mga magulang mo na sabay tayong papasok sa kolehiyo sa susunod na buwan? Bukas na raw admission para sa kolehiyo sa bayan eh." "Wow? Talaga? Ang aga naman, sa totoo lang wala pa kasi akong nababanggit sa kanila Bonik eh, pero after graduation baka masabi ko na din sa kanila." Plano na namin ni Bonik na magkasama kaming papasok sa paaralan sa bayan, ngayong gagawan ko na lang ng paraan kung paano ako makaka survive sa hamon ng college life. Mabilis na lumipas ang mga araw at practice na namin para sa graduation. Ito na ang huling beses na magkakasama kaming lahat sa iisang lugar, balita ko kasi sa mga kaklase ko ay lilipat sila sa bayan para doon na manirahan, ang iba naman daw ay kukuha na lang ng boarding house para hindi magastos sa pamasahe. Hindi na ako nagulat sa mga plano nilang yun dahil kahit papano ay nakaka angat angat naman sila sa buhay, minsan kapag ganoon ay hindi ko maiwasan na mainggit, pero ano ba namang magagawa ko? Ako na ata ang higit na sinumpa eh, panganay na sa magkakapatid, anim pa kami tapos wala din naman na stable na trabaho ang taytay ko. Tanging sa pangarap ko na lang ako kumakapit. "Aida Basbas, With High Honors." With High Honors lang ang inabot ng grades ko ngayong taon. Sayang dahil kaunti na lang ay abot ko na ang Highest Honors, pero baka hindi lang talaga para sa akin ang award na yun, masaya na akong mayroong medalya, baka sakaling makumbinsi ko pa ang mga magulang ko na pag aralin ako sa bayan. "Benedict Dimaculangan, With Highest Honors." Magaling talaga yan si Bonik, noong bata pa lang kami ay pinapakitaan nya na ako ng kanyang katalinuhan. Minsan nga kung ano ano na lang ang sinasabi nya kahit di ko na maintindihan ay lagi ko naman syang pinapakinggan. "Tara na Aida, umuwi na tayo tapos na raw practice oh!" Ano sa tingin mo kung wag muna tayong umuwi? Tambay muna tayo sa dati nating tambayan? Sigurado ka ba? Hindi ka ba hahanapin ng naynay at taytay mo? Oo, kahit ngayon lang. Naglakad na kami papuntang bukirin. Mayroon kaming tinayong tree house doon at sadyang nakalaan lamang iyon para pag tambayan naming dalawa. Ano ba yun? Eh nag aaya ka lang naman dito kapag may iniisip ka? Sus Bonik kilala mo na talaga ako ano? Pero tama ka naman. Malalim nga ang iniisip ko. Tungkol sa? Tungkol sa kolehiyo. Hindi ko pa din kasi masabi kila naynay eh. Baka kasi hindi sila pumayag. Bakit naman hindi sila papayag? Magaling ka Aida, masipag ka din mag aral at saka kasama mo ako? Hindi pa ba sapat yun? Alam ko naman yun, kaso lang ay iniisip ko ang pera, baka yun din ang maging hadlang. Aida tutulungan kita, hayaan mo akong tulungan kita. Salamat Bonik, sige sasabihin ko pagkatapos ng graduation natin bukas kila naynay. Kinaumagahan ay naghanda na kami para sa seremonya sa eskwelahan ng aming pagtatapos. Buti na lang at uniporme lang ang kailangang isuot kung hindi ay hindi na ako pumunta sa hiya. Aida Basbas, With High Honors. Congratulations anak, proud na proud kami sa'yo! Nakauwi na kami sa bahay at pagkatapos nito ay balak namin ni Bonik na pumunta sa tree house, hula ko ay nauna na sya doon. Habang nasa hapag ay iniisip ko na kung anong sasabihin ko sa aking mga magulang. Naynay, Taytay. Ano yun anak? May sasabihin po sana ako sainyo, gusto ko pong mag kolehiyo, hindi nyo po kailangan problemahin ang pagpapa aral sa akin, kaunti lang po ang hihingiin ko sainyo, maghahanap po ako ng trabaho sa kabilang bayan para po pang tustos sa pag aaral ko. Anak naiintindihan namin ng taytay mo ang kagustuhan mong mag aral pa. Proud kami sa mga naabot mo at sa mga nakamit mo sa pag aaral pero hindi namin kaya anak, pasensya ka na. At saka nalaman din namin na may sakit ang bunso mong kapatid, kailangan nya ng regular na check up sa doctor at mga gamot pati vitamins. Anak ko, ipapakiusap namin sa'yo na ikaw na muna. Pumunta ka sa Emerald City, siguradong maraming naghahanap ng kasambahay doon. Expected ko na na hindi sila papayag pero ang mag trabaho sa malayong lugar? Bakit? Bakit hindi na lang dito? Napakababa ng sasahurin mo kung dito ka lang sa atin o kung sa kabilang bayan.Sana ay naiintindihan mo kami anak. Pasensya ka na. Okay lang po ma, sige po kailan po ba? Kahit na masakit sa loob ko ay nung narinig ko na may sakit ang bunso kong kapatid ay hindi ko na napigilan na sumang ayon. Luluwas ang tiyan Isabel mo sa sunod na linggo, sasabay ka na sakanya. Pagkatapos ng usapan na yun ay umalis na ako ng bahay at pinuntahan si Bonik. Ayaw kong mag alala sya kaya kahit na mangiyak iyak na ako eh tinago ko na lang kung anong nararamdaman ko at kung anong nangyari bago ako makarating sa tree house. Hi Aida! Oh kamusta? Naku nabusog ka na siguro ano? Ito may kinuha ako sa bahay para meron tayong kainin! Wow ano yan Bonik? Parang ang sarap! Syempre luto yan ng mama ko eh. Pagkatapos naman na kumain ay may nilabas syang bulaklak at tsokolate. Para sa'yo Aida, congratulations ulit. Hala ano to? Ako tuloy walang gift sa'yo. Okay lang, deserve mo yan eh. Aida, may aaminin sana ako sa'yo. Ano na naman bang kasalanan ang ginawa mo Bonik? Graduate na tayo at lahat lahat puro ganyan ka na lang hahahaha Aida, gusto kita. Nawindang ako sa narinig ko. Ako!? Magugustuhan ni Bonik? Nagpapatawa ka na naman Bonik eh, ano ba kasi yun? Yun na nga yung Aida, maniwala ka please. Bigla ko naman na naalalang aalis na pala ako papuntang Emerald City kasama sila Tita. Sorry Bonik, na appreciate ko ang pag amin sa akin pero hindi ko pa talaga kaya eh. Takot ko lang din. Saka hindi din pala pumayag ang mga magulang ko. Sa totoo nyan aalis na ako sa makalawa, sasama ako sa tiya Isabel ko para pumunta sa Emerald City para mag trabaho. Emerald City!? Ang layo naman non! At saka agad agad? Aalis ka na agad? Hindi na ako nakapag salita pa at tumango na lang habang paiyak na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD