Chapter 12

3269 Words
"Focus," Bulong ni Danna habang inaayos niya ang suot ko. Mukhang kanina niya pa napapansin na wala ako sa katinuan, ah. Iniisip ko si Ziler. Saan ba kasi siya pumunta? "Yeah." Naisagot ko na lang. Nagawa ko na ang apat kong eksena, Isa na lang at uuwi na kami. Last na to'. Sa kanina ay alam kong wala na akong focus dahil kay Ziler. Gusto kong malaman kung nasaan siya at talagang ako na ba ang girlfriend niya? Pucha! Ang gulo! Ang O.A ko. "Good job everyone!" Masayang sabi ni direk at niyakap kaming lahat. "Thank you, Ms.Xylisa." "Welcome, Direktor." Pormal na pasalamat ko at ngumiti. Nginitian niya muna ako bago ako talikuran upang may ayusin daw. Agad namang limapit si Kyle. "Magpahinga ka na." Nakangiti akong tumango at tinalikuran siya ngunit nagsalita siya kaya agad akong bumaling ulit sa kaniya. "Yes," "Oh, i forgot to tell you, the manager of Kendall Jenner wants to meet you, are you willing to take the opportunity to go to France? So you can meet with Ms.Kendall also?" He asked. Nagulat naman ako. Wow, just wow. I really want to see Kendall, same with Taylor! Nasa France din yata si Taylor! Nginitian ko siya. "Is it okay with you ba?" Of course i will consult my Manager first before making desicion. "Ofcourse, i know that you want to meet with Taylor Swift.." Natatawang sabi niya. I giggled. "Sure!" I smiled widely. Nagpaalam pa muna kami sa mga kasama namin bago umuwi sa sarili-sariling unit. "Let's go, Xy, tulog ako sa unit mo ha?" Anyaya ni Kyshel. Nakangiti akong tumango at akmang sasakay ng sa sasakyan ko ng may humawak sa braso ko. Sa gulat ko ay agad ko itong binawi. "What th— Mr.Cereno?!" Gulat na tanong ko. "You're really beautiful... I wonder how tasting you are..." Mahinang sabi niya while bitting his lower lips. Yuck! "Your rude, Mr.Cereno." Galit na aniya ko. Ngumisi lang siya at sumandal sa sasakyan ko. Nagulat ako kasi parang hindi niya alintana ang mga mata ng kaibigan kong nanonood sa kabastusan niya. "Kailan pa naging bastos ang humawak sa braso ng magandang dilag?" Nakangising tanong niya. "When you meet me." Agad akong napalingon sa pinanggalingan ng boses na iyon. Nagulat din ako ngunit agad ding nakabawi. Nakapamulsa siyang naglalakad papunta sa gawi namin. Ang seryoso ng mukha niya kumpara sa dati niyang itsura. Ang mga mata niya ay madilim at nagtitiim pa ang bangang niya. Bakas nag pagtataka sa mukha ni Mr.Cereno ng makalapit si Ziler sa amin. "What?" Tanong ni Mr.Cereno. "Holding a beautiful girl is so f*****g bad when you meet me, any part of a body of a girl cannot be touched without permission is out of your ass. " Kaswal na sagot ni Ziler at kinuha ang kamay ko tsaka hinalikan ang likod ng palad ko. Napangiti ako sa ginawa niya. pero nawala agad iyon ng maalalang nandito pa pala si Mr.Cereno. "Who are you?" Kunot-noong tanong ni Mr.Cereno. "Who are you?" Balik tanong ni Ziler. Hinapit ni Ziler ang bewang ko, palapit sa kaniya. Napadako ang tingin ni Mr.Cereno sa kamay ni Ziler na nakahawak sa bewang ko. "I'm her boyfriend." Nakangising sagot ni Mr.Cereno. Naramdaman kong humigpit ang hawak ni Ziler sa kamay ko. Agad akong umiling. "Your not my boyfriend." "Don't deny it, I know you like me too." Nakangisi paring aniya Mr.Cereno. "She won't like you because she love me. I'm her boyfriend." Sabat ni Ziler. Napatitig ako kay Ziler. Hindi ko inaasahan na sasabihin ni Ziler iyon. Napaawang ang labi ni Mr.Cereno at hindi makapaniwalang tumingin sa akin. "I-Is that t-true?" Tumango ako. "Yes, He's my boyfriend and I love him." Mas lalong umawang ang labi niya. "Oh god, your fans should know this." "Why not? My fans should know how freaking rude you are to me. Pinagnanasahan mo ako, for pete's sake Mr.Cereno, we are not capable." I said. Natigilan siya. "Your...... a b*tch." He cursed at me. Agad kong hinawakan ang kamay ni Ziler nang akma itong susugod kay Mr.cereno. Mabuti na lang at mabilis na umalis si Mr.Cereno kaya naman ngumisi ako. "Let's go, Ziler." I heard him mumbled. "Tangina niya." I smiled secretly. "Psh, Let's go." Hinila ko si Ziler at akmang sasakay muli nang agad akong mapalingon dahil bumalik si Mr.Cereno! "What about your friend, Jade?" Inis ko siyang tinignan at nakangisi lang ang Gago. "She's sweet and pure, huh? What do you think?" "Jade like my friend and he's doctor, he know how to cut every corner of a body, though." Nakangising sabat ni Ziler. Namutla si Mr.Cereno at walang pasabing umalis at tsaka mabilis na minaneho ang sasakyan. "Assh*le." I heard Ziler. "What was that?!" Bumaba si Jade at Kyshel, sabay na naglakad palapit sa amin. Agad kong binitawan ang kamay ni Ziler ng aking mapansin na dumarami na pala ang nanonood sa amin. "Xy? Anong meron kay Mr.Cereno?" Kunot-noong tanong ni kyshel. Nakababa na rin pala. "Sa condo na ako magpapaliwanag." Sabi ko at sumakay sa kotse ko at minaneho na. Iniwan ko si Ziler, jade at Kyshel do'on. May sasakyan silang dala. Nakarating na kami sa condo. "So........ bakit ganon si Mr.Cereno sa yo, Xy?" Tanong ni Kyshel. Dumeretso ako sa kusina at naupo doon. Umupo din sila. Sa tabi ko si Ziler, magkatabi naman si Jade at Kyshel sa harap namin ni Ziler. Bumuntong-hininga muna ako at ikwinento ang lahat ng ginawa ni Mr.Cereno sa akin, sa taping, sa folding bed kung saan sinubukan niya akong halikan, ang paghawak niya sa akin, ang pagbulong ng malalaswang salita, ang mata niyang uhaw na uhaw sa akin at kung paano niya ako pagnasahan. "Oh sh*t." Kyshel cursed. "Bakit hindi ko nahahalatang may ginagawa na pala siya? Wala akong kwentang manager mo, I'm sorry..... I'm really really sorry, dapat sana napigilan ko siya, tapos pinilit ko pa si Jade na makapares si Mr.Cereno, ano na lang ang sasabihin ng parents niyo sa akin? Na pinapabayaan kong magawa sa inyo yon ng lalaki?" Emosyonal na sambit niya at pumikit. "N-No, ayos lang, it's not your fault, hindi iyon iisipin nila Mom dahil ginagawa mo ang lahat, biglang manager at kaibigan namin. Masyadong magaling si Mr.Cereno na magpaikot ng mga tao," Hinawakan ko ang kamay niyang nakapatong sa lamesa. "Wala din akong balak ipaalam kila Mom, it's not important." "Oo nga, hindi niyo naman siya kukunin na artista kung alam niyong may ganon siyang ugali, diba'? Kaya cheer up, pangit ka pag umiyak ka." Biro ni jade. Sumama ang mukha ni Kyshel at hinila ang buhok ni jade. "Bakla ka! Ansakit ng anit ko!" Angil ni Jade. "Aba, dapat lang sayo yan, ang ganda ganda ng moment ko, tapos sisirain mo? E kung sirain ko yang magandang mukha mo?" Pagtataray ni Kyshel. "Hoy," Inambahan ni Jade si Kyshel. "Destroy everything, but not my gorgeous face, huh, this is rare!" Maarte at mahinahon na aniya jade with matching hawak pa sa mukha niya. Umismid si Kyshel. "Gorgeous? Maganda ka pero hindi ka gusto nung doctor na gusto mo? What's the use of your GORGEOUS FACE?" Natigilan si Jade at hindi agad nakasagot. Umasim ang mukha ko. Ayaw sa kaniya ni Doc Mix? Imposible, e bad mood si Doc Mix pag hindi nakikita si Jade. At saka, akala mo ba sila na ni Doc Mix? "Mix? Why? I mean, as far as I know, Mix like you too but why are you saying that he doesn't like her? Kayo na diba'?" Sabat ni Ziler. Bumaling din siya Kay Jade. Tumaas ang Isa kong kilay at binigayan si Jade ng nagtatanong na tingin. Nag-peace sign lang siya. Wala akong matandaan na may sinabi siya sa akin tungkol kay Mix, bukod sa relasyon nilang dalawa. Wala ding nababanggit si Mix sa 'akin. Naglilihim na sila ah. Oh god. "Kami na, pero........" Mahinang aniya. "Naging busy siya this days, bihira na kami magkita...." Pag-amin ni Jade kay Kyshel. Napatitig naman si Ziler sa kaniya. "Yeah, we've been busy this days because of operations, I hope you can understand him..... it's his day off today, hindi siya pumunta sa'yo?" Nagtatakang tanong ni Ziler. Umiling si Jade. "No, sabi niya may trabaho siya ngayon..." Napatitig si Ziler sa kaniya at parang inaalam kung totoo ba. "What i know is he will go to you, buy why is he's not here with you??" Nagtataka paring tanong ni Ziler. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa, pati si Kyshel. Parehas kaming nakikinig sa usapan ng dalawa. Wala kaming clue kung ano man iyon pero tungkol kay Mix at Jade ito, but i know that there's a conflict between their time for each other. Napapansin ko din ang matamlay na mga mata ni Jade nitong mga nagdaang-araw, palaging tamad kumilos, walang gana, laging tinitignan ang cellphone tuwing tutunog, at ayaw umuwi sa bahay nila o sa condo man lang niya. Her family owned a company, that's why they are busy. "N-no, hindi kami nagkikita this days, busy daw siya pero bukas ay susunduin niya ako after ng shoot." Pinipigilan ni Jade mautal pero nabigo siya. Napayuko pa siya at kinutkot ang sariling kuko. "But—" Jade cut Ziler off. "No buts nga, kinakausap mo ako e baka magselos si Xy." Bumaling siya sa akin ng nakangisi. Mas tumaas ang kilay ko at inirapan siya. Nagtawanan naman silang tatlo. Malapit lang talaga si Jade sa 'akin ay hihilain ko ang buhok niya. Inambahan ko siya ngunit nilabas lang niya ang dila niya. "Bleh! Artista niyong si Xy, nananakit na e." Nakangising sabi ni Jade. "Pakyu, jade." I raised my middle finger. She laughed hard. "Bad yan, hahaha! Baka anong isipin ng katabi ko, baka may milagrong man—" I cut her off. "Shut up! You're annoying!" Inis na sabi ko. "Oo nga! Dito ako matutulog ah?" Sabi niya at tumataas-taas pa ang kilay niya. Agad akong umiling dahil sa hindi pagsang-ayon. "No. Hindi ka nagbabayad dito kaya wag kang epal," Inis na sabi ko at nginisian siya. Yung ngising maaasar talaga siya. "A-ano? H-hoy! Porket hindi ako nagbabayad e hindi mo na ako patutulugin dito?" Tanong niya at napatayo pa siya. "Natural, hindi ka nga nagbabayad e." Inirapan ko siya at sumandal sa upuan ko. Sinamaan niya ako ng tingin. "Ang sama mo talaga e no'?" "Matagal na." "Buset. Tara na nga! Letse!" Padabog niyang dinampot ang bag niya sa ibabaw ng mesa at hinila si Kyshel palabas ng condo ko. Natatawa ko silang sinundan ng tingin. "Now, let's talk." Napaigtad ako ng magsalita si Ziler. Nakakatakot talaga ang boses niya! "Talk about what?" Maang-maangan na tanong ko at tumayo. Pumunta ako sa sala at naramdaman ko ang pagsunod niya. "Talk about what?" Panggagaya niya sa tinanong ko. "Umuwi ka na, it's late." Sabi ko at kinuha ang remote sa center table at umupo sa sofa. Kumuha ako ng unan at nilagay iyon sa kandungan ko. "You're my girlfriend so your my priority." Inagaw niya ang remote sa kamay ko at siya ang nagsindi ng T.V at namili ng panood. Priority, huh? "Justice League? Seriously?" Natatawang tanong ko habang nakatingin sa pinili niyang panoorin. "Yeah." Tipid na sagot niya at binaba ang remote sa center table. Tinuon niya ang magkabilang siko niya sa sofa at sumulyap sa 'akin. Tinaasan ko siya ng kilay at tumingin muli sa T.V na nagsisimula na. Ramdam ko ang titig niya sa akin ngunit hindi ko ito pinansin. Tumayo ako at nagtungo sa kusina para kumuha ng makakain. Ayaw pa naman niyang umuwi e, kaya pakakainin ko muna at lalandin. Char! Kumuha lang ako ng Ice tea at maraming gummy bears. Nilagay ko sa magkaibang bowl ang gummy bears para tig-isa kami. "Oh. Kumain ka muna." Inabot ko sa kaniya at isang bowl ng gummy bears at pinatong ang dalawang baso at isang pitcher ng Ice Tea tsaka umupo muli sa tabi niya. "What the! Gummy Bears?" Gulat na tanong niya ng makita ang laman ng bowl. "Oo, masarap yan." Nakangiting sabi ko at tumingin na sa T.V. "I'm not a kid." Nilapag niya ang bowl sa center table. "Pambata? E ano yang pinili mong panoorin? Hindi ba't pambata?" Ngumisi ako. Tumaas ang kilay niya at tumingin sa akin. "So?" "Sowey po. Hahahaha!" Tumawa ako ng malakas para maasar siya. "This woman is unbelievable." I heard him whispered. "Yeah." I just said and starting to eat the gummy bears. He have no choice but to eat it. Kinuha niya ito muli sa lamesa at sinimulan ding kainin. Naging tahimik ang panonood namin hangang sa matapos. Hindi niya na naubos ang Gummy Bears niya dahil hindi daw niya ito gusto. Hating gabi na ng matapos ang Movie kaya medyo Gabi na. Kasalukuyan siyang nakatayo sa pintuan ng Unit ko habang inaayos ko naman ang mga ginamit namin. Pinag-isa ko na ang gummy bears naming dalawa sa isang bowl at nilagay iyon sa Refrigerator. Nilagay ko din sa lababo ang bolw at baso na ginamit namin, pati ang picher. Pinunasan ko muna ang kamay ko sa towel na nakapatong sa taas ng cabinet kung saan nakalagay ang mga baso. Pagkatapos ay sumunod na ako sa kaniya. "What took you so long?" Reklamo niya. "Inaantok ka na ba?" Tanong ko sa kaniya. "Yeah, i have my operation tommorow early." Inaantok na aniya at umayos ng tayo. "Ganon ba? Paano mo nalalaman kung may Operation kayo bukas?" Takang tanong ko. Ano yon? Nahuhuluhaan niya na may isusugod sa hospital bukas? "Silly, of course not. I have an operation tomorrow because that was my friend told me, she saw my schedule and I did not, so she told me before." Sagot niya. Tumaas ang Isa kong kilay. "Sinong kaibigan yan? Babae ba?" "Yeah, lalaki rin siya." He chuckled. "Why? Is my girlfriend jealous?" Matamis siyang ngumiti at lumapit sa akin. "No way." I shook my head. He grabbed my waist and pulled me closer to him then he kissed me and I can't help but to respond to his kisses. He pushed his tongue inside my mouth. "U-Uhm. Ziler..." I moaned his name when his kisses went down to my jaw, down to my neck. "Ziler...." Ungol ko pa maramdaman ko ang kamay niya sa dibdib ko. Muling umakyat ang halik niya sa labi ko at mariin akong siniil doon. "This is sweet than those Gummy Bears." He said between our kisses. Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Mas matamis pa sa Gummy Bears? What the? "You serious?" Hindi makapaniwalang tanong ko at bahagya siyang tinulak sa dibdib. Natawa siya. "Yeah. I'm serious." "You kissed me because you want to taste what's sweetest the most? Gummy bears or my lips?" Inis na tanong ko. Ibig-sabihin..... Hindi niya talaga gustong halikan ako? Gusto lang niyang tikaman kung alin ang mas matamis? Yung labi ko ba o yung Gummy Bears? Punyemas! "No, I kissed you because I want to kiss you." He softly said. Hindi ko alam pero bakit parang bigla akong natawa sa kaniya. "Bwahahahahaah!" "Why you laughing?" Takang tanong niya at sumandal sa pader. Nanatiling nakasara ang pintuan ko at mukhang wala pa siyang balak na umalis. "Wala, umuwi ka na, Gabi na, maaga pa gising mo bukas." Hinawakan ko ang laylayan ng damit niya at pinilit siyang palabasin ng Unit ko. "Tch." He hissed. Hindi naman siya umangal at nagpahila na lang din. "Kiss ko?" Sabi niya na parang bata. Natawa ako sa kaniya at umiling. "Nakahalik ka na ah?" Angil ko. "That's not enough." Parang bata na aniya at lumapit sa akin tsaka niyakap ako. Nilingon ko muna ang paligid bago siya yakapin pabalik. Baka kasi may makakita e. Issue to. "Ayos na yon." Sagot ko. "It's not." He whispered and bite my ears. Nah, he's seducing me. "It is." I said and slightly pushed him on his chest. "It's not." Sabi niya at muling sinuksok ang mukha niya sa leeg ko. Naramdaman ko na lang ang bahagya niyang paghalik sa leeg ko na nagbibigay sa akin ng libo-libong sensasyon sa aking katawan. Panay ang lingon ko sa paligid dahil baka may makakita sa amin. Habang siya ay patuloy na hinahalikan ang leeg ko. Kaya bago pa siya magiwan ng marka ay tinulak ko na siya. May CCTV! Halata sa mukha niya ang pagkabitin kaya natawa ako. "Pumasok ka na. Late na, e." "You facetime with him?" Biglang tanong niya. Him? Kumunot ang noo ko. "Who?" "That, Finick? I guess?" Nagkibit-balikat pa siya. Nanlaki ang mata ko. "Pano mo nakita? Iun-friend kita ah?" Agad kong natakpan ang bibig ko. Patay! "So, you really unfriend me on i********:, huh?" Nakangising aniya. "H-Ha? Uy! Hindi ah." Depensa ko. Tumaas ang kilay niya. "I saw your post on your Instagram." "Paano mo nga nakita?" Takang tanong ko padin. "Friend kita, Right?" Natatawang aniya. Patay! "A-Ahh, Yeah. Oo nga pala." Ngumiti ako at hindi pinahalatang nagsinungaling ako. "I have to go, I need to sleep because tomorrow is a hard day again, i guess." He smiled. I nodded. "Yeah, goodnight boyfie." Pang-aasar ko sa kaniya. "Goodnight, girlfie." He said and kissed my forehead. I closed my eyes and feel his soft kiss. Naimulat ko ang mata ko at pinanood siyang pumasok sa Unit niya. Kinindatan niya muna ako bago isara ang pintuan niya. Card ang ginamit niyang pambukas ng pintuan ng Unit niya. Napailing na lang din ako at pumasok sa Loob ng unit ko. I just took a hot shower and go to my bed. Tinalon ko ang kama ko at sinubsob ang mukha ko sa Unan. Ilang sandali lang ay nakatulog din ako agad. Maaga akong nagising kinabukasan at agad na naligo. Dumaan din dito si Kyshel kasi hinatidan ako ng umagahan. Syempre, hindi mawawala si Jade, Mia at Haze. Mas maaga pa sila kaysa kay Kyshel. Mabuti na lang at marami ang pagkain na dinala ni Kyshel, saktong-sakto para sa aming apat. Nag-text din si Ziler na magkikita kami mamayang hapon after ng operation niya. Pumayag naman ako kasi matatapos na ang shooting namin. Magkikita kami sa Bar mamaya at ia-announce niya ang tungkol sa relasyon namin s amga kaibigan namin. Masaya ako dahil doon, masaya ako dahil mukhang seryoso siya sa akin. Pero hindi ko parin maiwasang mapaisip tungkol sa dati niyang nililigawan. Ang lakas kasi ng pakiramdam ko na hindi gusto ng dati niyang nililigawan na manligaw ulit ito ng iba. Tulad nga ng usapan namin ni Ziler ay nagkita kami sa bar. Nandoon din ang mga kaibigan namin. Si Jade, Haze, Mia, Mix, lucky, Vince, Top, Jasmin, Kyshel at Danna. Kumpleto ang lahat. Nag-sigawan ang lahat nang malaman nila ang tungkol sa relasyon namin. Naagaw tuloy namin ang atensiyon ng iba dahil walang-wala ang music sa sigaw ng mga kaibigan namin. Umuwi din kami matapos naming mag-celabrate sa Bar, sandali pang nag-stay si Ziler sa Unit ko bago umalis. Syempre, hindi mawawala ang landian namin. Panay halik sa leeg ko ang ginagawa niya habang ungol lang ang naiaambag ko. Nasabi niya rin sa akin na siya pala si ZZZZ. Akala ko kung sino. Tapos si Jade pala ang nag-follow sa kaniya gamit ang account ko para makita niya ang mga post ko. Nagkakausap pala sila behind my back. Sobrang selos daw siya noong nakita niya yung post ko, yung facetime namin ni Finick. Gusto daw niyang suntukin si Finick non pero nasa operation daw siya. And he accidentally made a small mistake on his operation. His senior scolded him because that's the very first time that he made a mistake tapos ako yung sinisisi. Bakit kasalanan ko? Ako ba yung doctor? Punyeta! Artista lang ako pero hindi ako Doctor. Mga tao ngayon e, ang issue nila!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD